five years later..
Dan
"MARGO ANAK come here!" Tawag ko sa anak kong babae na tatlong taong gulang na. Kanina pa sya nagtatakbo at nakikipag laro sa kapwa bata.
"Wait lang po daddy." Sigaw ni Margo na tuloy pa rin sa pakikipag habulan. Ang hindi ko lang nagugustuhan kapag nahabol na nya ang kalarong batang lalaki ay niyayakap nya.
"Margo anak -- "
"Dadadadada!"
Nilingon ko sa dalawang stroller ang kambal na siyam na buwang gulang na. Parehas silang maingay. Si Damon ay hinahampas na sa stroller ang feeding bottle nyang wala ng laman. Si Damien naman ay tinataktak ang feeding bottle nyang may laman pa.
Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang mga feeding bottle nila.
"Dadadadada." Daldal ni Damon na inaabot ang feeding bottle nyang kinuha ko.
"Wait lang anak, magtitimpla lang si daddy." Sabi ko at agad ng tinimplahan ng panibago ang feeding bottle nya. Pagkatimpla ko ay binigay ko na sa kanya na agad naman nyang sinubo. Tahimik sya kapag may dede.
"Dada mama." Daldal naman ni Damien.
"Wala pa si mama baby." Sabi ko at tiningnan ang relo. Magti-thirty minutes na simula ng umalis si mahal. Tinawagan sya ni Lily kanina at nakipag kita sa mall at may iaabot daw.
Nandito kasi kami sa park. Araw ng linggo ngayon at bonding naming pamilya. Pagkalabas namin ng simbahan ay dito agad kami pumunta.
"Ay yung bata nanununtok!" Sigaw ng isang boses ng babae.
Napalingon ako. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Margo na sinusuntok ang kalaro kaninang batang lalaki. Nakiusap ako sa isang ginang na may akay na bata na patingnan ng kambal ko. Agad akong lumapit kay Margo at inawat. Lumapit din ang nanay ng batang lalaki na umiiyak na. Humingi naman ako ng paumanhin sa nanay.
"Margo say sorry to him." Sabi ko sa anak kong nakanguso.
"No daddy! Loko nya ko eh. Sabi nya ako lang playmate nya tapos kita ko sya nakikipag play sa ibang girl." Pasumbong na sabi ni Margo.
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sa sinabi nya. Ang alam ko lang manang mana sya kay mahal. Hindi lang sila magkamukha magkaugali pa.
"No, we're just talking." Umiiyak na sabi ng batang lalaki.
"Liar! I hate you di na kita bati hmph!" Sabi ng anak ko sabay walk out at tumakbong lumapit sa kambal.
Napakamot na lang ako sa ulo at nanghingi ng sorry sa magina. Hinaplos ko pa ang ulo ng batang lalaki na umiiyak at nakatanaw lang sa anak ko. Somehow nakarelate ako sa batang lalaki. Parang nakikita ko ang sarili ko noong galit na galit sa akin si mahal dahil akala nya may ibang babae ako. May nakita akong nagtitinda ng lobong may iba't ibang hugis ng iba't ibang cartoon character. Bumili ako ng apat. Binigay ko sa batang lalaking umiiyak ang lobong hugis eroplano. Tuwang tuwa naman sya at tumahan na rin.
Bumalik na ako sa kambal na nilalaro na ni Margo. Tuwang tuwa silang tatlo ng makita ang mga lobong hawak ko. Binigay ko kay Margo ang lobong unicorn. Tinali ko naman ang dalawang lobo tag isa sa stroller ng kambal na napapalakpak pa habang nakatingin sa lobo. Napapangiti ako habang pinagmamasdan silang masaya sa maliit na bagay lang.
"Daddy la pa si mommy?" Tanong ni Margo.
"Wala pa anak." Sagot ko. Nilapitan ko sya at pinunasan ang pawis nya sa mukha at leeg. Hinipo ko pa ang likod nya kung basa ng pawis.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...