Dan
"WAIT DAN! Please! Wag mo namang gawin sa akin to." Mangiyak ngiyak na sabi ni Lauren at pinigilan ako sa braso.
Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap sya. Namumula na ang mata nya at nagbabadya ang luha. Naaawa ako sa kanya pero kailangan ko ng tapusin to hangga't hindi pa lumalalim ang anumang nararamdaman nya sa akin.
"Sinabi ko na sa'yo noong una pa lang, wag kang mahuhulog sa akin dahil hindi kita kayang saluhin." Mahinahong sabi ko sa kanya.
Humikbi sya. "I-I'm sorry, hindi ko napigilan."
"That's why we need to stop this."
"No!" Humigpit ang hawak nya sa braso ko.
Humugot akong muli ng malalim na hininga. Ayoko rin namang matapos ang kung anumang meron kami. Sa loob ng isang taon na naging constant fuck buddy ko sya ay naging mag kaibigan din kami. Hindi naman puro fuck lang ginagawa namin kapag magkasama kami. At hindi lang naman sya ang babaeng nakakaulayaw ko sa kama pero sya lang ang nagtagal at binabalikbalikan ko dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay. Sa una ay wala namang problema sa kanya ang bagay na yun dahil wala naman kaming relasyon at malinaw ang estado namin sa isa't isa, maging sya ay may iba ding lalaking nakakasama sa kama at ayos lang sa akin yun basta siguraduhin nyang protektado ang lalaking nakakaulayaw. Ngunit nitong nakaraang mga buwan ay madalas na kaming magtalo dahil inaaway nya ang mga babaeng nakakadate ko at madalas na syang magselos. At heto nga, umamin syang mahal na nya ako. Nilinaw ko na sa kanya ang lahat noong una na wag syang mai-inlove sa akin dahil masasaktan lang sya.
"Listen Lauren, we need to stop this ok. Bago ka pa masaktan ng sobra. Thank you for loving me but I'm sorry I can't love you. Sa umpisa pa lang sinabi ko na sa'yo yan. Hindi ko kayang magmahal." Paliwanag ko sa kanya.
"Tuturuan kita, I'll make you fall in love with me babe." Determinadong sabi nya.
Umiling iling ako. "Marami ng sumubok nyan pero wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay, maging ikaw. Masasaktan ka lang ng sobra kaya tama na to."
"No! No no, ayokong matapos to, hindi ko kaya Dan please. Wag mo namang gawin sa kin to. Hindi ba sapat ang isang taon na pinagsamahan natin para matutunan mo kong mahalin?" Nagsusumo ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Pumatak na rin ang luha nya sa pisngi.
Umiling iling ako. "I'm sorry Lauren, sa iba mo na lang ibaling yang nararamdaman mo. Tapos na ang kung anumang meron tayo." Pinal na sabi ko at inalis ang kamay nyang nakakapit sa braso ko sabay talikod at bukas ng pinto ng unit nya.
"Dan please!"
Tila wala akong narinig at walang lingong nagtuloy tuloy sa paglabas..
Paglabas ko ng convenience store ay agad kong binuksan ang isang pakete ng sigarilyong binili ko. Humugot ako ng isang stick at sinindihan ito ng lighter. Ng magbaga ito ay hinithit ko at binuga ang usok sa hangin. Binalik ko ang lighter sa bulsa ng pantalon. Paglabas ko sa condo ni Lauren ay pinasibad ko ang kotse ko at dito muna ako dumiretso sa convenience store para makasagap ng ibang hangin.
Sumandal ako sa kotse ko at sinuksok sa bulsa ang isang kamay. Muli akong humithit sa sigarilyo at binuga sa hangin. Tumingin ako sa kulay kahel na langit. Palubog na ang araw at maraming tao ang nagdadaan na mga pauwi sa kani-kanilang tahanan ang iba naman ay papasok pa lang sa trabaho. May mga estudyante din na maiingay na dumadaan. Ramdan ko ang ilang mga matang nakatingin sa akin at sinusuri ako. Ang ilang estudyanteng mga dalagita pa nga ay tinatawag akong kuya at kapag lilingon ako sa kanila ay magtitilian sila na tila kilig na kilig. Nginisihan ko na lang sila at napailing iling. Sanay na ako sa mga ganitong atensyon.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...