"Nothing, River. I already inform Coach Galvez that our seniors will be having a welcome party for the three of us. Thiago, you, and I."
"What about it?" I asked.
"Hindi tayo maglilinis sa Friday at dahil doon sa Friday na rin tayo matatapos bilang pamalit sa araw."
"Okay." I simply replied. Seryoso lang itong tumingin sa'kin na parang may gusto siyang malaman at itanong kaya lang ay parang pinipigilan niya ang sarili niya. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at itinuon na ang aking pansin sa paglalakad.
Malapit na ako sa lugar kung saan ako liliko para makadiretso na ako sa dorm pero hindi ko ito ginawa. Ayaw kong malaman nila na nandito lang ako sa loob ng campus nakatira dahil ayaw ko na unang magpaalam at ako ang maging sentro ng atensiyon nilang lahat. Kaya kahit gustong-gusto ko nang umuwi ay mas pinili ko na lumabas na rin ng gate. Siguro ay sa labas nalang din ako kakain ngayong gabi nang sa gayon ay hindi na ko mag-asikaso pa ng kahit ano sa dorm.
Nang kalaunan ay isa isa na silang nag-alisan dahil sa nakarating na kami sa daan na maghihiwalay sa parking ng eskwelahan at sa paglabas ng gate pero bago pa man umiba ang daan namin ay nagpaalam na ang mga ito. Tango lang ang ibinibigay ko sa kanila, pero may isa talagang tao na gagambala sa'kin at wala na ata akong magagawa na kahit ano ro'n.
"Kiss mo ko, wala tayong practice bukas kaya mas kaonting oras lang tayo magkakasama." Si Pierre na seryosong nagsalita sa harapan ko habang ang iba ay nagpapaalam sa isa't isa. "O kali man ay hatid nalang kita ngayon sa inyo. Pili ka."
Hindi ko ito pinansin at nilagpasan nalang silang lahat kahit nagpapaalam pa ang iba. Sumunod ito sa'kin nang nangungulit pa rin, pero kahit anong salita niya ay hindi ko na pinapansin dahil sa pagod sa mga maghapon na ginawa ko.
"Pansinin mo naman ako, River. Kanina pa ako salita nang salita rito."
Tumigil ako at hinarap ito kahit na ayaw ko sana at hayaan nalang ito hanggang mapagod, kaya lang ay parang hindi mangyayari iyon. "Pierre, kahit ngayon lang ay hayaan mo na akong mag-isa. Napapagod na ako kaya wala na akong lakas para makipagbangayan sa'yo."
'Yung ngiti na lagi kong nakikita ay napalitan ng seryosong ekspresiyon. "Sige, River. Bukas nalang ulit. Message nalang kita para sabay natin na linisin ang locker. Ingat ka sa pag-uwi mo." Saka nito ibinalik ang ngiti at umalis na.
Nilingon ko ito at doon ko nakita kung papaano ito paatras na naglalakad nang sa gayon ay matanaw niya pa rin ako hangang sa makaliko ako palabas ng gate. Itinaas nito ang kaniyang kanang kamay sanhi nang muling pagpapaalam sa'kin.
And that's when my thoughts went on chaos again as much as I want to smile on him just like how I always smile on people in Manila, I chose not to. Not this fast. I won't let you inside my walls immediately because I might regret it sooner or later.
Just like the others, I gave him a nod and after that I turn my gaze back in what's ahead and start walking again.
Today is Thursday and I am on my last period of class when a message pop through my cellphone in my pocket. As much as I want to see who and what it is, I chose not to as I let myself focus on my last subject for this day.
Throughout the day, I am always with the three, Kayden, Jayden, and Chloe. I'm sharing the usual things to them about me and it is a good thing because they are not forcing me to. Ang gusto pa nga nila na tatlo ay makilala ko ang iba pa nilang kaibigan sa Architecture department at sa tingin ko ay magugustuhan ko 'yon dahil sa kaonting oras na nagkakasama kami ay sa palagay ko ay hindi naman ako ipapahamak ng mga ito.
"Tara na at sumama ka sa'min kumain sa labas ngayon. Kanina pa rin kami hinihintay ng mga kaibigan namin." Si Kayden.
"Next time nalang, may gagawin pa ako." Paliwanag ko.
"Bukas dahil Friday! Party tayo."
My eyes lighten up knowing how I miss going to clubs, but it all went down when I remember that I should behave and fix myself since it is all the reason why I am in this place. Dagdag pa na bukas ang welcome party para sa amin na mga freshmen kaya minabuti kong tumanggi at hindi nalang sumama sa kanila kahit na gustong-gusto ko.
Naglalakad na ako patungo sa gymnasium at doon ko nakita na nakaupo sa hagdan si Pierre sa labas at doon ito nag-aabang. Nang makita ako nito ay agad itong tumayo at ngumiti nang hindi nakalabas ang kaniyang ngipin.
It's really cute because just like what I've said before, this man's features is really admirable. And this is the first time that I saw him like that because all the time that we spent together, his smiles are always wide where all of his teeth are almost showing up together with his eyes disappearing.
"Hi." Bungad nito nang tuluyan akong makarating sa kaniya.
"What?" Tugon ko.
"A little hi will do, River."
"We aren't Nick and Charlie. Dream on!"
"That's okay. Our story will be much more different. Let's go?"
The longest hour came into my life. Bukod sa pagod sa linis at sa basketball practice kanina ay pagod din ako sa daldal ng kasama ko. Noong unang mga minuto na magkasama kami ay tumutugon pa ako sa lahat ng kaniyang mga sinasabi kahit puro pambabara at pamimilosopo lang ang ginagawa ko. Kaya lang ay nang tumagal ay talagang hindi ko na kaya na kahit ang pagbuka ng bibig ko ay masyado nang nakakapagod kaya hinahayaan ko nalang ito na magkwento nang magkwento kahit pa wala naman na akong gaanong naiintindihan.
"I have three other sibling, River. I am the first among all of them. The other one is in the same year as ours. His name is Milo. The other one is Bear Brand."
Napalingon ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala sa pangalan na sinabi nito. Milo is acceptable, but bear brand? Oh, come on!
"If you can see your face, River!" Saka ito tumawa nang napakalakas dahil sa naging reaksyon ko. "I'm just joking. The Milo one is real. It came from Miko Lorenzo. He's full of shit, but he's closest to me since are on the same age. Then Vladimir, the third one. He's still on high school and he's somehow like you. Introvert, grumphy, but he's only like that with other people naman kaya it is not a problem. Then, Leon is our bunso. He's just a typical seven year old kid, makulit at madaldal. Ikaw, may mga kapatid ka ba?"
Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ko nalang ang paglilinis ko. For so long, I have been longing for a sibling or two, but my Dad had undergone some series of chemotherapy since he was a cancer survivor. I am suggesting that we should adopt, but my grandparents are not fond of that, that's why instead of adopting para lang mapagbigyan ako ay linggo linggo kaming pumupunta sa mga charity noong bata pa lang ako para lang kahit papaano ay magkaramdam ako ng pagkakaroon ng kapatid. Natigil nalang ito nang makilala ko na 'yung mga kaibigan ko sa Manila.
"It's okay if you don't want to talk. Opening up takes a lot of courage and time. I can wait, River."
"Too bad I won't tell anything to you." Napanguso ito at ipinagpatuloy nalang ang paglilinis. Natapos ang isang oras at doon ko napagtanto na wala akong dalang kahit ano, even water. Sarado na rin ang canteen dahil alas siyete na ng gabi. Malapit lang naman ang dorm ko kaya siguro ay titiisin ko na ang gutom ko para deretso hapunan na ako. Inaayos ko na ang gamit ko nang biglang may iniabot sa'kin na pagkain si Pierre.
"Here, River. Gusto ko sana na kanina pa ibigay kaya lang ay parang wala lang sa'yo nung sinabi ko dahil masyado kang focus sa paglilinis. Natunaw nalang 'yung yelo ng kape at hindi na rin mainit 'yung pagkain."
"Thanks, but I can buy my own." Then I continue fixing my things.
"Kakainin mo 'to o kakainin mo ko? Mamili ka."
"The fuck, Pierreson?!" I exclaimed. Aamba palang ako ng suntok ay agad na nitong napansin ang gagawin ko kaya mabilisan itong tumakbo dala ang mga pagkain na binili niya at ang bag na nasa likuran nito.
Nadatnan ko itong nakaupo sa hagdan sa labas ng gymnasium habang kumakain. The sky is already dark and every lamps on the school are already lightened up. The crickets are chirping and the air is already cold.
As much as I want to go back into my place, my body refused to do it and sit beside him because of how peaceful the ambiance is. Walang tao sa paligid, tahimik lang hindi gaya kapag may araw na puno ng ingay ang bawat sulok ng campus.
"Eat with me, River. Sayang ito kung walang kakain. Maraming tao ang nagugutom." That convinced me to eat the take-out he took from a known international coffee shop.
For the first time since the day our worlds collide, no one dared talking. We are just both silently eating the meals that he bought and that's when I realized that maybe it is not the ambiance where I am having peace with, maybe it is him.
I don't have any idea with what I am feeling right now because every little thing is foreign to me. All I know is that I will always crave for this kind of emotion, for these kinds of moment to happen in my life.
And I don't care if it is him.
---
Stream Midnight by T.S. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/318770421-288-k1047.jpg)
BINABASA MO ANG
The Light of Midnight (BxB)
RomanceIllumination Series #3 (On going) River Valentino Alvaro came from a well-known family of politicians. He will always have the privilege of getting all the things he wants in his life, except a good and loving family. He always wondered what it was...