Chapter 10

10.4K 517 180
                                    

Hello! Ngayon ko lang naopen 'yung notifications ko rito sa Wattpad kaya ngayon ko lang nakita 'yung mga comment niyo, huhu. Someone is asking kung paano raw i-pronounce mga name and setting dito sa story. Ito na.

Legend Thaddeus Beauregarde - Lejend Tadeyus Bowregard

Wraigrecan Empire - Wreygrekan Empayr

'Yan lang naman mga complicated na nakita ko. Ayan na!


Anyways, here's an update! Enjoy reading!


#TMLSubstitute10


NAGISING AKO NA iniisip na paglutuan si Legend ng pagkain.

Gusto kong maging maayos kami. Away kasi ang tingin ko sa nangyari sa amin kahapon. Kahit na naiinis ako sa kanya, I still want us to be okay and be civil, at least.

Pumasok ako sa kusina. Nakahilera na lahat ng mga tao doon. Romino was even there. Wala siyang imik at hindi makatingin sa akin. Ganoon din ang iba. Sa kabilang banda, nandoon ang mga katulong pati na rin si Susana. However, unlike Romino, she's looking at me straight in the eyes.

Nginitian ko lang silang lahat at dumiretso na sa tapat ng lutuan. Kumilos agad ang ibang mga katulong at nilapitan ako. Tinignan ko sila. Mukha silang nakaabang sa kung ano man na iuutos ko.

"Do you know where can I get the ingredients?" tanong ko kay Aileen na nakatayo rin sa gilid ko.

"Doon lang." Tinuro niya ang isang pinto sa gilid ng oven. I nodded my head.

"You can all leave," sambit ko. Halatang hindi nila inaasahan ang lumabas sa bibig ko kaya walang kumikilos sa kanila.

"Pardon, Your Highness?" tanong ng isang assistant ni Romino.

"I said, you can all leave," pag-uulit ko. "I know how to cook. I can handle this," dagdag ko.

"But, ma'am! We can't let you be alone—"

"Aileen assisting me is enough," putol ko sa sinasabi ng lalaki.

Nagkatinginan sila at tumango. Sabay-sabay silang yumuko sa akin. "Then, please use the kitchen well, Your Highness. Power for Wraigrecan Empire."

Isa-isa silang nawala sa paningin ko bago ako nagsimula. Aileen helped me get all the ingredients I need. Hindi ko naman kasi kaya buhatin 'yon lahat ng mag-isa. I decided to cook Ginataang Laing.

Feeling ko hindi pa siya nakakakain ng ganito kaya ito ang naisipan kong lutuin. Walang nagsasalita sa amin ni Aileen habang naghihiwa ako ng mga ingredients at hinahanda ang gata.

"Mahilig ka bang magluto?" Aileen broke the silence.

"Oo, lalo na sa bahay. Palagi akong nagluluto—" Natigilan ako dahil nakalimutan ko na hindi nga pala nagluluto si Eloise. May tagaluto siya dahil masyado siyang sakitin noong bata pa siya at binigyan siya ng balanced diet para maiwasan 'yon.

"Bakit, Eloise? May problema ba?" tanong ni Aileen.

"Wala naman." Umiling ako.

"Sorry. Akala ko kasi hindi ka marunong magluto," nahihiyang sabi ni Aileen.

"Ayos lang. Panigurado naman gano'n rin ang tingin sa akin ng ibang mga tao," tugon ko.

Isang oras at kalahati ang tinagal ng pagluluto ko. Mabuti na lang at tinutulungan ako ni Aileen na maghugas kapag tapos ko ng gamitin.

"Kakainin niya kaya?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa ulam na nasa lalagyanan na.

"If I were Legend, I'll eat it. A for the effort," tumatawang sagot ni Aileen. Narinig niya pala ako. Sabagay, kaming dalawa lang din naman kasi ang nandito at hindi siya umaalis sa tabi ko.

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon