Chapter 14

9.6K 485 34
                                    

#TMLSubstitute14


WHEN I CAME back, everyone was worried. Especially when they saw Chester with me.

Na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit. They seem to be too cautious around Chester.

My brothers threw him intense glances, Eloise's mother looked at him like he did something to her, Nathan Sy is in his usual face, but a bit colder, and Legend looks pissed off.

All I know about Chester is that in the Sy family tree, on his side, he's the only one left. His parents died due to assassination. His father is the eldest, then Nathan is the second. Naturally, when his father died, Nathan took over.

Lahat ng pera na naiwan ng mga magulang niya, siya ang nagmana. Walang kinuha ang angkong nila. Hinayaan 'yon lahat sa kanya. But before he could get a hold of them, he was taught to how to handle their business. Noong matuto siya, doon na tuluyang ibinigay sa kanya lahat ng ari-arian nila.

Normal naman siya sa mga pagsasalo-salo. Palaging nakangiti. Nakikihalubilo sa mga bisita. Inis pa nga sa kanya ang magpipinsan na Sy dahil masyado raw itong sumisipsip at nagpapakitang-tao sa angkong nila.

Wala naman 'yon kila Kuya Xander dahil masaya na sila sa mga kompanyang meron sila. Afterall, those companies were built and established because of their hard work and effort. Mas gusto nila 'yon kaysa manahin ang mga naiwan kay Nathan. Mas lalong ayaw nila na pumasok sa pulitika.

Now that Nathan Sy is aiming for politics. The main reason why this marriage happened and pushed through. Bukod sa impluwensya ng mga Sy sa business world dahil sa kaliwa't kanang naglalakihan nilang mga negosyo, gusto pa rin nila palakasin at palawakin ang kapangyarihan nila.

Kaya lang may aura si Chester na kakaiba. Para bang may tinatago at dapat umiwas sa kanya.

Hindi na rin kami gaanong nagtagal doon dahil kinailangan bigla si Legend sa isang emergency meeting para sa Wraigrecan. We had to go home immediately. Online lang siya dahil wala na siyang oras pa para pumunta doon at bumyahe dahil aabutin pa siya ng dalawang araw.

Dumiretso siya sa opisina niya habang ako naman ay nagpatulong na sa mga servant ko na magbihis at maligo. Study room naman ang tuloy ko at diretso dahil kailangan ko na magsimulang mag-aral. Kaunting araw na lang ay magsisimula na ang pre-midterms namin.

Sunod-sunod na recit at quizzes na 'yon kaya hindi pwedeng prente lang ako na nakaupo sa isang tabi at naghihintay na matapos ang mahabang bakasyon ko.

The following days were just like that. Me, studying. Legend, attending his affairs.

Wala na ngang nagbabalak sa amin halos na mag-usap pa o mag-kamustahan. But the great thing was, even though our time is quite cramped, we always have our dinner together.

Ayon nga lang, pagkatapos ko kumain ay diretso sa study room ko ako ulit.

Kain, aral, tulog, repeat.

He finished his busy week earlier than mine. He cleared out his schedule to make time for our vacation and visit to the empire.

Ngayon na mas marami na siyang oras, nagugulat na lang ako sa mga ginagawa niya. Palagi kasing sa study room na ako nakakatulog at kung makakatulog naman ako sa kama namin, nag-aaral pa rin ako at makakatulugan ko na hawak ko ang mga handout ko.

Paggising ko tapos na ang mga annotation sa mga case digest na inaaral ko. Madali maintindihan ang mga 'yon at bawas oras na rin sa akin tuwing umaga bago ko aralin ulit.

Hindi lang 'yon. Whenever he finishes his work early when at home, he visits the study room and stays there as long as I'm there. Pagkatapos ay mag-o-offer siya na mag-print ng mga na-annotate ko na sa iPad ko. Siya na rin ang nags-staple no'n at nag-aayos ng pagkakasunod-sunod habang ako ay hindi tumitigil sa pagbabasa. Pinapasadahan niya rin ang mga 'yon at nilalagyan niya ng additional information na sa tingin niya ay makakatulong sa akin.

Kapag galing akong school at nasa opisina siya, ipinasusundo niya ako sa driver at doon idinidiretso. I would just slump all day long at his office with a few cups of coffee and a blanket at my lap.

Sabay namin tinatapos ang mga ginagawa namin sa ganoong paraan.

I didn't expect that I'll love our setup. It makes me more productive knowing that someone around me is also busy. Mas nakakamotivate pa na tapusin ang ginagawa.

We would go home together, too, then sleep if I finished all my materials that day.

When my exam week started, lahat ng impormasyon na nilagay niya sa mga material ko ay sobrang nakatulong. Some of it were even on point. My exams went by so quickly and easier because of it. Lalo na at tuwing gumigising ako, nakaayos na ang mga gamit ko dahil sa kanya. 'Yon pala ang pinagkakaabalahan niya tuwing gabi bago siya tumabi sa akin.

On some nights, I was too tired because of my never-ending reading and annotating, he would blow dry my hair after the servants help me shower. He would let them go down after bathing me, then he would do my skincare and other nightly routines.

Hindi na ako nagreklamo pa. Bakit pa? Sobrang nakakatulong sa akin. Sinasamantala ko na rin. Kapag naman kasi normal ang mga araw para kaming aso't pus ana nagbabangayan.

Nang matapos na ang lahat ng exams ko, hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon. We let the servants pack our bags for our trip to Wraigrecan. Ilan lang ang dinala namin na mga katulong.

Our personal servants, Noelle, and Aileen.

Nandoon ang buong pamilya ni Aileen kaya isinama na namin siya. We figured out that she misses them. Afterall, it's Christmas. It's time for reuniting and spending time with the people closes to our hearts.

"Your Highnesses, you may now be aboard," Noelle said and extended her arm pointing leading us to the private jet that we'll be using.

My mouth gaped when I saw the inside. This was bigger than the private jet that we used on our honeymoon!

Namamangha kong pinagmamasdan ang buong paligid habang ang mga katulong ko naman ay inaalalayan ako paupo sa pwesto namin ni Legend.

"Grabe. Parang tuwing isasama mo ako sa mga lakad mo sa ibang bansa, iba-ibang private jet ang meron kayo," nakangising ani Aileen. "Sana all ganito kayaman," dagdag niya.

Noelle and I chuckled at her remarks. I just don't want to say it out loud because it might look weird pero sana all nga!

"Behave, Ai," saway sa kanya ni Noelle at pinanlakihan siya ng mata.

Ngumuso si Aileen at nginitian ko siya nang mapaharap siya sa akin.

"Ready ka na ba pumunta sa Wraigrecan, Eloise?" tanong ni Aileen at hinarap ako.

I heaved a sigh. "Hindi pa nga, e. I feel like I'll puke any minute now," sagot ko.

"Ganyan din ako bago ako ipadala doon. Noong una akala ko sobrang nakakatakot na lugar dahil nga siyempre, mga hari at reyna. But you'll love the empire! Lalo na ang mga tao doon. They are very welcoming and lovable! I'm sure they'll welcome you with a much warmer and grander because you're the next empress!" sambit niya.

I smiled a bit. "I hope so . . . "

I stiffened when I felt a warm hand touch mine. I looked up to Legend who was smiling at me. Pati mata niya, nakangiti rin.

"I'll take care of you, wife. Don't worry."

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon