Camilla
PAREHAS KAMING nanlumo at napasimangot ni mommy ng makitang five hundred thousand lang ang dumating sa account namin para sa buwang ito. Ang isang milyon na allowance namin buwan buwan ngayon ay kalahati na lang.
"Bakit ito lang?" Angal ni mommy sa teller.
Mabait naman itong ngumiti. "Ma'am yan lang po talaga ang dumating sa account nyo."
"Sigurado ka miss? Baka naman nagkamali lang kayo. Dapat isang milyon yan hindi kalahating milyon. Check mo nga!" Inis na ring sabi ko. Agad naman itong tumalima at nagpipindot ng kung ano ano sa computer. Pakiramdam ko ay pagpapawisan na ako sa inis kahit na ba sobrang lamig dito sa loob ng bangko.
"I'm sorry ma'am pero yun lang po talaga ang amount na pumasok." Nakangiwi ng sabi ng teller.
Marahas kaming bumuntong hininga ni mommy sa inis.
"Anak ng, ano naman ang mararating ng five hundred thousand? Kulang na kulang yan sa amin ng anak ko." Pagbubunganga ni mommy. Pinagtinginan naman kami ng mga taong naroon pero wala kaming pakialam. Pinagiirapan ko lang ang mga ito.
"Ang mabuti pa mommy, tawagan na lang natin si lolo. Baka sya ang nagkamali." Suhestiyon ko at dinukot ang mamahaling cellphone sa branded kong bag. Dinial ko ang numero ni lolo. Pero ring lang ito ng ring at walang sumasagot. Nakailang dial pa ako pero ganun pa rin.
"Ano?" Naiinip at inis na tanong ni mommy.
"Walang sumasagot 'my." Inis ding sabi ko.
"Halika na nga! Puntahan na lang natin sa hacienda." Padarag na tumayo si mommy at sinukbit ang branded ding shoulder bag sa balikat.
"Mabuti pa nga." Tumayo na rin ako.
"Babalik kami. At pagbalik namin isang milyon na yan." Mataray na sabi ni mommy sa teller.
Taas noo kaming lumabas sa bangko at tinungo ang mini cooper ko na regalo pa ni lolo..
Naabutan namin si lolo na siyang siya sa pinapanood na horse polo match. Chinicheer pa nya ang team na bet nya. Kaya pala hindi nya sinasagot ang tawag ko. Nagkatinginan kami ni mommy sabay pinabait ang mukha.
"Papa."
"Lolo."
Halos sabay naming bati ni mommy sa kanya. Lumingon naman sya sa amin.
"O Gina, Camilla, naparito kayo? Akala ko nagmamalling na kayo o kaya nag out of town." Nakangiting sabi nya at hininaan ang volume ng malaking flat screen tv.
Lumapit kami sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Umupo kami ni mama sa mahabang couch ay sya naman ay sa single couch.
"Eh yun na nga ang concern namin lolo kaya kami naparito." Panimula ko.
"Bakit? Nahihirapan ba kayong pumili kung ano ang bibilhin nyo sa mall o kung anong magandang lugar ang pupuntahan? Aba'y wala akong alam dyan kung tatanungin nyo ako. Kabayo lang ang alam ko kung anong magandang breed ang bibilhin." Natatawang sabi pa ni lolo. Mahilig kasi sya sa kabayo kagaya ni Danon. At marami nga silang alagang kabayo dito sa hacienda na milyon milyon ang halaga.
"Eh yun na nga papa, anong mabibili namin at anong mapupuntahan namin sa halagang five hundred thousand lang."
"Aba'y wag mong nilalang lang ang five hundred thousand Gina. Hindi biro ang ganung halaga marami ka ng mabibili dun." Katwiran ni lolo.
"Ikaw na ang kumausap sa matandang yan." Pasimpleng bulong sa akin ni mommy na inis na inis na.
Kaya lumapit ako kay lolo at umupo sa armrest ng couch at nilambing lambing sya. Noong maliit pa ako ay sobrang close sa kanya at hanggang ngayon naman kaya alam kong hindi nya ako mahihindian.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...