Prologue

22K 672 210
                                    

Reincarnation Series:
1. Reforming the Villainess (COMPLETED)
2. The Second Lead's Retribution (COMPLETED)
3. The Main Lead's Substitute (COMPLETED)
4. The Tyrant's Rage (ONGOING)
5. The Side Character's Desire (SOON)

Hi! Sorry if natagalan 'tong prologue ng TMLS! 

Reincarnation Series is back! <333


#TMLSPrologue

Being jealous of someone's life is an outlook of a person who never experienced something good and great in their life.

And that person is me.

My real parents abandoned me when I was still a newborn baby. My father is Chinese and he has a tradition to follow, while my mother is a high-demand prostitute in the bar where they met.

My father needed a break from his uptight family and my mother was in the right place.

Everything that happened between them was perfect and smooth. After their casual sex, wala ng maghahabol.

Naging casualty lang talaga ako.

Ayaw ng nanay ko na magkaanak dahil plano niyang sa Japan magpatuloy bilang prostitute dahil mas malaki raw ang kita doon.

Ang tatay ko naman, ikinasal tatlong araw matapos nang namagitan sa kanila ng nanay ko. Hindi pwedeng malaman na may anak siya sa labas dahil kahihiyan 'yon sa pamilya niya. Itatakwil din siya at tatanggalan ng mana 'pag nagkataon.

Siyempre, mas mahalaga ang pera kaysa sa sarili nilang anak.

I was left in an orphanage. Malas dahil sa sixteen years ko doon, walang nagtangkang umampon sa akin. Masaya ako para sa ibang naampon pero naiinggit din ako.

Sana ako rin.

Sana ako rin magkakaroon na ng sariling pamilya at magandang buhay katulad nila.

Nasa panuntunan na ng orphanage na kapag umabot na ng labing-anim na taong gulang ang isang bata at wala pa ring umaapon dito, aalis na ito sa orphanage.

Binigyan ako ng pera ng mga madre doon para makapagsimula ng bagong buhay. Hiningi ko muna ang impormasyon ng tiyahin ko na nagpaampon sa akin. Nagbalak akong hanapin sila at makitira sa kanila pansamantala dahil hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula.

Sila naman din pala ang makakahanap sa akin. Akala ko dahil gusto na nila akong makasama dahil nagiguilty sila sa ginawa nila sa akin noon.

Ayon pala, hinanap ako dahil nalaman sa pamilya ng tatay ko na may anak siya sa labas. Hindi nagalit ang pamilya ng tatay ko, bagkus, papamanahan pa ako ng ilang bahay at ilang milyon.

Napakayaman ng pamilya ng tatay ko at nag-iisang anak lang siya. Kaya sobra-sobra ang pera nila.

Hindi lang 'yon ang mayroon ako, binigyan din ako ng isang milyon ng nanay ko para raw hindi ko na siya hahabulin pa. Ngunit makukuha ko lang 'yon kapag naka-graduate na ako sa college.

"Serene, can you change your major? I'm sure you have other options other than Biology?"

'Yon ang unang salitang narinig ko sa tatay ko nang unang beses kaming magkita. I expected a "How are you?" or "I'm sorry" from him but none came out of his mouth.

My half-sister is my blockmate. Both of us are in BS Biology. Small world. Nalaman lang namin pareho nang ipakilala ako ng tatay ko sa pamilya niya. They were nice. Especially, his wife. Except my half-sister.

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon