28. Second?

3.5K 86 9
                                    

VICE's POV

RIIIIIIIIIIIIIIING!

V: GOOD MORNIIIIIING SAKANG!!

K: Ang aga aga ha! Tsaka kung makapagsalita ka jan akala mo naman tuwid yang binti mo! Pike!

V: Hoy grabe ka ha!!! Gumagawa ka ng ikapipintas ko e ang perpek perpek ko!!

K: Ewan ko sayo.. What is this call about ba?

V: What is this call about ba?

I imitate her tone.

V: Ang arte arte mo!

K: Maganda naman!! Bakit ba kase?

V: Wala naman.. I wanna hear your voice e..

K: .........

V: Luh? Kinilig na naman? Huyy K alalay sa damdamin!

K: Feeling na naman ha! Bakit ka nga tumawag? 

V: Remind ko lang yung meeting for the next prospect mamaya. I'll text you the details. Wag mong kalimutan ha! Nakakahiya dun sa kaibigan ko pag di ka sumipot.

K: Wag mo kong igaya sayo! Natatakot ka lang na baka i-Viceral kita e!

V: I-Viceral ka jan!!! Ewan ko sayo Ana Karylle! Babooooshhh!

 K: Hahahahaha bye!!

Baliw talaga si K may nalalaman pang i-Viceral. Kunwari pa sya mukha naman naenjoy nya yung di ko pagpunta e. Naiinis pa rin ako pag naalala ko kung gaano sya kakilig habang kinekwento sa akin si Dingdong. Yung mga qualities nya na sinabi habang dinidescribe si Dingdong parang di naman qualities ng donor e, parang qualities ng boyfriend. Bakit ba di kasi ako nakapunta para natakot ko man lang yang Dingdong na yan. Si Karylle kasi yun e. Ewan. Tingnan ko lang dito sa ipapakilala ko kung kiligin pa tong si K.

K’s POV

Late na ako ng halos dalawampung minuto at nandito pa rin ako sa gitna ng kalsada at naipit sa traffic. Tunog na ng tunog ang cellphone ko at alam ko na si Vice na yung makulit na tawag ng tawag. Ewan ko ba naman kung bakit parang excited na excited siya na makilala ko yung kaibigan nya. This is unusual for Vice. Possessive siya. Nung nagkwekwento nga ako sa kanya tungkol sa meeting ko sa unang prospect as donor, alam ko na naiinis sya. Tapos ngayon parang kulang na lang ay buhatin nya ako para makarating agad sa meeting place namin. Speaking of meeting place ay hindi talaga pamilyar sa akin ang restaurant na to. Never heard anything about “Morning Star Restaurant”

-

Swerte naman at may nakapagturo sa akin kung saan ang restaurant na un. Buti na lang at may natanungan akong tricycle driver. Nabigla naman ako ng bumungad sa akin ang isang karenderia na may malaking placard na “Morning Star Restaurant”. Knowing Vice na sosyal at maarte, he would not choose this place. Bagamat nagtataka ay agad akong bumaba sa kotse at tumakbo papasok. Bigla ko naman naalala yung phone ko kasi hinihintay ko nga pala yung tawag ni Mama. Natanawan ko naman sila Vice sa di kalayuan. Nakaharap si Vice sa direksyon ko samantalang kasama nya sa iisang mesa ang lalaking nakapula at floral na damit at nakatalikod sa akin. Habang papalapit sa kanila ay patuloy kong hinanap yung cellphone sa bag ko.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon