Maggie
MATULIN NA lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sumama na si ate Mikay kay kuya Austin sa Manila. Pero pabalik balik sila dito sa Isabela para asikasuhin ang kanilang kasal. Dito kasi nila gustong ikasal at syempre isa ako sa abay. Yun nga lang minsan kapag uuwi sila ate Mikay at kuya Austin dito ay kasama nila si manong Dan na malakas mangasar. Nasisira tuloy ang araw ko. Tapos madalas pa syang kampihan ni tatay. Sobrang close na nga nila ni tatay. Pati si nanay close na rin nya. Apakafeeling talaga. Ibang iba sya kay kuya Ace na sobrang bait sa akin.
Gaya ngayon, nandito na naman sya sa bahay. Kasama sya nila ate Mikay at kuya Austin umuwi. Kakwentuhan nya si tatay sa harap ng tindahan. Tuwang tuwa pa nga si tatay sa kwento nya eh. Binibida nya yung mga karanasan nya noong nagti-training sya sa pagsusundalo. Pinasok daw kasi sya ng lolo nya dahil pangarap daw nito na maging sundalo sya. Si tatay naman all ears sa pakikinig sa kanya dahil pangarap din nito magsundalo dati. Pero hindi lang natuloy dahil nakilala nito si nanay at ayaw ni nanay ng sundalong asawa.
"Nung nalaman nga ng general na hindi na ako tutuloy sa pagsusundalo nanghinayang sya."
Huu bangkero.
Napanguso ako habang ngumunguya ng tsitsirya. Nakasandal ako sa hamba ng pinto habang pasimpleng nakikinig sa kwentuhan nila. Wala akong pasok ngayon kaya pakain kain lang ako.
"O bakit nakanguso ka dyan?"
Nilingon ko si kuya Austin na nasa gilid ko na pala. Nakangisi sya sa akin.
"Bangkero yang kaibigan mo kuya, nagtraining daw sya sa pagsusundalo dati." Sabi ko sa tonong tila nagsusumbong.
Natawa naman sya. "Totoo naman yun. Dalawang taon din syang nagtraining."
"Talaga? Hindi halata sa kanya ah. Mukha nga syang walang alam kundi kumain, magpapogi at magpalaki ng katawan eh."
Lalo pang natawa si kuya Austin sa sinabi ko. "Dan is a well respected businessman. Mukha lang syang happy go lucky pero matinik yan sa pagnenegosyo at isa ding haciendero sa Bicol."
"Ah." Usal ko. Bigatin pala tong si manong. Hmph! Eh ano naman? Nakakainis pa rin sya! Muli akong napanguso.
"Bakit sumama sya sa inyo ni ate dito kuya? Hindi ba sya busy? Kasi sabi mo negosyante sya."
"Ewan ko dyan, mukhang nagustuhan nya yata itong probinsya nyo. Ang alam ko may balak syang magtayo ng negosyo dito. Bakit ayaw mo bang pumupunta sya dito."
Sumimangot ako. "Ang lakas nya kasi mang asar minsan eh. Nakakainis!" Sabi ko.
Ngumisi naman si kuya Austin. "Naku-cute-an lang yan sa'yo."
Mas lalo lang akong sumimangot habang sinisimot ang mumog ng cheeze it.
"Pero kung gusto mo para makabawi ka sa pang aasar nya, asarin mo rin." Nakangising dagdag ni kuya Austin sabay kindat.
Ngumuso naman ako. "Papagalitan lang ako ni tatay."
"Eh di simplehan mo lang." Aniya at marahan akong tinapik sa ulo. "Sige akyat na muna ako sa taas baka gising na ang ate mo hanapin ako." Paalam nya.
Tinanguan ko naman sya.
Makapagsaing na nga lang.
Nilamukos ko ang balat ng tsitsirya na wala ng laman. Umalis na ako sa harap ng pinto at tumungo sa kusina para magpaningas na ng kahoy at makapagsaing na. Para pagdating ni nanay ay ulam na lang ang lulutuin. Sumaglit kasi sya sa pamilihan para bumili ng ulam. Malamang dito rin kakain si manong. Hmph! May kalaban na naman ako sa lamesa. Ano kayang ulam ang lulutuin ni nanay?
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...