9. BFQ

4.4K 117 5
                                    

VICE’s POV

******

The day that started bad became worse.

 

-----

 

 

Worse? Yes. Worst maybe. Bukod sa napakadaming meetings, e nagback out pa yung isang costumer. Medyo malaking account yun. Nagkasagutan kasi kame over the phone. Nagheat up na ko. May mga nirerequest at dinedemand sya na very impossible na maimeet dahil sa binibigay nyang deadline. Sabayan pa ng init ng ulo ko.

Dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng phone call ko kay Karylle at dalawang araw na din mainit  ang ulo ko. Di  ako makausap ng maayos at di rin ako makafocus sa trabaho. Etong si Anne nga araw araw akong sinesermonan kasi parang nag-iba daw ako tapos naaapektuhan na din daw yung trabaho namen. She has the license to do that kahit naman amo nila ako, mas namamayani pa rin yung pagiging magkakaibigan namin. Next to K, sila na nila Vhong, Billy and Anne ang tinuring kong malalapit na kaibigan.

Si Karyle naman kasi. Di na sya nagparamdam pagkatapos nung sagutan namin sa cellphone. Actually, di nga sagutan yun kasi di na naman sya sumagot at binabaan na ko ng telepono.

Wala ng “Good morning Pogi!” o kaya “Goodnight Pogi!” .

Wala na din “Kumain ka na ba Vicey?”.

Di na rin nya ko tinetext ng “Drive safe my Vice. Love you !”  Napapikit ako.

Wala ng sweet messages na talagang kumokumpleto sa araw ko at ang namimiss ko talaga ay yung “I love you Bessie” kahit na ba alam ko na it’s all for the friendship basta galing sa kanya kinikilig pa din ako.

Nakakamiss yung masarap nyang luto, yung magandang boses nya, yung kaartehan nya, yung pagiging childish nya. I just missed the best things in her lalo na yung mga flaws nya.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon