Chapter 23

25.3K 750 157
                                    

Dan

"HO!" SIGAW ko at tinapik ng paa ang tagiliran ng kabayong lulan ko na si Black Jack. Isang black Andalusian horse ang uri nito at na binili ko pa sa Spain sa halagang kulang kulang limang milyong piso. Mabuti nga at unti unti na itong nasasanay sa kapaligiran nito. Nakatulong ang palagian kong pagikot nito dito sa buong hacienda.

Bumaba na ako dito at tinapik tapik ang malapad na likod nito. "Good boy." Tinanggal ko na ang tali at hinayaan syang magpagala gala at manginain ng damo kasama ng iba pang kabayo. May mga tauhan naman na nakabantay sa paligid.

"Magandang umaga ho ser Dan." Masiglang bati ni Mang Badong na isa sa katiwala namin dito sa hacienda.

"Magandang umaga din." Balik bati ko sa kanya. "Nakausap nyo na ba si lolo?"

"Oho, katatapos lang naming mag usap. Dumating po si ma'am Camilla kausap po ngayon ng señor."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Tinanguan ko na lang si Mang Badong at pumasok na sa loob ng mansion. Nakita ko pa ang nakaparadang pink na mini cooper. Nandito nga ang pinsan ko at dinig na dinig ko na ang matinis nitong tawa. Nasa ikalawang palapag sya ng mansion at malamang binobola na naman si lolo. Umakyat na ako sa grand staircase para tunguhin sila.

"Danon nandyan ka na pala." Bati sa akin ni lolo na syang unang nakapansin sa akin. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Sa kabila ng edad nyang otsenta ay matikas na matikas pa rin sya at malakas pa. Dahil na rin siguro sa dati syang sundalo at hanggang sa pagtanda nya ay dala pa rin nya ang disiplina sa sarili. Sa kabila ng mga kulubot sa kanyang mukha ay bakas pa rin ang pagiging mestiso nya. Malakas ang dugong espanyol na na nanalaytay sa kanyang dugo.

"Hi couz!" Bati naman sa akin ni Camilla na lumapit pa sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Bahagya pa akong napaigtad ng idikit nya sa akin ang katawan nya lalo na ang dibdib nyang halos lumuwa na sa suot nyang sleeves na dress na hapit na hapit sa katawan nya. Bahagya ko syang tinulak at lumayo sa kanya. Pasimple ko ring pinunasan ang pisngi kong hinalakin nya na may kasamang dila. Kumagat labi pa sya habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa na tila ako isang masarap na putahe. Kinikilabutan talaga ako sa kanya. Anak sya ni Tito Ben at simula ng malaman nyang hindi kami magkadugo ay nagpakita na sya ng motibo sa akin at pasimpleng inaakit ako. Ako na lang ang nahihiya sa ginagawa nya.

Lumayo na ako sa kanya at umupo sa single couch. Hindi ko kayang tagalan ang pagdikit dikit nya sa akin. Talagang kinikilabutan ako. Aminado naman akong babaero ako noon pero hindi ko papatusin ang babaeng tinuring ng kadugo ng pamilya ko.

"Anyway iho, tuloy ka na ba mamaya pabalik ng Manila?" Tanong ni lolo.

"Yes lo. Mga alas tres ang alis ko." Susunduin ako ng helicopter kaya sandalian lang ang byahe ko at nasa Manila na ako. 

"Babalik ka na ng Manila couz? Bat ang bilis naman?" Nakasimangot na angal ni Camilla. Maganda naman sya pero makapal ang make up na para na syang isang clown. Ang haba pa ng fake lashes pati mga kuko. Para syang isang nilalang sa gabi na kukunin ang kaluluwa mo.

"Yeah, kailangan na ako dun at matagal tagal na rin akong hindi nakakatapak sa opisina ko." Sabi ko at dinampot ang kape na nilapag ng kasambahay sa harap ko.

Mahigit isang taon na akong hindi nakakatapak sa Manila at sa opisina ko. Namalagi kasi ako ng matagal sa LA dahil sa problema sa construction ng hotel namin doon. Substandard kasi ang ginamit na mga materyales ng kinuha naming kumpanya na magtatayo nito. Ayun, hindi pa nangangalahati sa paggawa gumuho na. Ang masama pa maraming workers ang nasaktan at naghabla ng kaso. Pati na ang local na gobyerno nagsampa din ng kaso. At kasalan yun lahat ni Tito Ben dahil sya ang may hawak ng project na yun pero inipit nya ang pera. Kaya bilyon bilyong piso ang nalagas ngayon sa kumpanya. Kung wala nga lang ibang negosyong paghuhugutan ay malamang baon kami sa utang. Mabuti na nga lang at nakakabawi na ngayon.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon