Chapter 20

10.9K 502 159
                                    

Last chapter.


#TMLSubstitute20


"AILEEN, PWEDE PAKISABIHAN si Noelle na i-pick up 'yung binili namin na mga gift para sa New Year."

Utos ko pagbaba na pagbaba ko mula sa kwarto namin ni Legend. Ngumiti siya sa akin at agad na tumalima. Hindi ako makatingin sa kanya at mabuti na lang kausap ko si Legend.

Wala si Legend kahapon pa dahil nagkaroon ng state meeting ulit sa Wraigrecan. Dahil nasabi na siya na ang susunod na emperor at inanunsyo na ang coronation namin, siya na ang pinadala ni Leneus para umattend.

I was busy answering Legend through my phone as the maids decorate our house in preparation for tomorrow's New Year's Eve.

Sa mga Sy kami sasalubong ng bagong taon dahil 'yon ang gusto nila Mommy at ng mga kuya. Ayoko sanang makita si Nathan Sy dahil natatakot pa rin ako sa banta niya pero dahil request 'yon ng mga taong malalapit kay Eloise at mga taong napamahal na rin sa akin, pumayag ako.

Besides, it would be my first time welcoming and celebrating the new year with other people. Ako lang palagi ang mag-isa dati. Bibili lang ako ng maliit na cake, at isang lechong manok. Magsisindi lang ako ng isa o dalawang lusis para sakto sa budget. Gano'n lang pero kuntento na ako at masaya na ako doon. Dahil ang mahalaga sa akin ay ang panibagong taon na sasalubungin ko. Ibig sabihin, isang taon na naman ang nairaos ko.


From: Legend

I'm on the way home. Wait for me. Let's watch a movie.


I smiled as I type my response.


To: Legend

Okay. Magpapahanda na rin ako ng snacks sa theatre room.


Ibinaba ko na ang cellphone ko at nilibot ang tingin sa sala namin. Halfway done na sila. Nauna nilang i-decorate ang likod-bahay dahil doon sila magse-celebrate. We gave them permission to do so under the supervision of Noelle.

Hindi naman pwede na kami lang ang magsasaya sa araw ng bagong taon 'no.

Naabutan ko si Aileen at Noelle na nag-uusap sa patio. Now that the truth has been revealed. I could finally see how much Noelle loves Aileen and as Aileen loves him.

Tumatawa nang malakas si Aileen at nakangiti naman si Noelle sa gilid niya habang pinagmamasdan siya.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. Agad silang napatigil at nilingon ang pwesto ko. Naiilang na ngumiti ako sa kanila but Aileen's bright smile made me stiffen.

"Eloise! Halika rito! Pakinggan mo 'yung kwento ni Noelle! Nakakatawa, promise!" Tumatawang aniya at pinuntahan pa ako sa pwesto ko. Hinila niya ako papalapit sa kanila at pinaupo sa harap nila.

Ngumiti si Noelle sa akin at akmang magsasalita nan ga pero inunahan ko na sila.

"I'm sorry," sambit ko.

Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko. Binigyan ko sila ng maliit na ngiti dahil nahihiya ako sa kanila.

"It's okay, Eloise. You didn't know. And we don't want anyone to know that time," ani Noelle.

"Kami nga dapat ang humingi ng tawad sa'yo. We inconvenienced Legend too much and you even had a misunderstanding because of us. Nakakahiya. Dapat sinabi na lang din namin sa'yo noong una pa lang. It's just that, we need to be cautious. I'm sure alam mo naman na ang mangyayari kapag nalaman ang tungkol sa amin," paliwanag ni Aileen.

The Main Lead's Substitute (Reincarnation #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon