Chapter 5

10.1K 494 63
                                    

Short update.


#TMLSubstitute05


FIRST DAY OF law school.

Pagdating ko pa lang sa assigned classroom para sa block namin ay pinagtitinginan na ako kaagad.

Although, almost half of my class is not interested in me.

Pero marami ang pinagbubulungan na ako kaagad at hinuhusgahan ako gamit ang mga tingin nila.

Most of them are girls. For sure naman, may gusto sila kay Legend.

Ang hindi ko lang maintindihan ay parang inggit na inggit sila sa akin at parang hindi sila sanay na makakita ng arranged marriage.

I'm sure that the reason for our marriage is already a major gossip around their social circle. Anak din sila ng mga pulitiko, mga businessman, at ang iba ay anak pa ng mga prime minister at ambassador mula sa ibang parte ng Asya.

Marriage of convenience is not a shocking revelation to the people living in the highest chain of the hierarchy.

"Hi!" Nagulat ako sa lalaking lumipat sa harapan ng upuan ko na malawak na nakangiti sa akin.

"H-Hello?" gulat na bati ko sa kanya.

"Hindi mo ako nakikilala, Insan?"

"Insan?" My forehead creased.

"Yes. From your father's side," tugon niya at ipinilig ang ulo niya sa gilid.

"Ha?"

I've learned each of Eloise's family in the past year. Kinabisado ko ang mga itsura, pangalan, edad, at trabaho nila. Wala akong nakitang lalaking pinsan. Puro sila mga babae kaya karamihan sa kanila ay nakatakdang ipakasal sa ibang Chinese families din.

Pero baka nakaligtaan ko lang siya.

"Hello!" Magalang kong bati at yumuko sa kanya. Sign of respect.

"Kamusta? Magkaklase pala tayo," aniya.

Natawa ako ng mahina at naiilang na umiwas ng tingin. "Ah, oo, nagulat din ako," sagot ko na lang.

"Oh, my bad." Tumayo siya at nilagay ang kanang kamay niya sa kaliwang dibdib niya at yumukod sa akin.

"Pardon me for my rudeness, Your Highness. I failed to address you properly since I got excited that I could finally see my cousin whom I wasn't able to see for a very long time." Natigilan ako nang bahagyang nag-iba ang tono ng boses niya.

From that playful and cheerful tone, it became passive and emotionless.

Nataranta ako dahil narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase namin sa paligid. They might misunderstand me. Baka akala nila pinagalitan ko siya kaya nag-iba ang tono ng boses niya.

"You don't have to do that! We're relatives. I'm sure they will understand if you talk to informally," wika ko at nilapitan siya. Hinawakan ko siya sa braso at pilit na itinatayo.

"Talaga?" I was taken aback on his expression. Para siyang puppy na nagmamakaawa sa owner niya.

Seriously, bipolar ba 'tong lalaking 'to?

"Yes. You should stop doing that because you're making me uncomfortable," I said, half-meant. He is really making me uncomfortable.

"I'm Chester, in case you've forgotten my name," dagdag niya nang makaupo na siya ulit sa harap ko.

I smiled then nodded my head. Sakto ay may pumasok sa classroom namin. Akala namin ay professor namin siya pero senior lang pala namin.

"Attorney Lagdameo is not attending the class today but he asked me to collect the names of all class beadles. Who is the beadle in this block?" Inikot niya ang mga mata niya sa amin.

Walang nagsasalita dahil never pa naman nagkaroon ng interaction ang buong klase namin. Hindi pa namin kilala ang isa't isa—well, except for my cousin, Chester.

"No elected beadle, yet?" He asked again.

Umiling ang lahat habang ang iba ay busy pa rin sa pagbabasa.

"Okay. Any volunteers na lang?" Isa-isa niya kaming tinignan.

"I think Eloise here wants to be the beadle." Napanganga ako nang itinuro ako ni Chester habang nakangisi.

"What? No!" pabulong na sigaw ko sa kanya.

"Okay. Thank you. I'll hand this to Attorney Lagdameo later. Your class is dismissed."

Wala na akong nagawa pa dahil umalis na kaagad ang senior namin. Gusto kong mainis pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want to stress myself out on my first day of school.

"Insan, let's eat! Libre ko!" Sinundan siya ni Chester kahit na nagmamadali na siyang lumabas ng classroom para hindi na ito makasalamuha ngayong araw.

"It's fine. I'm still full. I have to do something pa, e," I politely declined.

Ngumuso naman ito. "Ngayon lang naman. Promise!"

Tinitigan ko ito maigi at tumango. "Sige."

"'Yun oh! Tara na!"

Nilingon ko muna ang mga bodyguard na nakasunod sa akin. Ngumiti ako sa kanila. "You can just wait in the car. We'll be eating inside the cafeteria only."

"Your Highness, we were told to guard you twenty-four seven."

"I'm just inside the school. Don't worry. I'm safe. He's my cousin," pamimilit ko. Nakipagtagisan ako ng titig sa kanilang dalawa at tumango rin naman sila sa huli.

Sumunod na ako kay Chester na hinihintay ako. Pagdating sa cafeteria ay pinaupo niya na ako sa isang mesa na bakante. Siya na rin ang bumili ng pagkain namin.

Nakakaasiwa dahil nakatingin sila sa akin. Break time pala ng karamihan ngayon. Hindi naman gaanong matagal na bumili si Chester at bumalik din siya agad.

Mango shake ang binili niya, tig-isa kami, at isang pizza. May malaking fries din siyang binili. Kumuha ako agad na kumagat doon. Napangiti naman ako sa lasa. It's been a while since I eat foods like this. Puro ako halaman dahil kailangan ko magpapayat para sa kasal namin. Pagkatapos naman ng kasal ay masusustansyang pagkain din ang niluluto para raw sa kalusugan ko.

"Sorry, I wasn't able to attend your wedding. Sa states ako lumaki. Dito lang ako pinag-aaral ng law school since my parents died," kwento niya habang kumakain kami. Tinignan niya ako at ngumisi. "You know, because they thought I would be too depressed living alone in our house full of my parents memories."

"Okay lang. Hindi rin naman sobrang nakakaenjoy 'yung wedding," sagot ko naman.

"Why? Because you are forced?"

"No. Nakakapagod ang preparations, ceremony, and the programs after the event." I chuckled. "Naka-heels pa naman ako throughout the event."

"At least, your future is already secured," he pointed out.

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya. "Maybe."

"How's Legend as a husband?" he asked.

"He's okay. Normal na asawa naman. He treats me nicely."

Nagsinungaling ako, alam ko. Even though, he's my cousin, I still can't trust him. Baka mamaya sabihin niya kila Mommy ang mga sinabi ko. Ayoko ng gulo.

"Well, he's a prince. He is taught to be a gentleman," biro nito.

"Ikaw? Hindi ka ba nahihirapan na bigla kang lumipat dito sa Pilipinas? You said you grew up and studied in the states. Malaking adjustment 'yon, ah."

"Mahirap," sambit niya. "Pinagpapasa-pasahan ako ng mga magulang ko kung kaninong bahay ako ng ganitong taon, kung sino ang a-attend sa mga meeting na kailangan ko sila, graduation. Now, even my studies."

"I'm sorry to hear that," mahinang usal ko.

Ngumisi siya. "But you know what? I am still determined."

"Determined for what?" kuryosong tanong ko.

His smile faded. He looked at me, sharply, in my eyes.

"Determined to get back what's rightfully mine." 

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon