Chapter 8

26K 720 143
                                    

Maggie

MATULIN NA lumipas ang panahon. Nakapanganak na si ate Mikay at isang taon na ang anak nilang babae ni kuya Austin na si baby Adelline. Ako naman ay nasa unang taon na ng kolehiyo sa kursong entrepreneurship at dito na ako sa Maynila nag aaral. Pinag aaral ako ni kuya Austin. Syempre grab the opportunity na. Bihira lang ang ganitong pagkakataon na may magpapaaral ng libre.

Sinukbit ko ang backpack sa likod at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Hawak ko sa isang kamay ang folder na naglalaman ng report. Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas syete na ng umaga. Alas otso pa naman mag uumpisa ang klase. 

"Morning ma'am Magz!" Magiliw na bati sa akin ni ate Jing. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay. Kasalukuyan syang nagba-vacuum.

"Morning din ate Jing." Ganting bati ko. Ka-close ko ang tatlong kasambahay dito. Mababait din naman kasi sila at gaya namin ni ate Mikay ay laking hirap din sila.

"Ingat sa byahe at galingan mo sa school." Pahabol na sabi pa ni ate Jing.

"Opo."

Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko si kuya Austin na mabagal na sinasabayan sa paglalakad si baby Adelline sa malawak na lawn. May hawak syang puting bimpo at kinakausap pa si baby Adelline na ng makita ako ay nagtitili at patakbo ng lumapit sa akin. Agad ko naman itong sinalubong dahil baka madapa.

"Tata!" Tawag ni baby Adelline sa akin na bumungisngis pa. Tinaas pa nya ang dalawang matatabang braso. Hudyat na nagpapabuhat sya sa akin. Inipit ko naman sa pagitan ng hita ang folder na hawak at binuhat sya. Agad syang kumapit sa leeg ko.

"Tatatatata!" Paulit ulit na tawag nya sa akin at winagwag pa ang isang braso. Nagbeautiful eyes pa sya sabay bungisngis. Kitang kita ko tuloy ang apat na maliliit nyang ngipin. Natawa na lang tuloy ako at sa gigil ko ay sinubsob ko ang mukha sa leeg nya. Amoy na amoy ko ang baby powder na gamit nya. Lalo naman syang bumungisngis at sinabunutan na ako.

"Ang aga mo ah." Untag sa akin ni kuya Austin na natatawa sa ginagawa ng anak nyang pagsabunot sa akin.

"Oo kuya, alas otso umpisa ng klase namin ngayon eh." Nakangiwing sabi ko at binaba na si baby Adelline na agad namang kumapit sa binti ko at panay ang tawag sa akin.

"Eh ikaw kuya, wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya. Nakapambahay pa kasi sya.

"Mamaya pa, papagurin ko muna itong bulinggit na to." Aniya at nilapit sa kanya si baby Adelline. Kinapa nya ang likod nito at pinunasan ng bimpo.

"Eh si ate pala kuya?" Luminga linga ako para hanapin si ate Mikay.

"Tulog pa."

"Tulog pa? Alas syete na ah." Kunot noong sabi ko. Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si ate. Morning person kasi ito at bibihira lang kung magising ng tanghali, kapag puyat ito at may sakit. Pero wala namang sakit si ate at nakita ko maaga sila pumasok ng kwarto ni kuya Austin kagabi.

"Napuyat kasi kagabi." Natatawang sabi ni kuya Austin.

Tumaas ang dalawang kilay ko. "Napuyat? Eh maaga kayong natulog kagabi di ba?"

Ngumisi sya. "Naglaro pa kasi kami."

Kumunot ang noo ko.

"Anong nilaro nyo at napuyat kayo kagabi ni ate?" Kyuryosong tanong ko.

"Bahay bahayan." Nakangising sabi nya.

Noong una ay loading pa ako sa sinabi nya hanggang sa nagets ko na at nanlaki ang mata ko. Natawa na lang sya sa reaksyon ko.

"Uy kuya, isang taon pa lang yan si baby Adelline ha. Baka sundan nyo agad." Paalala ko sa kanya na lalong ikinatawa nya.

"Alam namin yun ng ate mo hipag, nakaplano na yun."

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon