35. The Donor

3.3K 86 7
                                    

VICE’s POV

Kinaumagahan nagising ako dahil na rin siguro sa lamig at sakit ng likod ko. Nakatulog na pala ako sa sahig dito sa sala. Biglang kumirot ang ulo ko at inalala ang nangyari kagabi. Nag-inuman nga pala kami nila Vhong at Billy. Mga lokong yun di man lang ako ginising at pinalipat sa kwarto.

V: Jacky! Jacky!!

Wala namang sumasagot sa tawag ko. Naisip ko na baka umalis lang yun at may binili sa grocery. Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong bumangon. Hilong hilo ako kaya medyo gegewang gewang pa ang lakad ko at medyo blurry pa kasi ang paningin ko. Dumeretso naman ako sa kusina para kumuha ng tubig at gamot para maalis tong hang over ko. Mukhang naparami nga yata ang inom ko kagabi. Napailing na lang ako ng maalala ko na naman ang dahilan ko kung bakit ako uminom kagabi at noong isang araw, at noong mga nakakaraang araw. Napasapo naman ako sa ulo ng makaramdam ako ng kirot. This time hindi ko alam kung ulo ko pa ba ang iniinda ko ang sakit nanararamdaman ko dahil sa isang linggo naming di pag-uusap ni Karylle.

I decided to take a bath. Amoy alak ako, kung nandito si K talak na naman ang abot ko. Haaay! K na naman. I marched out of the kitchen ng makasalubong ko naman si Jacky.

J: Good morning ate Tutoy!

V: Saan ka galing?

 J: Lumabas lang po. May binili lang po para sa lulutuin mamaya.

V: Aa wala na ba tayong groceries? Mamaya umakyat ka dun sa taas bibigyan kitang pang grocery.

J: Sige po. May gusto po ba kayong ipaluto?

V: Wala. Di ako kakain.

Napayuko na lang si Jacky sa sinabi ko.

J: Ayy ate! May iniwan nga po pala si Ma’am Anne. Kahapon pa po pala yun nakalimutan kong ibigay. Wait po.

Tumalikod naman agad si Jacky at may kinuha sa lamesa sa tabi ng telepono. Bumalik din siya agad at iniabot sa akin ang pink envelope. Pagbukas ko ay bumungad sakin ang isang kulay pink din na card na may ribbon pa na kulay fuschia at baby pink.

V: Para saan daw to?

J: Di po sinabi. Nagmamadali din po kasi siya nung pumunta dito kaya din a rin pumasok.

I was shocked sa nabasa ko.

“I’m getting pregnant party!

Dear Vicey,

 I’d love if you could come.

XO,

K.

Sunday, November 24.

Is she serious? Getting pregnant party? And again seriously, cut-out sperms. Napasapo na naman ako sa ulo ko nang mapayuko ako at makita ang kumalat na cut-out sperms sa may paanan ko. Di ko na kinakaya tong si Ana Karylle.

((Refer to the external link. I am really in hurry to finish this one kaya di ko na inalala paano magattach ng pic dito. I put the original invites from the movie. Just tried to edit the names hahaha))

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon