chapter 4

27.3K 734 135
                                    

Dan

TSINETSEK KO ANG email ko habang naninigarilyo dito sa tapat ng tindahan. Bukas ay babalik na ako ng Manila para harapin ang nakabinbin na trabaho. Tadtad na ng text ng sekretarya ko ang inbox ko at tumawag pa kanina. Kanina ay kakwentuhan ko pa dito si Mang Berting. Tinawag lang sya ni Aling Cora para painumin ng gamot. Masarap kakwentuhan ang matanda. Marami ng experience sa buhay.

May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito. Si Austin pala. Umupo sya sa kaharap na bangko.

"Babalik ka na bukas sa Manila?" Tanong nya.

"Oo kailangan eh, ok ka naman na siguro dito." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang cellphone. Hinithit ko ang sigarilyo saka dinutdot ang upos sa kahoy na bangko at tinapon sa basurahan na naroon. Binuga ko ang usok pataas. Napadako ang mata ko sa ikalawang palapag sa bintana ng kwarto ni Maggie. Napailing ako at napangisi. Lumalalim na ang gabi at masarap ang simoy ng hangin. Ibang iba sa hangin ng Manila.

"Ayos na ko dito, naiintindihan na ako nila itay at inay. Tanggap na nila ako. Si Mecaela na lang ang kailangan kong kausapin ng masinsinan kaya lang hindi naman ako pinapansin at panay ang irap." Napapakamot sa ulong sabi nya.

"Well atleast tanggap ka na ng mga future byenan mo, itay at inay na nga ang tawag mo." Nakangising sabi ko. Ngumisi din sya.

"Balak ko ring bumili ng lupa dito at patayuan ng bahay para sa amin ni Mika." Aniya at sinabi ang mga plano nya para sa kanilang dalawa ng nobya nya.

Tumango tango na lang ako at nakikinig. Masaya na rin ako para sa kanya dahil nagkaroon ng direksyon ang buhay nyang puro babae at negosyo lang ang inaatupag. Lihim akong napangisi. Basta ako wala pa sa bokubularyo ko ang salitang kasal.

Nagtagal pa kami ng isang oras sa labas habang nagkukwentuhan hanggang sa papasukin na kami ni Aling Cora para pagpahingahin na. Nagsarado na rin sya ng tindahan. 

Dito sa munti nilang sala ay may nakalatag ng banig at manipis na kuston saka dalawang unan. May electric fan na ring nakatutok. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok. Pwede naman kaming humanap ni Austin o ako ng malapit na inn para doon matulog. Pero nakakahiya namang tanggihan ang mag asawa na todo asikaso sa amin.

Mayamaya pa ay bumaba si Aling Cora sa hagdan at may bibit na unan na may cartoon character ang punda. Inabot nya sa amin ang unan.

"Heto pa ang isang unan, kinuha ko lang yan sa kwarto ng anak ko."

"Kaninong unan po iyan inay? Kay Mika?" Tanong ni Austin na nakatingin sa unan.

"Hindi, kay Maggie ito. Tatlo kasi ang unan nya eh, tamang tama tulog na sya kaya kinuha ko ang isa."

"Salamat po Aling Cora." Sabi ko sabay kuha ng unan at niyakap. Malambot ang unan at mabango. Amoy shampoo at baby cologne. Napangisi ako. Baby pa nga.

"Wag kang mag alala iho, hindi amoy panis na laway yan. Malinis sa gamit nya ang bunso ko." Natatawang sabi ni Aling Cora.

"Mabango nga po eh." Natatawa na ring sabi ko.

Naiiling na lang si Aling Cora. "O sige magpahinga na kayo, pasensya na kayo sa payak naming tahanan."

"Wala po yun nay, ang importante tao nyo po kaming pinatuloy." Sabi ni Austin.

"At masasarap pa po ang pagkain nyo." Segunda ko naman.

Napangiti naman si Aling Cora at nagpaalam ng papasok sa silid nilang mag asawa. Maaga pa daw kasi itong gigising para gumawa ng kakanin. Si Mang Berting ay kanina pa tulog. Mabilis daw itong nakakatulog sa gabi pagkatapos uminom ng gamot.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon