Maggie
AKMANG TATAWAGIN ko si manong ng biglang umusad ang jeep na sinasakyan ko. Kaya tinanaw ko na lang ng tingin ang kotseng itim na lulan nito at ng babae.
Kelan ko ba sya huling nakita? Noong kasal yata ni ate Mikay. Pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kanya, hindi na rin sya sumasama kanila ate Mikay at kuya Austin paguwi sa probinsya. Hinahanap nga sya ni tatay at nanay pero sobrang busy daw sya sa mga negosyo nya ayon kay kuya Austin. Pero mukhang hindi lang sya sa mga negosyo nya busy kundi pati sa girlfriend nya. Hmp! Pakelam ko ba?
Inalis ko na sa isip ko si manong at ang jowa nya. Inaliw ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa labas ng bintana ng jeep.
Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si ate Mikay at baby Adelline sa sala na naglalaro. Ng makita ako ni baby Adelline ay agad nitong binitawan ang hawak na laruan at tumakbong lumapit sa akin.
"Tata!" Salubong nya sa akin sabay taas ng dalawang braso. Pero imbes na buhatin ay lumayo ako. Kagagaling ko lang sa labas at amoy araw at pawis. Sumimangot naman sya at nagmamaktol na.
"Mamaya na lang ikaw buhat ni tata, bihis muna si tata. Baho tata." Kausap ko pa sa kanya.
Umiling iling naman sya at nagpapapadyak pa. "Tata!"
Lumapit na si ate Mikay sa kanya at binuhat. "Sige na umakyat ka na at magpalit bago pa to tuluyang magwala."
Tumakbo na ako paakyat ng hagdan. Narinig ko na nga ang pagiyak ni baby Adelline na tinatawag pa ako. Pagdating ko sa kwarto ay hinubad ko ang bag pati ang sapatos. Kumuha ako ng damit pangbahay sa cabinet. Isang bulaklakin na short at t-shirt na puti. Pumasok ako sa banyo at naghilamos saka nagbihis. Mamaya na lang ako maghahalf bath bago matulog. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Mahinahon na si baby Adelline at balik uli sa paglalaro. Nilapitan ko sya at nakipaglaro na rin. Tuwang tuwa naman syang lumapit sa akin bitbit ang laruan nya.
"Nakapagmeryenda ka na ba?" Tanong ni ate Mikay na ngayon ay nagliligpit na ng mga damit ni baby Adelline.
"Mamaya na ate hindi pa ako gutom." Sabi ko.
Tumingin sya sa akin at ngumisi. "Aba himala, dati makarinig ka lang ng meryenda nauuna ka pa." Pang aasar nya sa akin.
Napanguso naman ako. "Kaka meryenda ko lang kasi kanina." Paglabas ng school kanina ay nagkayayaan kami nila Lili at Kokoy na mag siomai. Nakasampung piraso din ako tapos isang shawarma at float. Kaya busog pa ako.
"Ah kaya naman pala, akala ko naman nagdyidyeta ka na." Natatawang sabi pa ni ate.
"Anong dyeta te, di ko alam yun." Nakangising sabi ko. Kahit nagdalaga na ako at magbago ang lahat sa akin, ang hilig sa pagkain ang hindi magbabago akin. Himala nga lang na hindi ako tumataba. Sumabay din ang katawan ko sa edad ko. Naggigym din naman kasi ako every weekend. May mini gym kasi dito sa bahay.
Nagkwentuhan pa kami ni ate tungkol kay nanay at tatay. Araw araw namin silang tinatawagan doon at kinakamusta. Namimiss ko na nga sila eh. Isang beses naman sa isang buwan ay umuuwi kami don. Si tatay ay umige na ang kalusugan. Nakakagalaw na sya ng maayos dahil sa regular na therapy. Salamat kay kuya Austin. Lumaki na rin ang tindahan namin at nagaalaga na ulit kami ngayon ng baboy. Salamat ulit kay kuya Austin at syempre kay ate na rin. Kaya nga pinagbubutihan ko ang pag aaral para makabawi naman ako sa kanila.
Mayamaya pa ay dumating na si kuya Austin. Agad na bumitaw sa akin si baby Adelline at tumakbo habang tumitili na lumapit sa daddy nya. Sinalubong naman sya ni kuya Austin at agad na binuhat sabay pupog ng halik sa mukha at leeg. Tumayo din si ate at sinalubong si kuya Austin. Mabilis syang hinalikan sa labi nito. Kinuha naman ni ate ang brief case at coat ni kuya Austin. Binati ko din ito. Nagharutan na silang mag ama sa malapad na sofa.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...