Chapter 13

10.2K 436 29
                                    

Hello po! Sorry po at ngayon lang ang update! Inuna ko muna ang thesis ko at hinintay ang Christmas break bago ako bumalik sa pagsusulat nito. 

Maraming salamat din po pala sa lahat ng pumunta sa Immac Event last December 18 para bumili ng kopya nila ng Reforming the Villainess. Sobrang happy ko po na makilala kayo at maka-interact doon. And I'm happy rin po na mapirmahan ang mga libro niyo. 

Sa mga hindi po nakapunta, next time po! Sana makita ko na kayo!

At sa mga interesado pong bumili ng book ng Reforming the Villainess, abang na po kayo sa Shopee account ng Immac PPH! Limited copies lang po ang may handwritten sign ko kaya paunahan na lang po kayo sa pag-checkout!

Muli po, maraming salamat sa walang sawa niyong suporta at paghihintay! Lovelots!


#TMLSubstitute13


"DO YOU THINK this will suit your dress?"

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang humarap sa akin si Legend na nakasuot ng white dress shirt habang nakabukas ang tatlong butones no'n kaya nakikita ko ang katawan niya. Hawak niya sa magkabilang kamay ang necktie na pinagpipilian niya para sa party.

"The b-blue one looks perfect," I replied.

He nodded and he gave the tie to me. I looked at him with confused eyes. His servant looked surprised as well as to why he is handing me the tie he chose.

"Put this on me."

Tinignan ko ang servant niya at yumuko lang ito sa akin. Humakbang ito patalikod.

Tahimik kong inayos ang kurbatang napili niya. I could feel his stare at me the whole time I'm doing it.

"Bakit parang kanina ka pang iwas sa'kin?"

Hindi ko pinahalata na nabigla ako tanong niya. "What are you saying?"

"You keep on avoiding my eyes. Ang tipid mong sumagot. You even went to a different room to prepare."

"Conservative ako. Kahit asawa kita, hindi mo pa rin pwede makita 'yung katawan ko 'no," pagdadahilan ko.

"I'm not even wishing to see it."

Sinamaan ko siya ng tingin. "E, bakit nagtatanong ka pa?"

"You have a dresser here. Why bother coming down to your study room?" His tone changed. He sounds angrier than curious which is a bit confusing.

"Can I just want some alone time while I prepare?" Kumunot ang noo ko.

He shrugged. "Okay."

Wala na siyang imik sa mga sumunod na sandali. Sinilip ko ang mukha niya habang nireretouch na lang ang makeup ko.

"Let's go." Mabilis ang lakad niya papalabas.

Habang nasa byahe kami papunta sa party, inoobserbahan ko si Legend. He's back to his prince face. No emotions, just his straight face.

It feels like he's going to a state party. Wherein fact, family party lang naman ang dadayuhin namin.

When we arrived, most of my relatives are already inside. They all looked like they are waiting for me because as soon as we both stepped in, all their heads turned to us. They are staring at us with their hawk-like eyes.

'Yung tipong kapag natapilok ako rito, pag-uusapan pa nila 'yon at isang kamalian na naman 'yon na nakita nila mula sa akin.

"Finally. My son-in-law is here."

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon