Chapter 26

28.3K 791 142
                                    

Dan

NAPALUNOK AKO habang nakatitig sa maganda nyang mukha. Ngayong nasa harapan ko na sya parang naumid naman ang dila ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi. Naninigas din ang katawan ko. Tangna! Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng babaeng to.

"Iniiwasan mo ba ako manong?" Mataray na tanong nya.

"H-Ha? I-Iniiwasan? Oo -- I mean hindi! Hindi kita iniiwasan!" Nauutal pa ring sabi ko.

Lalong tumaas ang kilay nya at nanghaba ang nguso. Shit! Ang ganda nya!

"Talaga lang ha? Eh bakit ka nagmamadaling umalis kanina nung makita mo ko?"

"Ha? Nakita ba kita? Ngayon lang kita nakita. Nakita mo naman nagulat ako. Saka nagmamadali ako kasi ihing ihi na ko." Palusot ko.

"Sinunaling! Huling huli ka na nagdedeny ka pa." Sabay irap nya sa akin ng matalim. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mata nya. Naguilty naman ako.

Bumuntong hininga ako. "Oo na, sinungaling na ako."

Muli syang tumingin sa akin na nakataas pa rin ang isang kilay. "So inaamin mong iniiwasan mo ko?"

Hindi ako sumagot at marahan na lang tumango sabay hilot sa batok.

"Tss. Kelan ka pa dumating dito sa Pilipinas?"

"Last month lang."

"Last month ka pa dumating pero hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Ni hindi mo man lang siniseen yung mga chat ko sayo. Mabuti pa nga si Danie naaalala mo eh. Ako hindi. Talagang kinalimutan mo na ako." May halong tampong sumbat nya sa akin.

Napalunok naman ako. "Sorry.. Busy lang kasi ako."

"Huu busy. Inamin mo na nga kanina na iniiwasan mo ko eh."

Bumuntong hininga ako at pinapormal ang mukha. "Eh ano naman kung iniiwasan kita."

Suminghap sya at nawala ang katarayan sa mukha.

"Ano naman ngayon kung iniiwasan kita? Hindi ba mas pabor sa'yo yun? Walang kokontra sayo. Walang asungot sa inyo ng boyfriend mo. Dapat nga magpasalamat ka sa akin eh dahil nageeffort akong -- "

"Anong boyfriend pinagsasabi mo dyan? Wala akong boyfriend." Asik nya sa akin.

Ako naman ang natigilan sa sinabi nya at napaawang ang labi.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko wala akong boyfriend. Saan mo ba nakuha ang balitang yan?"

"Wala kang boyfriend? Hindi ba kayo nung Tommy?" Naniniguradong tanong ko. Pero ang puso ko ay tila tumatalon na sa tuwa.

"Anong Tommy? Anthony. Hindi ko sya naging boyfriend dahil hindi ko sya sinagot."

"So.. wala ka talagang boyfriend?"

"Wala nga! Paulit ulit. Pero siguro magboboyfriend na rin ako. Sasagutin ko na ang isa sa mga manliligaw ko. Tapos ikaw, hmp! Iwasan mo ko hanggang gusto mo. Lakompake! Tse! Dyan ka na!" Asik nya sa akin sabay at winasiwas pa ang mahabang buhok bago nagmartsa paalis.

Ano daw? Magboboyfriend na sya? Hindi pwede!

"Maggie wait!" Habol ko sa kanya. Pero binilisan lang nya ang lakad nya. Malalaki naman ang hakbang ko hanggang sa naabutan ko sya. Hinawakan ko sya sa braso.

"Ano ba!" Asik nya sa akin sabay piksi sa brasong hawak ko.

"Wait lang kase."

"Di ba iniiwasan mo ko? Bakit may pahabol habol ka at pawait-wait lang?" Mataray na sabi nya.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon