Who is She?

10.4K 317 29
                                    

XYRA'S POV





"Okay class, naibigay ko na ang mga report cards ninyo and by the way, congratulations sa lahat ng tumaas at nakakuha ng 83 as their grade and para naman sa mga hindi pumasa, better luck next time," saad ng Professor at lumabas na ng classroom.






Tumingin ako sa aking report card at laking tuwa ko nang masilayan ang 80 sa papel. Wohoo, Party! Buti na lang at hindi 83 ang grade ko or sa Class E ang bagsak ko. Bakit ako masaya? Ayoko kasi roon.





Sa ngayon, ang makikita mo sa classroom namin ay puro depressed na pagmumukha. Halos lahat kasi sa amin ay bumagsak ulit. Si Rhianna West lang ang nag-iisang nakakuha ng 83 sa amin na ipinagyayabang niya ngayon sa buong klase. "Goodbye losers! Class E na ako," sabi niya at tumawa na parang isang mangkukulam. Ang sarap sipain palabas ng Pilipinas. Biro lang po, hindi ako brutal. (^__^)V





Nahalata ko na halos lahat ay naiinis na sa kanya. May narinig pa akong nagbubulungan, "Badtrip, akala mo kung sino, nangongopya lang naman siya sa atin dati," bulong ng kaklase ko. "Oo nga eh," tugon naman ng katabi niya.





Napabuntong hininga na lang ako at ipinatong ang aking ulo sa desk. Grabe akala ko talaga makakapasok ako sa Class E. Balak ko sana umidlip nang makita ko si Erin na papalapit sa akin. "Best, malapit ka na sana makapasok ng Class- E, sayang talaga!" sigaw niya habang tinatapik ako ng malakas. Aray ko naman! Mababasag ata eardrums ko sa kaniya.





Tumango na lang ako at ngumiti. "Oo nga eh," sagot ko at inayos ang aking upo. " Ilan nga pala nakuha mo?" tanong ko sa kaniya. "79, Sayang talaga, konti na lang at 80 na ako eh!" tugon niya at sumimangot. Kawawa naman si Best. Nag-aral kasi siya buong linggo bago mag exam. "Wag kang mag-alala, may 2nd grading pa naman. Push lang ng push!" sabi ko at ngumiti.





"Best, may sasabihin ako sayo," saad niya at parang nag-aalanganin na ituloy ang kaniyang sasabihin. Kumunot ang aking noo. "Bakit ? Ano ba yun?" tanong ko. "Malungkot ako kasi konti na lang sana at makakapasok ka na sa Class E pero masaya rin ako kasi magkasama pa rin tayo ngayong 2nd grading," dugtong niya.





"Oo nga eh! Masaya rin ako. Ihanda mo na ang tainga mo dahil papagalitan tayo ni tita mamaya," sagot ko sana kaniya. "Sure ako na may lalabas nanaman na usok galing sa ilong niya tulad nang last year," sabi niya at tumawa ng malakas. Magsasalita na sana ako nang may pumasok na estudyante sa classroom namin at sumigaw. "Nakapost na ang rank ng Class-A!" saad niya at lumabas ulit.





Tumayo ang lahat at lumabas na rin ng classroom. "Best! Tingnan natin," sabi ni Erin at hinila ako palabas ng klase. Kailangan talaga sumama pa ako? Pumunta kami sa lobby kung saan may tv screen na malaki kung saan ipinapakita ang mga announcements.





Class-A rank list:

Rank 10- Jade San Diego
Rank 9- Lynetta Greene
Rank 8-Cecillia Miranda
Rank 7- Greg Diggory
Rank 6- Helen Beck





Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa paligid at ang iba naman ay tumitili. Sa pagkakaalam ko, ang susunod nilang ipapakita ay ang Special five students. Bawat pangalan ay may kasamang litrato nila sa gilid.





Special 5 students:

Rank 5- Zoella Grey Flynn
Rank 4- Joshua Mason
Rank 3- Johanna Cruine
Rank 2- Matthew Ross Smith
Rank 1-Eric Anderson Banks




Nagtilian ang lahat nang lumabas ang larawan ni Eric Anderson Banks sa screen.
"First pa rin si Eric! Girl malalaglag ata panty ko," saad ng isang estudyante mula sa Class E. "Ang gwapo niya talaga, ang talino pa. Shemaaay! Inlove na ako!"tugon naman ng kaniyang kaklase. "Ang galing talaga ng asawa ko!" sabi ng isang Class D student.





Lumapit naman ang taga-Class C na babae at tinapik siya sa balikat. "Anong asawa mo? Akin siya noh, kabit ka lang," sagot niya at tumawa. Tumaas ang kilay ni Class D student habang nakangiti. "Eh kung ganun! Nakalalamang ako sayo. Ba't naman siya mag hahanap ng iba kung kuntento na siya sa iyo?" tugon niya. Nakakaloka man pakinggan pero mahahalata mo na nagbibiruan lang ang dalawa na may kasamang pangarap.





Paano ko nalalaman kung anong class sila? Simple lang, ang color ng logo sa uniform namin ay nagrerepresent kung anong class kami.






LOGO COLORS

Yellow-Class F

Orange-Class E

Green- Class D

Violet-Class C

Blue- Class B

Red-Class A





Ang dami pa rin na nagsasalita ng kung ano-ano tungkol sa Class-A students nang may mga sumingit na Class B students. "Excuse me? Watch your behavior. For your information, Eric Anderson is not for a slow-witted person. He should be with someone who's a high class lady just like us. So, snap out of your fantasies sweetheart," saad ni Class B student.





Napakagat labi ako sa sinabi nila. Yumuko na lamang ang mga estudyante at umalis. Kahit ako ay naiinis at naaawa ngunit hindi ako pwedeng sumingit or else I'll be the center of attention. Lumapit sa akin si Erin at may ibinulong, " Best, kawawa naman sila,"





Tumango ako sa kaniya at tiningnan muli ang mga Class B students. Nakatayo pa rin sila sa harap at nag-uusap. Naisipan na lang namin na umalis sapagkat malapit na mag time. Hindi ko maiwasan na maguilty sa nangyari. Nahalata ata ni Erin ang aking itsura at kinalabit ako. "Best okay ka lang?"tanong niya. "Ah, eh ayos lang ako," sagot ko kasabay ng pagtunog ng bell.





-----------------------------------------------

Hello, inedit ko na nga pala ito para sa mga readers na umulit sa pagbabasa. Ganoon pa rin ang gist pinaganda ko lang ang narration. I realized na ang tamad ko pala , mayaman ako sa space hahahaha. Anyway, thank you sa pagbabasa. Sana na enjoy mo <3

Love lots,

~Blair_07

Class-F GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon