K's POV
.
.
.
4am
Di ko napansin kung anong oras o kung paano ako nakatulog kagabi. Basta ang alam ko lang ay pumunta si Vice dito kagabi di ko sya pinagbuksan. Binulabog nya lang naman ako hanggang sa napagod sya (siguro) at umalis (siguro).
Natulog ako ng masama ang loob kagabi. Paano ba naman ay hindi ako sinipot ng bestfriend ko sa kauna unahang attempt ko na makahanap ng sperm donor. Walang man lang text, tawag or tweet man lang para di naman ako nanghuhula. Well technically may chance na dapat akong malaman kaso di ko lang sya kinausap kahapon. Medyo I felt guilty rin naman sa di ko pagkausap sa kanya. He should learn his lesson, di dapat sya nangangako na di naman nya kayang tuparin. Kakagaling ko lang sa bakasyon pero parang stress na naman ako. Haaayyy! I need to run para atleast marelieve man lang ang stress ko.
30 minutes after ay tapos na akong gumayak. I was about to go and so I open the door..
.
.
K: GOSH!!! O.O
Napasigaw ako sa nakita ko. My voice is not too loud para mabulabog ang mga floormates ko (LOL for floormates-- naintindihan nyo naman diba?) but is audible enough para magising ang taong nakahandusay sa harapan ng pintuan ko. Bumangon sya mula sa pagkakadapa nya. Kukusot kusot pa ng mata syang humarap sa akin. Nung nakatalikod pa lang naman ay alam ko na kung sino, kinonfirm ko lang nung humarap sya. When I finally confirmed that it is Vice ay agad na din akong nagdere dretso paalis. I try to continue what I am suppose to do-- to jog.
Habang palapit ako ng palapit sa elevator ay nararamdaman ko na may pares ng paa na sumusunod sa akin. At alam ko naman kung sino yun. Katulad ko ay pumasok din sya sa elevator. He is brushing his hair with his hands and grinning ng mapalingon ako sa kanya.
K: What?
Umiling lang sya at di nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa baba ay wala naman akong narinig sa kanya. Paglabas namin sa building ay sinimulan ko ng tumakbo, ganoon din naman ang ginawa nya at nakasunod lang sa akin na tumatakbo. Nagpasya ako na around the area na lang ako tatakbo at hindi na pupunta sa Circle o sa BGC. Halos 15 minutes na yata akong tumatakbo ay nakasunod pa rin sa akin si Vice. Himala!
.
.
Lumipas pa ang sampong minuto ay naramdaman ko na tumigil na sya sa pagtakbo. Napahinto rin naman ako at napalingon sa kanya. Mukhang pagod na pagod na talaga sya. Hingal na hingal syang nakatayo habang nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod. Tagaktak ang pawis at nakalawit na ang dila. Lumakad ako ng pabalik sa kanya. Nakatingin lamang sya sa akin na parang nangungusap ang mata.
K: Napagod ka? I feel you. Well ganyan naramdaman ko ng paghintayin mo ko kahapon. Nakakapagod maghintay lalo na yung di mo alam kung may hinihintay ka o wala. Di ka naman ganyan kausap dati e.
.
.
.
.
Agad na akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. And I knew, di na sya sumunod sa akin.
.
.
.
.
VICE's POV
.
BINABASA MO ANG
The Switch (ViceRylle)
FanfictionThis is a crazy story of two people who used to be best friends before a disaster happens. Will this turn to be a beautiful disaster? This is different from the usual VK stories. An AU for ViceRylle. "I'M HAVING A BABY." -K ((Basically based on the...