Maggie
"MAG IINGAT KAYO sa byahe." Bilin sa amin ni ate Mikay. Si kuya Austin naman ay nilalagay sa likod ng sasakyan ni Dan ang mga pasalubong para kay tatay at nanay. Pupunta kami ngayon sa Isabela. Si Dan lang dapat pero sasabay na ako. Namimiss ko na rin kasi sila tatay at nanay. Tutal weekend naman. Ngayong byernes ng gabi kami aalis para kinaumagahan nasa Isabela na kami.
"Ingatan mo si hipag ha." Bilin din ni kuya Austin kay Dan.
"Oo akong bahala." Sagot naman ni Dan.
"Ikamusta mo na lang kami kay tatay at nanay bunso. Tumawag din kayo kapag nandun na kayo." Dagdag bilin pa ni ate.
"Oo ate."
"Tita ganda, ninong pogi pasalubong ko po ha." Ungot naman ni Adelline na nakapantulog na at buhat si Danie.
"Pasasalubungan ka namin ng buhay na manok." Sabi ko at inadjust ang strap ng body bag na nakasukbit na sa katawan ko.
"Ih, yoko nun. Gusto ko ng baby."
Sumimangot ako. Hindi pa rin nya nakakalimutan ang tungkol sa baby.
"Kay daddy at mommy mo na lang ikaw humingi ng baby." Sabi ko. Malaki naman na sya pwede na syang sundan.
Bumaling naman sya sa daddy at mommy nya. "Daddy mommy gusto ko ng baby."
Napangisi ako. Narinig ko din ang pagtawa ni Dan.
"O narinig mo yun babe. Gusto na ni Addie ng kapatid." Hirit naman ni kuya Austin kay ate Mikay.
Namula naman ang mukha ni ate. "Gusto mo sa sala matulog?"
Napakamot sa ulo si kuya Austin at binalingan si Adelline. "Nak next time na lang si baby, ayaw ni daddy matulog sa sala."
Ngumuso naman si Adelline. "Kelan po yung next time?" Tanong nya sa daddy at mommy nya.
Sinamaan ng tingin ni ate Mikay si kuya Austin na nakangiwi na. Di na alam kung ano ang isasagot sa anak.
Yan kasi! Buti nga. Maling sagot pa nya sa sala talaga sya matutulog.
Nagpaalam na kami ni Dan sa kanila. Sa linggo ng gabi din ang uwi namin.
"Ikaw na ang bahala kay Danie ha." Bilin ko kay Adelline at hinimas sa ulo si Danie.
Tumango tango naman sya. "Tawag ka tita ganda ha."
Natawa naman ako sa hitsura nya. Halatang mamimiss nya ako. Dalawang araw syang walang kabardagulan. Umuklo ako at niyakap sya. Ng bumitaw ako ay halatang mangiyak ngiyak na sya. Nagbabye muna ako sa kanya bago sumakay sa passenger seat. Nasa driver seat na si Dan at binuhay na ang makina ng sasakyan nya. Inikot nya ito sa driveway para makalabas ng gate na automatic na bumubukas. Bumusina si Dan, ako naman ay binaba ang bintana at kumaway kanila ate. Kumaway naman ang mag ina at nagthumps up si kuya Austin.
"Mahaba haba ang byahe natin pwede kang matulog muna." Nakangiting untag sa akin ni Dan.
"Maaga pa no, hindi pa ako inaantok." Sabi ko at nilabas ang cellphone.
Alas nuebe pa lang ng gabi. Kulang kulang syam na oras ang byahe mula dito sa Manila hanggang Isabela. May alam naman daw syang shortcut kaya baka mga alas singko ng umaga ay nasa bahay na kami. Pwede naman kaming mag eroplano o mag chopper pero mas prefer ko ang bumiyahe ng matagal na oras. Wala lang feel ko lang. Road trip sa gabi. Wala naman syang tutol eh. Sya pa nga ang driver. O siguro gusto ko din syang makasama ng matagal na kaming dalawa lang.
Simpleng talande ka Margarette. Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.
Binuksan naman ni Dan ang radio. Pumailanlang ang kantang sumikat pa noong 90's. Napaghahalataan ang edad eh. Sinasabayan pa nga nya ito at nangingiting titingin sa akin. Tinaasan ko na lang sya ng kilay. Pero infairness may boses naman sya. Sinabayan ko na lang din sya sa pagkanta. Tumahimik naman sya at patingin tingin na lang sa akin habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...