Maggie
SA GITNA NG byahe namin ay puro lang kami kwentuhan at kung minsan ay may asaran. Pero may konting level up na. Pahawak hawak na sya sa kamay ko. Wala naman akong reklamo dahil gusto ko rin naman. At sa halikan nangyari sa amin kanina magiinarte pa ba ako. Pero basta, nanliligaw pa rin sya sa akin at di ko pa sya sinasagot.
Awit sa'yo Maggie. Feeling gold ka. Sabat ng isang boses sa isip ko. Bakit ba?
Pasado alas dose ng gabi ay nakaramdam ako ng gutom. Nilabas ko sa bag ang baon kong sandwich. Dalawa ang ginawa ko at tig isa kami ni Dan. Pero dahil nagmamaneho sya ay ako na lang ang sumubo sa kanya ng sandwich nya.
"Ang sweet naman ng baby ko." Ngiting ngiti na sabi nya at kumagat sa sandwich na inumang ko sa kanya.
Nag init na naman ang pisngi ko. "Baby ka dyan, ang corny mo." Tinago ko ang ngiti at inirapan na lang sya habang kumakagat din sa sandwich ko.
"Ayaw mo ba ng baby? Kunsabagay medyo common na yun. Yung mga kaibigan ko ganun ang tawag sa mga asawa nila eh. Baby at babe. Ano ba gusto mo?"
Napahinto ako sa pagnguya at di makapaniwalang tiningan sya. "At bakit may tawagan na tayo? Tayo na ba? Sinagot na kita?" Nakangusong bira ko sa kanya. Ang feeling talaga.
"Hindi pa. Pero hinalikan mo ko." Sabi nya at muling kumagat sa sandwich.
Nahigit ko ang hininga sa sinabi nya. Talagang pinagdidiinan nya na hinalikan ko sya.
"Hinalikan mo rin ako no. Mas grabe ka pa nga eh. Halos hindi na ako makahinga kanina." Kunwaring reklamo ko. Heto na naman ang mukha ko at nagiinit na naman dahil sa usaping halikan na naganap kanina.
Tumawa sya. "Mas malala pa dun ang kaya kong gawin. Gusto mong subukan?"
"Heh! Magtigil ka! Magdrive ka na lang. Baka isumbong kita kay tatay." Banta ko sa kanya. Pero parang gusto kong itanong kung ano ang mas malala pa nyang kayang gawin bukod sa halik.
"Ano ang isusumbong mo kay Mang Berting? Na hinalikan mo ko?"
Sa inis ko sa kanya ay sinubo ko na sa bibig nya ang natira nyang sandwich. Halos mamulawan na sya dahil punong puno ang bibig nya. Pero atleast natahimik sya. Ang daldal eh. Ako naman ay natatawang kinain ang sandwich ko.
"Grabe ka naman mahal! Ang tindi ng pag mamahal mo sa akin nakamamatay." Bulalas nya ng malunok na ang sandwich sabay tawa. Inabot nya ang isang bote ng mineral at binuksan sabay tungga.
Ako naman ay muntik ng masamid sa tinawag nya sa akin. Ngunit ganun na lang ang reaksyon ng puso ko na tila nagpipyesta na sa loob sa lakas ng tibok nito. Mukhang mas napalala pa yata ang ginawa ko sa kanya.
"Anong m-mahal pinagsasabi mo dyan?"
Ngumisi sya. "Yun na ang tawagan natin, mahal. Para maiba naman sa tawagan ng mga kaibigan ko at mga asawa nila. At least pinoy na pinoy. Mahal ko." Pinagdiinan pa nya ang huling sinabi.
Nung tinawag nga nya akong baby halos maihi na ako sa kilig ngayon naman na mahal ang tawag nya ay parang hindi na ako makahinga. Hindi ko na rin malunok ang kinakain ko at tila busog na ako sa halo halong nararamdaman ko ngayon.
"Alam mo ang kapal -- " Naputol sa ere ang sasabihin ko ng may kung anong lumabas na ingay sa pang upo ko. Sandaling namayani ang katahimikan. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Para akong tinakasan ng kaluluwa ko ng humagalpak sya sa tawa.
Napapikit ako ng mariin sa hiya. Dyahe! Nautot ako. At ang mas malala pa ng umamoy sa loob ng sasakyan at nasundan pa uli ng sunod sunod na tunog. Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...