Maggie
NAKAKALOKA ANG aga aga ang daming ganap. Nagising ako sa ingay sa labas tapos pagbukas ko ng bintana nakita ko si tatay na hinahabol ng taga ang gwapong malaking mama. Kaya dali dali kong ginising si ate dahil hindi kakayanin ni nanay na awatin si tatay. Mahirap pa namang awatin si tatay kapag galit na galit.
Boyfriend pala ni ate yung gwapong malaking mama na hinahabol ni tatay ayon sa gwapong malaking mama din na nakaupo sa harap ng tindahan at kumakain na ng suman.
"Halika na Maggie awatin natin si tatay baka mataga nya si Austin." Sabi ni ate Mikay na natataranta na.
"Ikaw na lang ate, makikinig naman sa'yo si tatay eh. Dito na lang ako may customer tayo." Sabi ko. Mahirap na, ang laking tao pa naman nitong mamang to malamang malakas din itong kumain.
Tumakbo na si ate Mikay papunta kanila tatay at nanay na papaikot na sa likod ng bahay namin. Magaling din umilag yung boyfriend ni ate eh. Kung iba iba yun malamang naliligo na sa sariling dugo. Tiningnan ko naman ang malaking mama na hindi ko alam ang pangalan. Napakunot noo pa ako ng magsalubong ang mga mata namin. Kakaiba syang tumingin. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ang sarap ng suman nyo ganda." Komento nya.
Napanguso naman ako. Bolero ang mama. Alam kong maganda ako, wala sa lahi namin ang swangit.
"Syempre si nanay ang gumawa nyan eh, kaya masarap talaga yan." Pagmamalaki ko.
Tumango tango naman sya habang ngumunguya. "Ikaw, marunong ka ring gumawa nito?"
"Oo naman, minsan kapag sobrang pagod si nanay ako lang mag isa ang gumagawa." Sagot ko. Teka nga, nilalansi lang yata nya ako eh para makarami sya ng kain.
"Oy manong, otso isa nyan ha nakakatatlong suman ka na."
Ngumiwi sya. "Sorry ganda, gutom na gutom na kasi ako eh."
"Wag po kayong mag sorry kasi babayaran nyo yan."
Tumango tango sya habang nakangisi at ngumunguya. At nanghingi pa ng kape. At kung sinusuwerte nga naman hindi na sya pinagbayad ni nanay at pinagalmusal pa. Ni hindi man lang sya nahiyang tumanggi. Kapalmuks din eh! Feel at home agad. Dinaig pa nya yung boyfriend ni ate na mukhang maamong tupa ngayon kaharap si tatay.
Naging maayos naman ang pag uusap nila tatay at ng boyfriend ni ate na Austin ang pangalan. Mukha silang mayayaman ng kaibigan nyang Dan pala ang pangalan. Handa daw panagutan ni kuya Austin si ate Mikay. Hindi daw sila nagkaintindihan ni ate kaya akala ni ate ayaw nya sa bata. Mukhang tanggap na sya ni tatay yun nga lang may pagdadaanan pa syang pa extra challenge ni tatay sa bukid. Kay nanay naman ay walang problema, maunawain yun at mabait parehas sila ni ate Mikay. Marami nga nagsasabi kaugali ko daw si tatay.
PAG UWI KO GALING school ay natanaw ko ang kaibigan ni kuya Austin na prenteng nakahiga sa duyan namin na nakakabit sa puno ng mangga na nasa gilid ng bahay namin. Kumakain pa sya ng nilagang saging. Ng makita nya ako ay tinawag nya ako at kinawayan. Nginusuan ko lang sya at tinanguan saka pumasok na sa bahay. May bumili pa sa tindahan namin, pinagbentahan ko na ito kasi wala namang tao pero naririnig ko ang boses nila sa kusina. Matapos kong pagbentahan ay dumiretso na ako ng kusina. Nagmano ako kay tatay at nanay, binati ko rin si ate bago pumanhik sa taas para magbihis. Magpapatuka pa kasi ako ng mga manok. Pagkabihis ko ay bumaba ako at bumalik ng kusina para kunin ang patuka. Natanaw ko si kuya Austin mula sa bintana na nagsisibak ng kahoy sa likod bahay.
"Teka nasaan na pala yung isang binata?" Tanong ni nanay na luminga linga pa. Malamang yung mamang malakas kumain ang hinahanap nya.
"Nandun po sa duyan nay, feeling bakasyunista habang kumakain ng nilagang saging." Nakasimangot na sabi ko.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
Ficción GeneralNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...