Sorry on what happened earlier." Pierre said with full of sincerity in his eyes. Thiago is on his back alongside with James, Kyle, and Jacob.
Tango lang ang ibinigay ko rito at agaran na akong tumalikod para makauwi na rin at makpagpahinga. Masyadong inubos ni Pierre ang lakas ko ngayong araw dahil sa mga bagay na ginagawa at sinasabi niya. Dumagdag pa ang practice na nangyari kanina. Buti at wala pa rin kaming klase gaano kaya kahit papaano ay hindi naman gano'n kabigat sa'kin 'yung mga gagawin pag-uwi ko.
Natulog lang ako sandali at doon ko na sinimulan ang mga gawain ko. Kahit papaano ay nakakaadjust na ako sa bagong lugar na ito, hindi ko pa nga lang ito nalilibot. Siguro ay kung magkakaroon ako ng panahon sa Sabado o kahit bukas dahil paubos na rin ang stocks ko rito.
Nasa ikalawang oras pa lang ako ng pag-aaral nang biglang tumunog ang notification ng aking telepono. Doon ko nakita ang mga sunod-sunod na mensahe ng aking kaibigan.
"Dude, how's your day?" Si Dex. We are taking the same course alongside with Kaiah, Sofia, and Inno. Tanging ako lang ang nahiwalay dahil sa itinapon ako rito sa Bataan.
"It's good. Dito na rin kayo mag-aral." I replied.
"If it is that easy, River. We miss you so much." Si Kaiah.
The conversation went on and on until I realized that it is already twelve in the evening and I have not continued studying.
"See you sa sembreak. Uuwi ako ng Maynila" The last message I sent to them before I went to my bathroom and took a bath.
As I am doing my night routine, a pop of notification went into my phone again and saw that Pierre sending a friend request.
"Manigas ka d'yan." I said right after I deleted the friend request.
Hindi ko pa naibaba ang aking telepono nang biglang may unknown number na tumawag sa'kin. I have a hint who it is, but I still chose to answer the phone because I might be wrong and it might be an emergency.
And I was wrong.
"Bakit hindi mo in-accept ang friend request ko?" Bungad na sabi nito nang masagot ko ang tawag.
"Ayoko." Maigis kong sagot.
"Siguro mas gusto mo na higit pa ro'n? Payag ako, River."
"Kapal mo." Then I ended the call.
I put it on silent and continue my night routine. I only checked it when I already lay myself on the bed so, I can fall asleep easily. Nakita ko na nasa halos fifty missed call ang narito at lahat ng iyon ay galing kay Pierre base sa unahan ng numero na natandaan ko kanina. Ano bang problema niya at hanggang ngayon ay hindi niya ako tinitigilan?
Sinagot ko muli ang tawag nito nang hindi ko na matiis kung gaano ako nito iniistorbo sa pagtitingin sa social media ko.
"Hindi ka ba marunong makahalata?" Bungad ko.
"Hindi." Aniya pagkatapos ay tumawa. "Accept mo na kasi ako. Sige na, please." Pagmamakaawa nito.
"Ayoko nga sabi, ano ba ang mahirap intindihin doon?"
"Wala..." Tanging nasabi nito.
"Iyon naman pala e, bakit nangungulit ka pa rin? Sinusubukan kong magpahinga pero hindi ka pa rin tumitigil. Nakakailang end na ako ng tawag pero sige ka pa rin sa pangungulit. Ilang taon ka na nga ulit? Kasi para kang bata!" Matapos kong sabihin ito ay agad kong hininto ang tawag at pinatay na ang telepono para sa gayon ay makapagpahinga na ako kahit hindi pa ako dinadapuan ng antok. Wala namang patutunguhan kung hihintayin ko pa ang tugon nito at baka mas lalo lang din akong mainis.
Sumapit ang umaga nang masama ang gising ko dahil sa hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Mabilisan nalang ako na nag-asikaso dahil konting minuto nalang ay huli na ako sa una kong klase. Nang makarating ako sa aming silid ay nakinig na lang ako para kaonti nalang ang aaralin ko mamaya. Dinadaldal pa ako ng kambal ko na kaklase pati 'yung isa pang babae na kasa-kasama nila. Tumatango nalang ako at ngumingisi nang kaonti para lang kahit papaano ay hindi sila mapahiya dahil mababait naman sila. Siguro kung hindi ako puyat ay baka nakipagkwentuhan pa ako.
"See you bukas!" Sabay na paalam ni Jayden at Kayden? Hindi ako sigurado dahil narinig ko lang din ang pangalan nila doon sa Chloe.
Tango at tipid na ngiti ang iginanti ko sa mga ito at agad na akong dumiretso sa gymanasium para sa practice. Wala pa man din ako sa kalahati ng paglalakad ko tungo sa pupuntahan ay napansin ko nang may pamilyar na bulto ng katawan ang pumupunta sa'kin. Kung minamalas ka nga naman.
Nakangiti pa itong kumakaway kaya ang ginawa ko ay agad na umiba ng daan at hindi ito
pinansin. Bahala ka na magmukhang tanga d'yan."River Valentino Alvaro!" Sigaw nito. Lumingon ako sa likod at nakitang malapit na ito sa'kin kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumuko at harapin kung ano mang nilalang itong si Pierreson.
"Ano ba iyon? Ang ingay ingay mo!" Agad na bungad ko rito nang maabutan ako.
"Sabay tayo sa pagpunta?"
"Nagtanong ka pa na parang may magagawa pa ako." Inirapan ko ito na ikinatawa niya at sumabay na sa aking paglalakad. Imbes na mapabilis ang oras na magkasama kami ay mas lalong pang tumagal dahil sa pag-iba ko ng daan kanina.
"Gagawin ko ang lahat, River i-accept mo lang ang friend request ko."
"Layuan mo ako, tapos 'wag mo akong kakausapin."
"Maliban d'yan."
"Edi hindi kita ia-accept."
"Edi hindi kita titigilan."
"Iba nalang kasi ang gustuhin mo! Nanahimik ako rito, 'wag mo akong guluhin."
"Puwede ba 'yon? Kung ako lang din ay gagawin ko 'yon dahil bago lang sa'kin ang ganito. Ikaw ang unang lalaking nagustuhan ko kaya mahirap sa'kin ang lahat dahil lumaki ako na sa babae lang nagkakagusto noon."
"Subukan mo kasi! Wala ka namang mapapala sa'kin, Pierre."
"Huwag mo kasing pangunahan, ikaw ba ang nagkakagusto? Hindi naman 'di ba?"
"Ayos na nga sana kung gusto mo lang ako. Wala namang kaso 'yon, kaya lang ay sobra ang kulit mo! Dalawang araw palang tayong nagkakasama pero pagod na pagod na ako sa'yo."
"Kaya pa kitang pagurin sa ibang bagay. Gusto mo ba?" Sabi nito at seryosong tumingin sa'kin. Nanlaki ang mata ko dahil sa nasa isip. Hindi ko maisip ang sarili ko na ginagawa ito sa kaniya lalo pa't puro inis ang nararamdaman ko rito. Agad na kumilos ang kamay ko at sinapak ito nang malakas sa braso. "Aray ko!" Agad nitong reklamo.
Iniwan ko ito at hinayaan nang mag-isa habang ako ay lakad takbo ang ginagawa huwag ko lang ito makasama. Fifteen minutes late na kami sa practice kaya hinayaan ko na siya na mag-isa. Ayaw ko nang napapagalitan kaya hangga't maari ay inaawasan ko ang mga bagay na magtutungo sa'kin doon.
Nang makapasok ako at ang panget na nasa likod ko ay napunta sa'min ang lahat ng atensiyon. Naghahanda na silang lahat para sa practice game ngayong hapon. Agad akong lumapit sa aming mga Coach para manghingi ng tawad.
"Pasensiya na po Coach dahil late ako."
"Sorry po, Coach." Sabi pa ng isa.
"That's okay, but I won't tolerate this kind of attitude. Ang dismissal niyo na dalawa ay kanina pa. Kaya I will give you both a punishment."
"I'll accept it Coach whatever it is." Si Pierre.
"Same goes with me po." Dagdag ko.
"Starting tomorrow, Thursday, you'll both clean the locker room for an hour for a whole week. Just the two of you. Do you copy?"
"Copy, Coach." Sabay na sabi namin na dalawa.
The practice had already ended. It's already six in the evening which is the usual time where we will go home. It really sucks knowing how I will now come home at seven in the evening for the whole week and the last time that I will interact with people will always be with Pierre.
Mag-isa akong naglalakad sa likuran at halos lahat sila ay nasa harapan na kasama ang aming mga coach. Somehow, I feel bad and alone knowing how I am refusing myself to enjoy what I have here because I feel miserable that I am spending time here in Bataan.
I just don't want to see myself enjoying every little good things that I can experience here. I might refuse to leave and forget the life I have in Manila because of how I feel home even when I am living by myself.
Just this time, I guess? If someone will wait and walk beside me, I might befriend that person, because I already considered Jayden, Kayden, and Chloe. A little company won't hurt.
Just as I am thinking deep without minding what's ahead, someone really did wait and walk beside me and he is the least person I want to be friend with.
"What is it again, Pierre?"
![](https://img.wattpad.com/cover/318770421-288-k1047.jpg)
BINABASA MO ANG
The Light of Midnight (BxB)
RomantizmIllumination Series #3 (On going) River Valentino Alvaro came from a well-known family of politicians. He will always have the privilege of getting all the things he wants in his life, except a good and loving family. He always wondered what it was...