chapter 15

25.8K 708 123
                                    

Maggie

TAWA KAMI ng tawa nila Lili at Kokoy habang nagkukwento si Anthony ng mga kalokohan nila ng mga kaibigan nya. Nasa labas na kami ng school at kumakain ng kwek kwek at fishball. Pinagtitinginan na nga kami ng ilang estudyante pero wala kaming pakialam.

"Next time gala tayo o. Sa Sunday ano? G?" Aya ni Anthony sa amin.

"Sige gusto ko yan!" Excited na sabi ni Lili.

"Ako din!" Segunda pa ni Kokoy.

"Eh ikaw Margarette?" Untag sa akin ni Anthony.

"Sige ba! Pero magpapaalam muna ako sa ate at kuya ko." Nangingiting sabi ko. Excited na rin ako. Syempre kasama ko si Anthony.

"Tayo lang apat?" Tanong ni Lili.

"Kasama natin si Jude at Mac. Masayang kasama yung dalawang yun. Parang si Tado at Empoy." Nakangising sabi ni Anthony. Nagtawanan naman kaming tatlo.

Nakilala ko na ang dalawa nyang kaibigan na yun at may pagkakwela nga. Naging instant kaibigan din namin sila.

"Maggie."

Natigilan kami sa pagtawa at kwentuhan at halos sabay sabay na nilingon ang tumawag sa akin.

Napaawang ang labi ko ng makita si manong Dan na pababa ng kotse nya. Ang gwapo nito sa suot nitong puting button down long sleeve na nakatupi hanggang siko at nakaitim na slacks. Halatang galing sya sa opisina nya. Kunot ang noo nyang tumingin sa amin. Pero nagtagal ang tingin nya kay Anthony at tumiim ang anyo.

"Manong, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka." Seryosong sabi nya.

"Hello po kuya!" Halos bati naman ng tatlo.

Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang bahagya nyang pagsimangot.

"Hello." Labas sa ilong na balik bati nya sa mga kaibigan ko.

"Hindi mo naman sinabi susunduin ka pala ng hot mong kuya. Pakilala mo naman kami." Siko at bulong sa akin ni Lili na kinikilig pa.

"Hindi ko yan kuya no. Kaibigan lang yan ng asawa ng ate ko." Pabulong na sabi ko sa kanya.

"Wapakels, basta ipakilala mo na kami." Atat na ungot ni Lili. Nagniningning pa ang mga mata nya. Dinamay pa ang dalawa eh sya lang naman ang gustong makipagkilala.

"Ah manong, mga kaibigan ko nga pala. Si Lili, Kokoy at Anthony. Guys si Dan." Pagpapakilala ko sa kanila. Kumaway ang dalawa na parang nahihiya pa pero itong si Lili lang ang naglakas ng loob na nakipag kamay. Hindi naman sya binigo ni manong.

"Bakit sinusundo mo na naman ako?" Tanong ko kay manong na nakapamulsa na at seryoso ang mukha.

"Pauwi na ako kaya dinaanan na kita para hindi ka na magcommute. Uwian mo na di ba?"

Tumango ako. "Wait lang magpapaalam lang ako sa kanila."

Tinalikuran ko sya at lumapit sa mga kaibigan na may paghanga sa mga mata habang nakatingin kay manong. Maging ang ilang mga kapwa namin estudyante ay nakatingin din kay manong na para itong isang artista. Hindi lang nila magawang lapitan dahil napakaintimidating ng dating ni manong. Ako lang ang hindi naiintimidate sa kanya. Kutusan ko pa sya eh! Char lang!

"Guys uwi na ko, may sundo ako eh." Paalam ko sa tatlo.

Nakita ko naman ang panghihinayang sa mukha ni Anthony. "Sayang gusto pa naman sana kitang ihatid." Aniya.

Kumagat labi ako. Sayang nga. Pero nakakahiya naman nandito na si manong na nageffort pa na daanan ako kahit mukhang pagod sya galing trabaho.

"Next time na lang." Sabi ko.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon