"Pierre." Sabi ko matapos kong makarating sa kaniya. "Ipakilala kita sa kanila."
"Sige, River." Then he smiled and walked right next to me. Hindi ka man lang nagdalawang isip gago ka.
"Guys, this is Pierre. Pierre si Sofia, Inno, Dexter, and Kaiah."
"Hi." He said with all smiles on his face. Agad ko na itong hinatak para simulan na sana namin 'yung practice pero hindi ito nagpahatak at nagsalita nalang. "Let's just stop the practice, River. Hindi naman malalaman ni Sir kung kinumpleto ba natin o hindi."
"Bakit? Tapusin na natin, makakahintay sila."
"We've taken enough photos. That's enough. Besides, minsan lang naman nandito 'yung mga kaibigan mo."
"Are you sure?" I asked him because it is really tempting. Nakakahiya sa kaniya na ititigil lang namin ito dahil nandito ang mga ito.
"Yes. Enjoy the rest of the day, River. Mauna na ako." Tapos itinaas nito ang kamay nito sa'kin pati sa mga kaibigan ko at ngumiti. "Ingat kayo!"
"Wait!" Sigaw ni Kaiah. "Why not join us, Pierre? We're going to mall and maybe go see a movie."
"Yeah, bro. We can't be thankful enough for giving River the rest of the time that you got. So, join us. We don't mind, right?" Si Dex.
I am not in favor of them doing this, but I guess I can't do anything about it dahil nagsalita na rin naman si Pierre.
"Sure. I'll just take a bath and fix myself. Will that be okay?"
"Yes, bro. We'll see you at Pierre? Mag-aayos pa rin ito e."
Tahimik lang ako sa buong byahe at halos si Kaiah lang ang nagsasalita sa buong byahe dahil sa tuwa. Kung sana ay doon na ito sumama sa sasakyan ni Dex. Kung bakit kasi sa dami ng puwede nilang ayain ay si Pierre pa. Iniiwasan ko nga 'yung tao pero parang ayaw naman ata ng kahit sino.
"He's really cute no, Inno? Tabi kami sa sinehan ha?"
Dream on, Kaiah. You're my friend, but I am the boyfriend. No, ex. fuck!
Wala naman akong karapatan dahil ako naman ang naglagay sa sarili ko sa posiyon na ito. Kung bakit naman kasi sa dami ng puwede mong makalaban ay pamilya ko pa, Pierre?
"Oh come on, Kaiah! He's just nice, but we never really know who he really is as a person. Hindi ba, River?"
"Pierre is really nice. He always prioritize me. I mean us." Saka ako nasamid sa sinabi dahil sa pagkakadulas. "Like he always ask us if we are okay. If we already ate. Stuff like that."
"See, Inno? Hindi mo ako mapipigilan." Then she laughed.
"I'm outside your dorm, River. Hindi ako pinapapasok ng guard." Pierre texted after an hour.
"We'll meet you there. Pababa na kami."
Hindi na ako nagdala pa ng sasakyan dahil may dala naman si Pierre at si Dex. Nagdalawang isip pa ako kung kanino ako sasabay pero napagdesisyonan ko na kay Pierre nalang dahil hindi naman niya kilala ang mga kaibigan ko gaano lalo pa't mukhang si Kaiah lang ang may gustong sumabay rito. Para mabantayan ko na rin. Akmang sasakay na ako sa harapan nang bigla akong unahan ni Kaiah at ito ang sumakay rito.
"Give this to me, River. I'll buy your ticket." Then she smiled.
Dude, what the fuck? You just met the person! How come, Kaiah? You're really unbelievable.
Kuwento nang kuwento si Kaiah sa buong byahe at malugod naman itong tinutugunan ni Pierre. Kung minsan ay nakikita ko pa ito na tumitingin sa salamin at madalas ay nagtatama ang mga mata namin na dalawa, pero ismid lang ang lagi kong iginaganti rito at tumitingin nalang muli sa daan.
Nag-iikot na kami ngayon sa mall at ngayon ay nasa isa loob kami ng isang international boutique. Humiwalay si Kaiah at Sofia sa 'min dahil sa pagkakabukod ng men's section sa women's section. Ngayon ay sa'kin na ito nakatabi hindi gaya kanina na nasa unahan lang namin sila ni Kaiah at nakasabit pa ang kaliwang kamay nito sa kanang braso ni Pierre.
"What?" I asked him when he followed me on the underwear stall.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"What are you doing here? Doon ka kay Kaiah." At inirapan ito bago pumunta sa ibang stall. Sumunod ito sa'kin at agad at kunot noo agad ang nakita ko rito nang tignan ko siya.
"Are you jealous, River?"
"No! Why would I?"
"Ayaw ko lang siyang mapahiya kaya hindi ako makatanggi pero nandito na ako ngayon. Ako naman ang tatabi sa'yo. Ayos ba?"
"Stop it! Baka marinig ka nila Inno. At anong sinabi mo? Tumabi ka kung kanino gusto mo. I don't care, Pierre!" Napanguso nalang ito at muling tumingin sa mga damit na nasa harapan namin. Iniwan ko na ito ro'n at pumunta nalang sa ibang nakadisplay ng damit
Natapos kami ro'n at tinotoo niya ang sinabi niya. Sa'kin na ito nakadikit pero nasa tabi pa rin nito si Kaiah. Tuwing susubukan kong umiwas ay agad na itong nakasunod kaya wala na akong nagawa hanggang sa matapos kami sa pamimili ng damit at napagpasiyahan na naming kumain. Nakatabi lang ito sa'kin at si Kaiah sa kaniya. Sumasali lang siya sa usapan kapag tatanungin siya pero kung hindi ay madalas na nakikitawa nalang siya. Kapag tinutukso naman siya kay Kaiah ay agad na iling ang ibinibigay nito at ngiti lang.
Hanggang sa matapos kami kumain at ngayon ay nasa pila na kami ng ticket.
"Pierre, tabi tayo?" Si Kaiah.
"Okay, basta tabi ko rin si River." Then he smiled. Agad na napatili si Kaiah. Hindi man lang ako nakaapila dahil sa nangyari. Lima lang isang hilera na nasa gitna at ang parte ng kanan at kaliwa ay puro tatluhan na kaya napagpasiyahan namin na tatlo nalang sa bawat section. Si Pierre ang nasa gitna namin ni Kaiah ngayong nakaupo na kami at nasa harapan namin ang tatlo. Tatayo na sana ako para lumipat ng upuan ng biglang hinawakan ni Pierre ang kanang kamay ko at nagsalita.
"Please, River." Bulong nito.
"Ayoko nga! Kayong dalawa nalang dito."
"I'm not comfortable. Huwag mo akong iwan mag-isa sa kaniya."
"Bitawan mo ako. Bahala ka sa buhay mo." At doon na ako umalis sa tabi niya at naupo sa tabi ni Sofia.
"Oh, what are you doing here?" She asked.
"Binibigyan ko sila ng oras na dalawa." I answered. She just shrugged her shoulder and continue watching.
Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay agad kong naramdaman na may tao sa gilid ko at nagsalita.
"Something came up, guys. Family emergency. Aalis na ako." Paalam ni Pierre.
"Are they okay?" Sofia asked.
"I don't know yet. I'll update you nalang. Ingat kayo!" He replied.
"Sige, bro. Next time ulit. I hope they're okay, Pierre." Si Dex. Nagpaalam na rin si Inno pati si Kaiah na nasa tabi na nito ngayon.
Pierre is now walking out of the cinema and I don't know how and why, but I stood up and follow him outside.
---
Hello! Sorry for those people who saw the note at the end of every chapter haha. Writing it all here so I won't forget the names and what the next or the remaining chapter will be. I am not double checking it na e. I've read checked it all before na rin kasi. Thank you for your understanding.
Anyway, I will update the remaining point of view of River on Christmas Eve as a present (excluding the epilogue). Take care always! :)

BINABASA MO ANG
The Light of Midnight (BxB)
RomanceIllumination Series #3 (On going) River Valentino Alvaro came from a well-known family of politicians. He will always have the privilege of getting all the things he wants in his life, except a good and loving family. He always wondered what it was...