Maggie
"AY JUSKO! Camilla anak!" Natatarantang dinaluhan ng ginang si Camilla na nakabulagta at tulog. Lumapit naman ang ibang naroon at nakiusyoso.
"Ay nakatulog."
"Buti nga. Matapobre eh."
"Bagay lang yan sa kanya. Masama ugali."
"Wala pala sya eh."
"Dapat pati yang matapobreng nanay inumbagan din eh."
Mga komento ng mga naroon. Lumapit naman si ate Pinky at ibang mga crew ng coffee shop para saklolohan si Camillang nakabulagta.
"Omg ka baks! Pinacquiao mo si Mystica." Bulalas ni Lily ng makalapit sa akin.
Doon naman ako tila nahimasmasan sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang pananakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok kay Camilla. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakabulagta. Dapat sampal lang yun eh. Di ko alam bakit naging suntok.
Kinakabahang nilingon ko si Lily. "B-Baks hindi ko sinasadyang masuntok sya. Dapat sampal lang yun eh."
"Dapat naman talaga suntok baks. Bruhang babae yan eh. Buti nga sa kanya. Galing mong sumuntok." Pabulong na sabi niya na tuwang tuwa pa.
Napangiwi naman ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdan. Matutuwa ba dahil nakaganti ako o maaawa kay Camilla dahil nakatulog sa suntok ko.
Napalunok ako ng bumaling sa akin ang ginang na galit na galit. "Walanghiya kang babae ka! Anong ginawa mo sa anak ko?" Galit nyang sabi at tumayo at akmang susugod sa akin.
"O misis, hanggang dyan lang kayo. Gusto nyo bang matulad dyan sa anak nyo? Dalawa na kayong makakatulog dyan." Pigil at banta ni Lily sa ginang.
Natigilan naman ang ginang at napaatras at muling nilapitan ang anak. Napakagat labi naman ako. Medyo nagaalala na rin ako dahil hindi pa nagkakamalay si Camilla. Lumapit ako.
"Wag mong lalapitan ang anak ko! Baka saktan mo naman sya!" Singhal sa akin ng ginang.
Wala na akong nagawa kundi umatras na lang. Hinawakan naman ako sa braso ni Lily.
"Wag mo na ngang lapitan yang mag ina na yan. Hayaan mo sila. Deserve nila yan." Ani Lily.
"Tumawag na ako ng ambulansya ma'am. Any minute ay paparating na sila." Sabi ni ate Pinky sa ginang.
"Bakit ambulansya lang? Dapat tumawag din kayo ng pulis. Ipapakulong ko ang babaeng yan sa ginawa nya sa anak ko!" Galit na sabi ng ginang at dinuro pa ako.
Sabay naman kaming napasinghap ni Lily. Binalot naman ako ng kaba at takot. Humawak ako kay Lily at nataranta.
"B-Baks, ayokong makulong." Natatakot na sabi ko.
Nagaalala namang tumingin sa akin si Lily. "H-Hindi naman siguro, hindi naman ikaw ang nauna eh."
Napalunok ako. Mabilis ang ang tibok ng puso ko sa kaba.
Pero makalipas lang ang wala pang limang minuto ay dumating na ang ambulansya pati police mobile..
"Sumama na lang po kayo ng mahinahon ma'am." Sabi ng isang pulis sa akin at hinawakan na ako sa braso.
Natatakot at kinakabahan na nagpalinga linga ako. Maraming taong nakatingin sa akin. Yung iba may simpatya sa kanilang mukha ang iba naman ay nakiusyoso lang at vinivideohan pa ako. Nakita kong inutusan ni ate Pinky ang mga crew na sawayin ang mga kumukuha ng video. Muli akong napatingin sa pulis na humihila sa braso ko.
"Ma'am sumama na po kayo para hindi na tayo pagpiyestahan dito." Sabi ng isa pang pulis.
Lumingon ako kay Lily na nasa tabi ko. "B-Baks ayokong makulong." Naiiyak na sabi ko.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma
General FictionNaniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman ny...