Maggie
TUMAWA NG malakas si kuya Ace. Ako naman ay napakunot ang noo sa sinabi ni manong. Hanudaw? Tatanggalin nya sa kumpanya nya si kuya Ian kapag nanligaw sa akin at sinagot ko.
Narinig ko namang mahina syang napamura.
"Sobrang strict naman ni manong Dan." Natatawa pang sabi ni kuya Ace.
"Shut up Ace!" Asik ni manong kay kuya Ace na kunwari namang zinipper ang bibig.
"I'm serious, kapag nanligaw yang lalaking yan sa'yo at sinagot mo tatanggalin ko yan sa kumpanya." Pagbabala nya ulit sa akin.
"Bata ka pa, hindi ka pa pwedeng magpaligaw naiintindihan mo?" Dagdag pa nya sa istriktong tono. Seryosong seryoso ang mukha nya.
Nagugulumihanang nakatingin lang ako sa kanya.
Tumikhim naman si kuya Ace. "Makinig ka kay manong Dan Maggie kung ayaw mong mapalo sa pwet."
Tiningnan ni manong si kuya Ace ng masama na ikinatahimik ulit nya. Kagat kagat nya ang labi at may naglalarong ngiti.
Akmang sasagot ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni nanay na nasa kabilang lamesa kasama si tatay. Kasalo nila sila ate Mikay, kuya Austin, mamita Amelia at ilang kamag anak ni kuya Austin. Nagexcuse ako sa dalawa at binitbit na ang plato ko para lumipat sa kabilang lamesa. Naiwan si kuya Ace na nakangisi at manong na nakakunot ang noo. Ang weird nya, parang ewan.
Nakangiti akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi nila nanay at tatay. Kaharap namin si ate Mikay at kuya Austin na sweet na sweet na nagbubulungan. Dahil bagong dating ako sa lamesa ay natuon sa akin ang atensyon nila. Bidang bida naman ako dahil kay tatay. Pumapalakpak na nga ang tenga ko eh.
"Nakow itong bunso ko, kagaling kumanta nito. Kung hindi nyo alam sya ang pambato ng baranggay na ito sa singing contest sa bayan. Wala ngang makatalo sa kanya, tatlong taon na syang defending champion." Pagbibida pa ni tatay.
"Talaga? Aba'y baka pwedeng sample naman dyan." Anang cool na cool na si mamita Amelia na sinegundahan pa ng ibang kasama namin sa lamesa.
"Sige nga anak, sampolan mo ang mga bisita. Ipakita mo ang husay mo." Pambubuyo sa akin ni tatay.
Napressure tuloy ako bigla. Napakamot ako sa ulo at bahagyang napangiwi. Medyo kinabahan ako. Syempre maraming bisita ang hindi ko kilala kaya nakakakaba. Buti ba kung mga kapitbahay lang ay ayos lang. Naaalala ko dati noong bata pa ako lagi akong pinapakanta ni tatay sa harap ng mga bisita nya at kainuman nya. Tuwang tuwa naman ako nun dahil lagi akong may bente o kaya singkwenta. Tumingin ako kay tatay, malawak ang ngiti nya at nakaguhit sa mga mata na proud na proud sya sa akin. Sya kasi ang number 1 fan ko. Kapag may laban ako lagi syang nanonood. Tumingin naman ako kay nanay. Nakangiti din sya at tinanguan ako. Parang sinasabing pagbigyan ko na si tatay.
Sige na nga!
Uminom ako ng tubig at kumuha ng tissue at dinampi sa bibig ko sabay tayo. Pumalakpak naman si tatay. Wala pa nga eh. Si tatay talaga.
Lumapit ako sa host at sinabing kakanta ako. Agad naman nya akong pinaunlakan at nilapitan ang bandang kumakanta. Pinalapit ako ng host at tinanong kung ano daw ang kakantahin ko. Sinabi ko naman kung ano ang title ng kakantahin ko tapos ay pinaakyat nya ako sa platform. Kitang kita ko na ang lahat ng bisita na nakatingin na ngayon sa akin. Ang mga nakakakilala sa akin ay mga naghihiyawan na. Pati na rin si tatay na tumayo pa habang hawak ang tungkod. Para tuloy bulang biglang naglaho ang kabang naramdaman ko kanina at napalitan ng lakas ng loob. Napadako naman ang mga mata ko sa lamesa kung nasaan sila kuya Ace at manong Dan. May iba na rin silang kasamang nakaupo doon. Si manong Dan ay nakangisi pa sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at noo. Watch and learn manong! Panis ka ngayon sa akin.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...