Chapter 7

9.4K 459 138
                                    

#TMLSubstitute07


MABILIS ANG PAGTAHIP ng dibdib ko habang nagtitipa ng sagot kay Legend.


To: Legend

I'm sorry. I'm at a nearby mall. I'll go home as soon as possible.


Itinapon ko sa malapit na basurahan ang mga pinagkainan ko at binitbit ang kahon ng mga cake na binili ko pati na rin ang mga milo.

Lakad-takbo na ang ginawa ko papalabas sa mall pero hindi pa man ako nakakalapit sa exit ay nakita ko na agad ang madilim na mukha ni Legend na patungo sa akin.

"Legend—"

Naputol ang sinasabi ko nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako papalabas sa mall. Wala akong nagawa hanggang sa maisakay niya ako sa kotse.

Nakasunod pala sa amin ang sandamakmak na bodyguards niya at ang mga convoy niya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit nagkaroon ng kumpol ng mga tao na nakatingin sa papalayo namin na sasakyan.

Halos hindi ako makahinga sa loob ng sasakyan dahil sa tensyon. Walang imik si Legend sa tabi ko at nakasandal lang ang siko niya sa bintana at gamit ang libre niyang kamay ay minamasahe niya ang sentido niya na tila ba masakit ang ulo niya.

Sinulyapan ako ni Legend kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. From my peripheral vision, I could see his gaze lowering from my face to the box that I am holding. Napahigpit ang hawak ko doon at inilapit sa akin ang kahon.

"Sir, reports of the scene earlier at the mall are rushing in. Numerous theories are circling the internet. Should I release a statement?"

Nagulat ako nang may pamilyar na boses akong narinig. Mula sa gilid, nakita ko si Noelle na tutok ang mga mata sa iPad. Hawak niya ang earpiece niya at panaka-nakang tumatango sa kung ano mang naririnig niya mula roon.

"Yes, Noelle. I don't want Mama to handle this anymore. Let her rest," sagot ni Legend.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan kung ano ang tinutukoy ni Noelle. Nakita ko ang mga picture ko na nakangiting kumakain ng cake at umiinom ng milo sa food court pati na rin ang pagdating ni Legend at paghawak ng kamay niya sa akin papalabas sa mall.

Grabe. Ganito ba talaga kabilis 'yung balita tungkol lang sa simpleng pagkain ko ng cake sa mall at pagpunta ni Legend para kunin ako?

Sana ginagamit na lang nila 'yung bilis nila na 'yan sa paghahatid ng balita sa mga nangangailangan at mas importanteng mga bagay na pagtuunan ng pansin.

I immediately turned off my cell phone when I heard Legend clicked his tongue. Hinintay ko siya na may sabihin sa akin pero wala pa rin lumabas na mga salita mula sa bibig niya.

Wait. He was about to go to Italy, right? Why is he still here? As far as I can remember, he left the mansion almost four hours ago. He should've left by now.

But, even though, I wanted to ask about it so much, I decided to stay silent. I don't want to add more fuel to the igniting fire.

Ayoko rin na magreklamo sa nangyayari ngayon dahil alam ko naman na may kasalanan talaga ako at may karapatan siyang magalit sa ginawa ko.

Pagdating namin sa mansion ay sinalubong at binati kami ulit ng mga katulong pero hindi ko sila pansin. Nakasunod lang ako kay Legend habang dire-diretso ang lakad niya.

We went inside the dining hall and he sits at the head of the table. Marahan akong umupo sa tabi niya. I gently placed the table napkin on my lap as we wait for all of the food to be served to us.

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon