Special Chapter 1

30.6K 715 130
                                    

Maggie

TUWANG TUWA ako sa pinapanood ko sa cellphone habang kumakain ng makopa. Ala sais na ng gabi pero bigla akong naglaway sa makopa. Mabuti na lang nagpadala kahapon si ate Nika ng makopa sa driver nya. Naubos na kasi yung hiningi ni Dan noong isang linggo.

Hinimas himas ko ang malaki ko ng tiyan. Walong buwan na ang tiyan ko pero nagkicrave pa rin ako. Kumuha ulit ako mg makopa sa bowl at sinawsaw sa asin. Napapaungol pa ako sa sarap ng makopa.

"Maggie, anong gusto mo sa sinigang may gabi o wala?" Tanong ni manang Oreng na galing sa kusina at may suot na apron.

"Yung may gabi po manang." Sabi ko.

"O sige, lalagyan ko ng gabi." Aniya at bumalik na sa kusina.

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood sabay tawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang pinapanood ko. Isa syang korean reality show. At talaga nga namang nakakaaliw ang mga pinaggagawa ng mga cast.

"Mahal, I'm home!"

Lumingon ako ng marinig ang malaking boses ni Dan. Nakauwi na pala sya at may bitbit na brown bag. Malaki ang ngiting lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa labi. Pinatay ko muna ang cellphone ko at binaba sa lamesita.

"Ito nga pala ang inuungot mo sa akin kanina mahal. Dumaan muna ako sa mall kaya medyo ginabi ako." Sabi nya at binuksan ang brown paper bag. Nilabas nya ang pinapabili ko sa kanya kaninang waffles. Kung kanina ay hinahanap hanap ito ng sikmura ko ngayon ay parang di ko feel kainin ito. Pero syempre hindi ko sasayangin ang effort nya. Kaya kakainin ko yan mamaya.

"Salamat mahal." Nakangiting sabi ko at kinuha ang tatlong waffle sa kamay nya at nilapag sa lamesita. Tumayo ako at kinalas na ang necktie nya gaya ng lagi kong ginagawa pag uwi nya.

"Ehem!"

Parehas kaming lumingon ni Dan ng may tumikhim. Napaawang ang labi ko ng makita ang isang matangkad na lalaki na hindi nalalayo kay Dan ang pangangatawan. Ang gwapo nya. Mukha syang arabo na mestiso. Matangos ang ilong pangahan ang mukha na may papatubong balbas. Maganda ang mata nya parang sa arabo. Bagay na bagay sa kanya ang suot na button down na polo na tinupi sa siko. Halatang galing din sya opisina. Mukha syang may mataas na posisyon at mukha syang mamahalin na tao.

"Ah mahal, sya nga pala si Matias ang pinsan ko." Untag sa akin ni Dan.

"Mat cous, si Margarette misis ko." Pagpapakilala ni Dan sa akin sa pinsan nya.

Lumapit sa akin ang lalaki at nilahad ang kamay. "Nice to meet you Margarette, I'm sorry hindi ako nakarating sa kasal nyo." Aniya sa baritonong boses at tipid na ngumiti.

Mas lalong napaawang ang labi ko at kinamayan si Matias. Ang gwapo nya. Pati boses nya ang gwapo din. Ang sarap titigan ng mukha nya.

"Mahal? Ayos ka lang?" Untag sa akin ni Dan.

"Ha? Ah oo! Sya pala si Matias."

"Yes mahal, kakauwi lang nya galing London. Sya kasi ang magti-take over sa kumpanya temporarily habang nasa leave ako." Sabi nya. Sinabi nya kasi sa akin na magli-leave sya kapag kabuwanan ko na para maalagaan daw ako.

"Ah ganun ba, ah Matias maupo ka muna." Alok ko kay Matias at pinagpagan pa ang single sofa. Tumalima naman si Matias at umupo din.

"Thank you Margarette." Pormal ang ngiting sabi nya.

"Maggie na lang ang itawag mo sa akin Matias, masyado namang pormal ang Margarette." Nakangiting sabi ko habang nakatitig sa mukha nya. Ewan ko pero gustong gusto ko ang mukha nya.

Ngumisi sya. "Sure Maggie."

"Ah teka, gusto mo ba ng kape? Nagugutom ka ba?" Alok ko sa kanya.

"Mahal."

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon