Epilogue

11.5K 714 266
                                    

Thank you for being with me on The Main Lead's Substitute! See you on the next Reincarnation Series installment!

Epilogue of Legend will be posted tomorrow or on Tuesday! ❤️

#TMLSubstituteEpilogue

"HMM . . ." I GROANED as I open my eyes because I was blinded by the bright light.

"Calling Dr. Mendiola in Room 413B. The patient in a coma has just woken up. Need assistance immediately. Thank you."

Nilingon ko ang nagsalita at nakitang isang nurse 'yon. Nilibot ko ang hospital at doon ko lang napagtanto na nasa ospital pala ako. Sinubukan kong tumayo pero ang bigat-bigat ng katawan ko at nanghihina ako.

Sinilip ko ang kamay ko at may swero ako doon at may nasal cannula pala sa ilong ko. Inalis ko 'yon at tila doon lang nakahinga nang maluwag.

"Miss, I advise you to wear your cannula for the meantime because the oxygen supply in your brain should be sufficient," the nurse said as he placed the nasal cannula back.

Wala akong lakas para makipagtalo pa kaya tumango na lang ako.

"Good morning. I am your doctor. I will run some questions and tests for you, okay?" sabi ng doctor na kadarating lang.

He made me do some breathing exercises. Mahirap sa una pero kalaunan ay nagagawa ko naman na ng tama. Nagtanong din siya ng mga bugtong at common sense question. Pakiramdam ko naman nasagot ko ng tama ang mga 'yon. Nakikita ko rin na tumatango siya at may chinecheck sa dala niyang clipboard.

Gumamit din siya ng ballpen at tinutok 'yon malapit sa mata ko at pinasundan sa akin ang galaw no'n. Pagkatapos ay ang mga basic na galaw ng tao—katulad na lang ng pagtaas ng kamay, at pagtupi ng tuhod. Sunod ay may pinabanggit siyang mga salita mula mahina at papalakas nang papalakas. Huli niyang pinagawa sa akin ay kinurot ako sa braso ko at pinindot ang kuko ko.

Natawa pa sila dahil napasigaw ako agad sa sakit noong ginawa 'yon ng doctor. But the doctor is smiling and he seems to have a great news for me.

"Well . . . based on your tests, parang hindi ka naman galing sa comatose dahil normal na normal pa naman lahat ng galaw mo and you are functioning well. Normal lang din naman na manginig ang mga kamay mo at manghina ka dahil halos kahalating taon kang comatose. But other than that, you're good to go. Mga dalawa or tatlong therapy lang for walking, running, and some physical activities para makaya mo na ulit gawin ang mga dating ginagawa mo," saad ng doctor.

Magtatanong sana ako sa kanya kaso may tumawag sa kanya at nagpaalam na siya habang sinasagot ang cellphone niya. Sumunod naman ang mga nurse na kasama niya at naiwan ako nang mag-isa doon sa hospital room.

Where am I? Is this the aftermath of what happened when Nathan and the guards of Wraigrecan were chasing us?

Suddenly, my mind wandered to him. If I am still in the book and I didn't get back . . . then, Legend is dead.

My chest tightened and tears started to stream down my cheeks. I don't want to be in this world anymore.

Because if being a substitute for Eloise means I'm losing Legend forever then I won't wish to have this miserable life anymore.

I miss his warmth when I am sad, his smile when he's teasing me, his voice when he calls me by my name, and his kisses that make me feel like I'm floating in heaven.

"I miss you . . ." mahinang usal ko habang humihikbi.

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang bumukas pabagsak ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino 'yon.

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon