Chapter 31

48 3 0
                                    

The whole afternoon I did not talk to River. I am just watching him, but not to the extent where I am really that obvious. Ito ang ipinangako ko sa kaniya at sa mga magulang niya kaya iyon ang gagawin ko. Bukod pa ro'n ay gusto niya rin naman 'yung ganito, 'yung hindi kami nagpapansinan.

Siguro ay dahil nagkakagusto na siya kay Inno? Simula nang dumating kami rito ay lagi na silang magkadikit. Kaya rin siguro noong mga nakaraang araw ay laging tutok ito sa telepono at may katawagan. 

E ano bang pakialam ko? Kahit pa maghubaran sila sa harapan ko ay wala lang naman sa 'kin. Ngayon ngang magkatabi sila sa iisang sun lounger ay may sinasabi ba ako? Wala naman. Kaya bahala na sila. Maayos na rin iyon para hindi na ako mag-isa sa pagbabantay kay River. Baka nga makiusap pa sila sa akin na tigilan ko na ang pagbabantay kay River dahil nandoon naman na ang nobyo nito. 

Ayos 'yon, mas may rason siya para lumaban. Ilang araw nalang din naman ay magsisimula na muli ang treatment niya at babalik na ang mga magulang nito. 

"Can you come with me? Babalik ako sa hotel para magpahinga tapos balik ka nalang dito dahil nakalimutan 'yung camera." Si River.

"Bakit hindi si Inno ang ayain mo? Bakit kailangan na ako?" 

"Nakatulog na kasi si Inno ro'n" Sabay turo sa sun lounger na hinihigaan nila parehas. Sobrang komportable huh? "Di bale nalang, Pierre. Pasensiya ka na." 

"Tara na, mapapagod ka pa niyan dahil pabalik balik ka." Saka ako tumayo sa kinauupuan ko.

"Hindi na kay Inno nalang ako magpapasama." 

"Eto na nga, tinatanong lang kita pero ako ang sasama sa 'yo." 

"Si Inno na nga!" Pagtaas ng boses nito. "Susungitan mo pa ako baka sapakin kita d'yan." 

"Anong masungit doon?" Nagtataka kong tanong dito. "At puwede ba? Huwag nga tayo magtalo, ang liit liit na bagay nito, River." 

"Bakit ako ba ang nagsimula? Ikaw itong kanina pa masungit. Pasensiya ka na ha at naisama ka pa rito. Hayaan mo pag-uwi natin hindi ka na obligado na samahan ako. Ewan ko rin kasi sa 'yo kung bakit ka pumayag, laki siguro ng pera." 

"Can you stop accusing of that I am only doing this for money? I did not take it for your information, River." 

"Then why are you really here, Pierre?" 

"Because I care for you." Mahinahon kong sabi sa kaniya. "Tara na, pasensiya ka na kung nasungitan kita. Susubukan ko na hindi na maulit." Saka ko ito tipid na nginitian

"Si Inno nalang." Hindi na niya hinintay pa ang tugon ko at tumungo na kay sa kaibigan. Nanatili lang akong nakatingin dito hanggang sa tuluyan na silang makaalis sa paningin ko. 


The night came and we are at the private room of the resort. Dito namin naisipan na gugulin ang gabi at mag-inuman para hindi kami makaabala sa iba pang bisita sa resort. Everything is ready, the drinks, the foods, and even the videoke where Dexter is now singing. Maliit lang ang silid, sakto lang para sa amin. Nakaupo kami sa isang mahabang u-shape sofa kaharap ang videoke at ang lamesita na puno ng pagkain. Ako ang nasa dulo at katabi ko si River na nakikipagtawanan muli kay Inno. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanilang dalawa habang ang tatlo ay nag-aagawan sa mikropono. 

"Shot pa, Pierre!" Si Kaiah. "Minsan lang ito! Sa susunod na celebration ay ang paggaling na ni River." 

What she said made me loose my control, because I am craving for that to happen. River finally being free from everything. Hindi ko na namalayan ang oras at kung ilang baso na ang nainom ko. Ang tanging sigurado ako ay sa kung papaano ako nagagalit dahil hindi na kinakausap muli ni River. 

Ito naman talaga ang usapan namin. Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari. Pero hindi ko talaga alam kung bakit iba nalang ang pakiramdam ko gayong para naman sa kaniya iyon. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako narito hindi ba? That I really care for him.

Is it the only reason why? I hope so. There's not much to think about it anyway. 

Inno is now with him, but that doesn't stop me from doing my duties, right? It's past two now and River should be sleeping. Why the fuck is he still talking to Inno? Give me some time naman, bro, kanina ka pa kay River, ako naman! 

What I am thinking made me smile. The fuck I am talking about? I am clearly done with River for fucks sake!  So why am I craving for him and his attention right now? I am just drunk. You're just drunk, Pierre. And you'll regret this tomorrow. 

I looked around and saw that Kaiah and Sofia are now sleeping beside each other while Dex is still on the karaoke. And when my gaze went to Inno and how his head is leaning on River, I did not think twice. I stand up and get the hands of River who's still wide awake. 

"It's already two. You should be sleeping. Come on now and help me go back to our room." I said as I forced him to stood up which he did. Inno fell to the sofa and continue sleeping. 

"Ano na naman ang problema mo? Puwede mo naman sabihin nang maayos, Pierre." 

"I know, but I can't help myself especially when Inno is leaning on you. Let's go now, River." 

"I won't. Tutulungan ko pa si Dexter mag-akyat sa mga 'to." 

"What about me?" I asked. 

"You can do it yourself, Pierre. You're drunk, but I know that you can walk straight. Sanay ka naman hindi ba?" 

"No, River. Help me first then I will think if I will let you go back and get them. I am your obligation now. Dexter and the staff can do it, River." 

"Stop it, Pierre. Tigilan mo 'yang mga sinasabi at ginagawa mo. Nag-usap na tayo tungkol dito hindi ba?" 

"Oo, pero wala ba akong karapatan na humingi ng tulong sa 'yo? Kahit ngayon lang."

"I'll tell Dexter to..."

"I want you putang ina. Nakanino ba ako, River? E 'di sana sa kaniya ako pumunta kung gusto ko sa kaniya magpatulong." Muli akong naupo sa sofa dahil sa hilo na nararamdaman. I close my eyes and lean to the back of the sofa. Hinilot ko ang pagitan ng mga mata at nagsalita. 

"Just back to the room, River. I'm sorry I can't help it." Pagpapatuloy ko. "Hindi ka dapat nagpupuyat, masama sa 'yo 'yon. I'll help myself or ask Dexter, just go rest."

Hindi ako nakarinig ng tugon mula rito. Naramdaman ko nalang ang marahang paghawak niya sa kanang kamay ko at inilagay iyon sa kanan niyang braso. His right hand stayed holding my hand that's on his shoulder while his left hand is on my waist. And for some reason, that made me smile like idiot. Fuck it. 

"We'll go now, Dexter. I'll ask the staff to help you." 


We are now walking our way towards the room. We are both silently walking to it as the sound of the waves are crashing the shore with the crickets chirping and the wind's blowing our faces.

"I don't know why I'm here, River. I really don't know." I said out of nowhere. "Yeah, I care for you, but that's not really enough for me to live with you and support you as you heal." I heave a sigh. "I know that there's still something in me, but I don't what that is. I know that I got over you and I've moved on, but fuck it. I'm getting angry and sad when you're not talking to me and your whole attention is on Inno." I continued. "Kaya nang makita ko na nakasandal siya sa 'yo..."

"Stop it, Pierre. Just stop."

"Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko dahil gano'n tayo noon."

"Tama na, Pierre, please? Tama na..." Binitawan niya ako at isinandal sa bakal na barandilya ng hallway. "Tama na, hindi ko na alam ang gagawin ko, Pierre. Lasing ka at ayaw kong umasa sa mga sinasabi mo." 

"Yeah, I'm really drunk, River. Pagsisisihan ko ang lahat ng ito bukas." Tinignan ko siya at doon ko nakita kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Totoo ang sinabi ko, pagsisihan ko ang lahat ng ito bukas dahil hindi naman ata talaga ganito ang nararamdaman ko. Na kaya ko lang nasabi ang mga ito dahil sa lasing ako. "Wala naman na kasi talaga, River. Ewan ko ba, hindi ko na rin alam." Then I look straight in his eyes.

"Tara na sa loob, Pierre. Tigilan mo na 'yang mga sinasabi mo at sundin mo nalang kung ano 'yung napag-usapan natin, just don't care about me too much. Let's just be civil with each other and don't keep my hopes up. Lasing ka lang, hindi mo alam ang sinasabi mo." 

"Tama ka, River. Lasing lang ako at hindi ko alam ang sinasabi ko."



---
Hello! I don't know if I can update in the following days or weeks, just some acads stuff. I hope that you will understand. And by the way, the name of Pierre's brother is pronounced as "May-Lo", the drink, not "Mi-Lo" na Tagalog lang hahaha. I just realized it few days ago.

Thank you!

The Light of Midnight (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon