Chapter 6

10.2K 537 168
                                    

Suprise! A double update!


#TMLSubstitute06


ALTHOUGH CHESTER IS a bit quirky, I must say he's fun to be with.

Puro siya jokes habang kumakain kami. I avoided asking about his family too much kasi nakikita kong hindi siya komportable na pinag-uusapan ang tungkol doon.

All our professors announced that we won't be having any classes for the next three days. They gave us more cases to digest. 'Yon ang magiging topic namin sa unang pagkikita namin at magkakaroon ng recit sa lahat ng subject namin.

I can say that I am confident na matatapos ko lahat ng case digest at maging handa para sa recit, yet, I know that I am about to sacrifice the upcoming days without any sleep.

"I greet Her Highness, the crowned princess of Wraigrecan Empire, Ma'am Eloise Amabella Sy-Beauregarde," the head maid announced as I enter the mansion.

I smiled at them and bowed my head to acknowledge their greetings. Kinuha sa akin ng isa sa mga katulong ko ang bag na ginamit ko kanina at dire-diretso kaming pumunta sa elevator na para sa amin ni Legend.

Bumungad sa amin si Legend na tinutulungan ng mga katulong niya na mag-ayos. He's wearing a gray single vent suit, his brown rolex watch, and a pair of black dress shoes.

Kumunot ang noo ko. Aalis siya? Kauuwi niya lang galing sa mahabang emergency sa Wraigrecan, ah. I think he barely got any sleep since he didn't sleep beside me last night. I'm sure he felt uncomfortable sleeping at the guest rooms, especially in his office.

"You're here," wika ni Legend nang magtagpo ang mata namin.

Tumango ako. "My classes are cancelled."

"I see." He removed his gaze from me and checked something from his phone.

"I have a state meeting with the Prime Minister of Italy."

Nagulat at natigilan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya at walang kare-reaksyon ang mukha niya. Diretso lang ang tingin niya sa salamin.

Wala akong isinagot sa kanya pero binigyan ko siya ng tango. What am I supposed to say anyway? Sabihan ko ba siya ng 'Ingat' o hindi kaya 'Come back early'. Hindi naman appropriate na sabihin 'yon lalo na at nagkaroon pa kami ng small argument kaninang umaga dahil lang sa paghatid niya sa akin sa first day ko.

I don't think were on 'that' level already.

Napasinghap pa ako nang maglakad siya papalapit sa akin at tuluyan nang tumigil ang paghinga ko ng halikan niya ako sa noo. My mind went blank and my thoughts went haywire. Tumaas din ang mga balahibo ko.

The servants also stood there, shocked, at what he did.

"I don't think I'll be back tonight, but I'll try to go home tomorrow. See you, then."

Mabilis na tumalima ang mga katulong niya sa paglakad niya papalabas ng kwarto namin.

Nakatulala ako hanggang marinig ko ang pagsara ng pinto. Inangat ko ang kamay ko at marahan kong idinampi iyon sa aking noo.

Did he just kiss my forehead?

In front of everybody?

What the hell, Legend?!

My thoughts were cut off when I heard my phone chime. I opened it to see what it is and my heart raced when I saw Legend's name.


From: Legend

Don't assume things. Ginawa ko lang 'yon para hindi magsumbong ang mga katulong kay Mama. Huwag kang kiligin diyan.

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon