Maggie
LUMIPAS PA ANG mga araw at linggo. Tuloy tuloy pa rin sa panliligaw si Anthony sa akin. Hindi naman nya ako kinukulit kung kelan ko sya sasagutin. Parehas kaming nag eenjoy sa company ng isa't isa. Gentleman sya at mabait talaga sa akin. Sinasamahan pa nga nya ako magreview minsan eh.
Si manong naman, ewan ko talaga dun. Minsan talaga ok kami minsan hindi. Kung si ate Mikay at kuya Austin maganda ang pakikitungo kay Anthony. Sya naman kontra ng kontra. Ang daming ebas. Minsan nga tinataon nya na pupunta sya sa bahay kapag nandun si Anthony at makikisawsaw. Alam na rin ni tatay at nanay na may manliligaw na ako. Dahil sinabi ni manong. Ok lang naman daw kanila tatay at nanay basta wag ko daw pababayaan ang pag aaral ko.
"Kelan mo ba sasagutin si Anthony baks? 2 months na syang nanliligaw sa'yo di ba?" Tanong sa akin ni Lili. Nandito kami sa cafeteria at kumakain. Kaming dalawa lang ni Lili ang magkasama ngayon. Si Kokoy kasi ay kasama ang ibang kaibigan nyang lalaki.
"Ewan ko, hindi naman kami nagmamadali eh. Saka nag eenjoy naman kami sa company ng isa't isa." Sabi ko at sinipsip ang straw ng milk tea.
"Ay naku, wag ka ng magpakipot dzai. Alalahanin mo maraming mga awit sa paligid na gustong masilo si Anthony. O kaya naman baka magsawa na si Anthony tapos maghanap ng ibang liligawan. Ikaw din." Pagbabala nya sa akin.
Bumuntong hininga ako. "Nasa kanya yun, kung seryoso sya maghihintay sya."
"Eh ikaw ba? Gusto mo ba talaga sya? Baka mamaya pinapaasa mo lang yung tao." Nakataas ang kilay na sabi nya.
"Gusto ko sya no, ayaw ko lang magpadalos dalos."
"Di ba birthday mo na next month. Kung balak mo syang sagutin, sagutin mo na lang sya sa birthday mo."
Oo nga next month birthday ko na. Balak nga ni ate Mikay at kuya Austin na maghanda sa bahay at imbitahan ang mga kaklase ko. Gusto ko rin yun. Kahit simple lang at hindi bongga.
"Pag iisipan ko yan." Sabi ko kay Lili.
NAG AYA SA akin si Anthony na lumabas kami ng linggo. Dahil wala naman akong lakad nun at gagawin ay pumayag ako. Bale pangalawang labas na namin to ni Anthony na kaming dalawa lang. Nagpaalam ako kay ate at kuya Austin. Pumayag naman sila basta wag lang daw magpagabi. Yun nga lang may isang kontra.
"Ano? Magde-date kayo sa linggo na kayong dalawa lang?" Kunot ang noo at tila hindi makapaniwala na tanong ni manong. Nandito na naman sya sa bahay at dinadalaw kami ni Danie. May dala syang bagong supply ng dogfood, diaper, vitamins at shampoo.
"Malamang! Date nga diba? Syempre kaming dalawa lang."
"Hindi pwede! Sasama ako." Pagdedesisyon nya.
"Anong sasama? Hindi pwede no! Manggugulo ka lang eh. Saka date nga namin yun. Kaming dalawa lang. Kaya sa linggo sa'yo muna si Danie. Ikaw muna ang mag alaga sa kanya." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Sumimangot sya. "Hindi ako pwede sa linggo, may lakad ako. Kaya ikaw ang magbantay kay Danie. Hindi yang pagdedate ang inuuna mo"
Nawala ang ngiti ko at matalim syang tiningnan. "Sabi mo wala kang lakad sa linggo, tapos bigla bigla may lakad ka."
"Eh bigla akong nagkaroon ng lakad eh. Ano ikaw lang ang may lakad?"
"Utot mo! Nagdadahilan ka lang eh" Asik ko sa kanya. "Basta ikaw muna ang mag aalaga kay Danie sa linggo."
"Tss. Oo na. Anong oras ba ang date nyo?" Salubong ang kilay na tanong nya.
"Mga ala una hanggang hapon. Hindi naman kami magpapagabi dahil pinagbawalan kami ni ate."
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...