chapter 2

28.4K 792 121
                                    

Maggie

AWANG AWA AKO kay ate Mikay sa kalagayan nya ngayon. Nabuntis sya ng isang manilenyo. Naging katulad sya ng ibang dalagang taga dito na nakipagsapalaran sa Manila at umuwing buntis.  Pero hindi naman namin sya sinisisi. Siguro ay mahal nya yung lalaki kaya nagawa nyang ibigay ang sarili nya. 

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni ate Mikay. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya. Namiss ko sya ng sobra.

"Ate, gising ka pa?" Tanong ko at dinikit ang tenga sa pinto para pakinggan kung gising pa sya, baka kasi tulog na makaistorbo lang ako. Pero may narinig akong singhot. Umiiyak sya?

"Ate?" Kinatok ko ulit ang pinto.

"Bukas yan Maggie, pasok ka." Medyo ngongo ang boses na sabi nya.

Mukhang umiiyak nga sya!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Naabutan ko syang pasimpleng nagpupunas ng ilong at matang namumula na. Nag alala naman ako.

"Ate ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?"

Umiling sya kasabay ng luha nyang muling pumatak. Mas lalo lang tuloy akong nag alala.

"Eh bakit ka umiiyak?"

Tumingin sya sa akin at mapait na ngumiti.

"Nalulungkot lang ako." Basag ang boses na sabi nya.

Bumuntong hininga ako. Halata naman eh. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nya. Sobrang close namin ni ate at nalulungkot din ako na makitang nalulungkot din sya ng ganito. Sa aming dalawa ni ate ito ang pinakamabait at mahinhin. Opposite ang ugali naming dalawa. Kung may pagkakaparehas man kami yun ay ang pagmamahal namin sa mga magulang namin at pagiging masipag.

"I-I'm sorry.." Sambit nya at tumingin sa akin. "Binigo ko kayo."

Ngumiti ako sa kanya. "Wag mo ng isipin yun ate, hindi mo kami binigo."

Umiling iling sya habang sumisinghot. "Nahihiya ako sa inyo nila tatay at nanay. Ako na nga lang ang inaasahan nyo nabigo ko pa kayo at heto umuwing buntis." Muli syang ngumiti ng mapait.

"Ate."

"Pasensya ka na Maggie mukhang hindi ako makakatulong sa pagaaral mo. Pero wag kang mag alala maghahanap din ako agad ng trabaho sa bayan. Kahit anong trabaho papasukin ko kahit maliit ang sweldo."

"Ate, wag mo na kaming intindihan nila tatay at nanay. Yung sarili mo muna at ng baby mo ang isipin mo." Pag aalo ko sa kanya.

"Hindi pwedeng hindi ko kayo intindihan. Lalo na ang mga gamot ni tatay na ang mamahal pa naman."

Bumuntong hininga ako. "Kayang kayang itawid yan ate. Nakita mo yung tindahan natin? Malakas ang benta nun at kumikita rin talaga sa isang araw. Yung mga kakanin naman ni nanay lumalakas na din ang kita. Nagpapaorder din ako sa school pambaon ko para hindi na ako manghingi kay nanay. Sa pagkain naman natin, wala naman tayong poproblemahin dahil may mga tanim naman tayong gulay." Sabi ko sa kanya. Gusto ko lang ipaintindi sa kanya na lahat ng problema ay may solusyon.

Muli syang tumingin sa akin at ngumiti bagama't malungkot pa rin ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata. Obvious naman na hindi lang sya malungkot dahil sa wala na syang trabaho, malungkot din sya panigurado dahil sa tatay ng baby sa tiyan nya. Malamang nga yun din ang dahilan kung bakit sya umiiyak. Naku pasalamat talaga ang lalaking yun nasa malayo sya kundi yari talaga sya kay tatay.

Wala naman akong maipapayo sa kanya. Dahil ano ba naman ang malay ko sa  ganyan. Ang tanging magagawa ko lang ay samahan sya at iparamdam na may karamay sya at hindi nag iisa.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon