49. Jelly

3.5K 105 12
                                    

Over the phone..


....


"Nililigawan ka ba nung Dingdong na yun?"

"Sino nagsabi sa'yo? Sila Vhong?"

"So alam na pala nila? Ako na lang pala ang hindi nakakaalam. Buti pa yung anak mo nakuhang sabihin sa akin." Mapait na sabi ng nasa kabilang linya.

"I was about to tell you kaso-"


TOOOOOOT TOOOOOT TOOOOOOT TOOOOOT-


-


FLASHBACK


"Hello Tito Vice?"

"Who's this?" saad ni Vice maski alam naman niya kung sino ang nasa kabilang linya. Kabisadong kabisado na niya ang boses nito dahil sa halos araw araw na pag uusap nila sa telepono.

"The cutest girl in town po!!! Hihihihihi.."

"Ooohh! Is this my baby girl?"

"Baby niyo po ako?" Banaag sa boses ng bata ang biglang pagkasabik.

"Of course baby. So what prompt you to call the prettiest girl in town? Hahahaha.." Malanding sabi ni Vice sa kabilang linya.

"TITO VICE!!!"

"Why? Hahaha.."

"YOU'RE NOT PRETTY! YOU ARE POGI! HANDSOME! OKAY? HMP!"

"Hahahahaha bakit ka nga pala napatawag baby? May problema ba?"

"....."

"Hello baby? What happen? Tell me!" Natatarantang sabi ni Vice dahil hindi na nagsalita ang nasa kabilang linya.

"I won't talk to you po unless you'll say you're pogi, not pretty. Hmp!"

"Okay na. I'm pogi, not pretty. Okay na po ba madam?" Pasukong sabi ni Vice. Napakamot na lamang sa batok si Vice. Kahit kailan talaga ay hindi niya kayang manalo sa mag-inang 'to.

"Okay! Yey!!!!" Ngiting tagumpay naman si Avi. And as to Vice, he can clearly imagine Avi's reaction right now, malamang sa malamang ay abot tenga ang ngiti nito.

"Bakit ka nga napatawag baby? Nasan ang nanay mo? Kaninong phone 'tong gamit mo?"

"Ang dami niyo naman pong tanong. Hindi ko po alam ano uunahin ko sagutin po." Dahil sa pagkalito ay napakamot na lamang sa batok si Avi. Ang dami naman kasing tanong ni Vice.

"Hahahaha sorry sorry. Bakit ka na lang tumawag?"

"Kase po-ano po-"

"Kase?"

"Namimiss na po kita." Nahihiyang sabi ng bata.

Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni Vice. "Sobrang sweet talaga ng batang 'to." Nasabi na lamang nito sa sarili niya.

"Gusto po sana kitang i-visit but no one will accompany me. Wala si nanay po eh."

"Miss agad? Diba nagplay naman tayo kahapon? Eh nasan pala ang nanay mo?" Napakunot noo naman si Vice.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon