Maggie
"WUHOOO! MABUHAY ang bagong sakal -- este kasal!" Malakas na boses na sabi ni kuya Pierre at tinaas ang hawak na champagne glass.
"Mabuhay!" Sabay sabay na sabi naman nila kuya Austin, kuya Ace, kuya Lex, kuya Seb at Dan at pinagpingki ang mga champagne glass.
Kami namang mga asawa na nasa tabi nila ay nagpalakpakan. Mesa yata namin ang pinakamaingay dito sa reception. Sila tatay at nanay naman ay nasa kabilang mesa kasalo sila lolo Alberto at uncle Ben. Ang mga kaibigan ko naman ay nasa ibang mesa din na di malayo sa amin at maingay. Kasalo nila si Sandy at ilang mga kaklase ko noong senior high. Mabilis agad silang nagkasundo lahat. Napapansin ko pa nga si Jude at Sandy na madalas mag usap. Mukhang magkakadevelopan pa ang dalawa. Wala namang masama dahil parehas silang single.
Hinapit ako ni Dan sa bewang sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Tiningala ko sya at nginitian. Ngumiti din sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo.
"Akalain nyo yun mga pare, magkakatuluyan talaga tong dalawang to." Sabi ni kuya Seb na nakatingin sa aming dalawa ni Dan.
"Akala ko nga hanggang pang aasar at palipad hangin lang tong si pareng Dan eh. Ang kupad eh." Ani kuya Pierre.
"Tss! Hindi kasi ako kagaya nyo na dinaan sa paspasan ang mga asawa nyo." Bira ni Dan.
"Huu! Dahilan ka pa makupad ka lang kamo." Buyo ni kuya Lex. Kinurot naman sya ni ate Ciella sa tagiliran na ikinaigik nya. Nagtawanan naman kami.
"Pero sa totoo lang pare, masaya kami para sa'yo. Syempre ang gusto lang din naming mga kaibigan mo e lumagay ka rin sa tahimik na buhay kasama ang babaeng magmamahal at magpapasaya sa'yo. Gaya namin." Sabi ni kuya Austin sabay akbay kay ate Mikay na nakangiti sa amin.
"Alam ko naman yun mga parekoy, kahit na ba minsan nakakabwisit kayong kasama." Nakangising sabi ni Dan at nakipagfist bump sa mga kaibigan na tumawa lang sa sinabi nya.
"Pano ba yan tumatanda na talaga kayo." Hirit ni kuya Ace na tanging sya lang ang single sa mesa namin.
"Oy, dalawang taon lang ang ibinata mo sa akin. Wala ka na rin sa kalendaryo, makakayo ka ha." Angal ni kuya Austin.
"Atleast mas bata ako sa inyo." Nakangising hirit pa ulit ni kuya Ace.
"La ka namang jowa." Banat ni kuya Lex.
Napasimangot si kuya Ace na ikinatawa ng lima.
"Paghihiwalayan nyo na yang mga asawa nyong mga gurang. Pag aalagain lang kayo nyan." Sabi ni kuya Ace sa aming mga babae na ikinatawa na lang din namin. Mukhang sya na ang nasa hot seat ngayon dahil sya na lang ang single.
"No jowa no opinion." Pang aasar pa ni kuya Seb.
"Tss! Mag antay lang kayo. Kapag ako kinasal di kayo imbitado."
"Huu! Magjowa ka muna."
"Malapit na!"
Natatawa at nangingiti na lang ako habang nakikinig sa mga kulitan nila. Kaming mga babae ay naguusap usap din. Dati saling pusa lang ako sa mesa ngayon kasapi na nila ako. At sa susunod may bitbit na rin akong makulit. Napahimas ako sa medyo maumbok ko ng tiyan. Ang kamay naman ni Dan na nakahawak sa tagiliran ko ay humahaplos din. Sumandig ako sa balikat nya habang natatawa sa mga kaibigan nyang nagaasaran pa rin. Medyo nakakaramdam na ako ng antok. Lately kasi ay nagiging antukin ako.
"O DAHAN DAHAN lang mahal. Ibaba mo na isang paa mo." Malambing na utos ni Dan habang inaalalayan nya akong bumaba ng sasakyan. Nakapiring ang mata ko kaya nangangapa ako. Wala akong ideya kung nasaan kami ang alam ko lang ay nasa Isabela pa rin kami. Kanina sa gitna ng byahe ay bigla nyang sinabing pipiringan nya ako dahil may surpresa daw sya sa akin.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
Fiksi UmumNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...