57. Left

3K 111 58
                                    





Avi and I are just sitting on a bench in the back part of the park. The sun is setting and my eyes are just looking at the sky which is starting to get darker. The sun is slowly disappearing and the moon took over. Nagsisimula na ding nababawasan ang pangilan ngilang tao na kanina ay nasa park. Ang mga poste ng ilaw na lamang ang nagbibigay liwanag sa malamlam na gabi. Tahimik na tahimik sa buong paligid at mga panakanakang ingay mula sa mga sasakyan na dumadaan ang naririnig ko.


Bigla namang nabasag ang katahimikan na siya ko namang kinagulat. Nagriring ang telepono ko at nang tiningnan ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.


"Lovey, hindi pa ba kayo uuwi ni Avi? I prepared surprise dinner for her. We should be celebrating her birthday together."  May himig ng labis na pag-aalala at pagtatampo.

"Yes. We'll be there in a few." Emotionless, I answered and then I heard a sigh. Si Avi naman ay pinapanuod lang ako.

"Okay. Nag-aalala na kasi ako sa inyo. It's getting late, hindi ako panatag na dalawa lang kayo ni Avi. Where are you? I'll fetch you."






"H-hindi na Mom. Pauwi na rin kami." At biglang napadako ang tingin ko kay Avi na palakad lakad lang sa harapan ko. A pang of pain hit me, again. Naramdaman ko naman na parang maiiyak ako dahil nagsisimula ng mabasa ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim para pigilin ang nagbabadyang pag-agos ng aking emosyon. I don't want Mommy to think that I am having this self pity again. Ayokong mapasin niya na heto na naman ako, nag-iisip at pagkatapos ay iiyak na naman. "Don't worry about us, Mom."

"Okay. Basta anak nandito lang kami ng Daddy mo at mga kapatid mo. Okay? I love you. Uwi na kayo." I just said my goodbye and ended the call. Napatulala na naman ako sa phone ko.


"Si Momsie po yun Nanay?"

"Yes baby."

"What did she say po?"

"She's asking us to go home. Do you want to go home? She cooked dinner daw for your birthday."

" Really? But... can we stay here po kahit ummm-- last five minutes po."

"Okay. Pero last na talaga yan ha. Nakakatatlong last five minutes na tayo."

Tumawa naman siya sa sinabi ko at bumalik ulit sa paglakad lakad niya. Itong bata talaga na 'to napakapilya. Yes. Nasa West End Park kami ngayon. Kaninang umaga ay tinanong ko kasi siya kung saan niya gusto i-celebrate ang birthday niya at nabigla ako sa sinabi niya na gusto lamang niyang pumunta dito. Ikinabigla ko nga rin kung paano niya nalaman ang park na 'to. Hindi ko pa naman siya napapasyal dito. And when she said that it was him who brought her here, I saw pain crossed her eyes. Labag man sa loob ko ay pinagbigyan ko na lamang. Ayoko naman na ma-disappoint siya sa mismong kaarawan niya. It is her ninth birthday today. Besides, mabuti na rin 'to kaysa noong nakaraang birthday niya ay nagkulong lamang siya sa kwarto niya. Ayaw na daw niya mag-celebrate.

 Sobrang sentimental ng lugar na ito sa akin. Isa ito sa mga piping saksi sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Dito niya unang sinabi na mahal niya ako. Naramdaman ko na ngayon ang pagbagsak ng mga luha mula sa aking mata. Agad ko naman itong pinahid nang nakita ko na pabalik na ulit si Avi sa pwesto namin.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon