Chapter 14

24.5K 727 137
                                    

Maggie

"NAG ENJOY ka ba?" Tanong sa akin ni ate pagpasok ko ng gate.

"Oo ate, marami din kaming napuntahan at marami din akong nakain." Nakangiting sabi ko.

"Mukhang naspoil ka ni Dan ah." Nakangising sabi ni ate at tiningnan ang sasakyan ni manong na nasa labas pa rin ng gate. Nilingon ko rin ito at muling kinawayan. Pinaandar na nito ang sasakyan at bumusina. Hinintay muna naman ito ni ate na umalis bago pumasok sa loob.

"O hipag andyan ka na pala. Kamusta ang date -- este pamamasyal ninyo ni pareng Dan?" Bati at tanong sa akin ni kuya Austin. Buhat buhat nya si baby Adelline na dumedede sa bote at mukhang inaantok na.

"Ayos lang kuya, sobrang nag enjoy ako. Busog na busog nga rin ako eh." Nakangiting sabi ko.

"Mabuti naman dahil kung hindi isusumbong ko yun kay tatay." Nakangising sabi ni kuya Austin.

"Mabait naman si manong at galante, malakas lang talaga mang asar."

"Nakukyutan lang kasi sa'yo yun kaya inaasar ka."

Ngumuso ako. Ngayon ko lang narealize. Siguro nga.

"Hindi ka na ba kakain?" Untag sa akin ni ate Mikay.

"Hindi na ate, busog pa ako eh." Sabi ko.

"O sige, umakyat ka na sa taas at magpahinga siguradong napagod ka."

"Oo ate akyat na ko, kuya." Nagpaalam din ako kay kuya Austin. Tinanguan naman nya ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay doon ko na naramdaman ang pagod. Kumuha ako ng pamalit na damit sa cabinet at pumasok ng banyo para maghalf bath. Gusto ko na rin kasing humilata.

Tinitingnan ko isa isa ang picture namin ni manong. Pinipili ko yung magaganda at cute naming mga picture. Ng nakapili na ako ay pinost ko na ito sa fb at tinag si manong. Binuksan ko messenger ko at tiningnan ang mga chats. Hindi kasi ako nag online kanina, syempre gusto kong maenjoy ang mga lugar na napupuntahan namin.

Napangiti ako ng makita ang chat ni Anthony. Online din sya kaya agad kong nireplayan ang chat nya at nagusap nga kami. Kinamusta nya ang pamamasyal ko. Sabi ko tingnan nya ang bagong post ko. Tiningnan nga nya at nagcomment. Napagkamalan pa nyang kuya ko si manong.

Dan

PARA AKONG nakalutang sa ere at nangingiti habang tinititigan ang counter na parang may kakaibang nakikita doon. Pero wala naman doon ang isip ko. Pagkahatid kay Maggie sa bahay ni Austin ay dapat sa bahay na ang diretso ko. Pero parang gusto kong magcelebrate at uminom. Kakaiba itong nararamdaman ko. Para bang may kumikiliti sa tiyan ko. Hindi naman ako gutom.

Wala sa loob na hinawakan ko ang pisngi kong hinalikan ni Maggie kanina. Parang nararamdaman ko pa rin ang malambot nyang labi na dumampi sa pisngi ko.

"Sir."

Parang naamoy ko pa ang mabango nyang hininga.

"Sir."

Parang --

"Sir Danon."

Napakunot ang noo ko ng lumitaw sa harap ko ang mukha ng bartender at parang may sinasabi.

"What?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Napakamot sa ulo ang bartender.

"Ano pong alak ang order nyo?" Nangingilag na tanong ng bartender.

Ngumiti naman ako. "Scotch whiskey." Sabi ko.

Agad namang tumalima ang bartender.

Hindi naman ako maglalasing ngayon. Basta gusto ko lang uminom. Hinugot ko ang cellphone ko at tinawagan ang mga kaibigan para ayaing uminom dito sa bar. Sana payagan sila ng mga asawa nila. Pero sa apat na tinanong ko ay isa lang ang umoo, si Lex. Ang tatlo kasi ay hindi pinayagan ng mga asawa dahil linggo ngayon at bukas ay papasok pa daw sa trabaho.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon