Chapter 5

89 3 0
                                    

I am bothered the whole time I went home. I don't know if my choices were right, but something inside me that wants to say sorry to him because of how I acted earlier. Siguro masyado lang akong nadala ng mga bagay na iniisip ko kanina kaya hindi ko nagawa ang dapat ko na gawin at tatlong oras na rin ang nakalipas simula nung magkita kami at sa tatlong oras na 'yon ay kahit isang text na nakarating na siya sa bahay ay hindi niya ginawa. 

I really push him too hard. Wala akong kakainin ngayon kung wala siya. At tang ina, hindi man lang din ako nakapagpasalamat. 

Now I know the reason why I am here because I am really a terrible person. Fuck it! 

"You home already?" I texted him right after I realized the things I've done. 

"Yeah, why?" He replied. 

"Nothing. You didn't text me." 

"I forgot." 

"Okay. Thanks for the food by the way. You're a great cook, Pierre." 

I never received a reply after that. Hindi pa ako nakakapagsorry dahil humahanap pa ako ng pagkakataon kaya lang paano ako makakahanap nito kung ayaw naman niya akong kausapin. Hanggang sa hindi ko na natiis ang sarili ko matapos ang kalahating oras ng paghihintay. 

"I am sorry for what I've said earlier, Pierre. Sorry for how I made you feel. I hope that you'll forgive me for that." 

"Crush na ulit kita." 
Ang unang reply nito. Napakamot nalang ako sa ulo at doon ko na ito napilitang tawagan. 

"Ano ba? Seryoso ka ba talaga?" Unang sabi ko nang sagutin nito ang tawag. "Huwag mo akong pinaglolo-loko, Pierreson Gabriel!" 

"Seryoso ako! Nagsorry ka naman na kaya crush na ulit kita pero hindi naman kasi talaga nawala. Gusto ko lang lambingin mo ako."

"Ewan ko sa'yo, Pierre. Hindi ko alam kung kailan ka seryoso at kailan ka hindi." 

"Seryoso lahat ng sinasabi ko sa'yo! Hindi ba mukhang kapani-paniwala?" 

"Hindi!" 

"Ouch."
Then he chuckled. "By the way, you're welcome! Dyan ako matulog sa dorm mo mamaya?" 

"May party tayo mamaya."
At talagang hindi ako tumanggi. Napakamot nalang ako sa ulo ko at doon ko ipinagdasal na sana hindi nito mamalayan. 

"Oo nga pala. Tabi nalang tayo kung gano'n." Ayoko na, babalik na ako sa Manila. "Ha, River? Tabi tayo mamaya?" 

"Oo, sige! Para namang may magagwa pa ako. Iidlip muna ako. Kita nalang mamaya." 

"Okay, love."
Saka muling tumawa, pero hindi gaya kanina na mahina ngayon ay mas malakas.   Handa na sana akong murahin siya pero nauna na itong magsalita para mapigilan ako. "Sorry po nadala." At doon nito ibinaba ang tawag. 


Humina na ang ulan at ngayon ay naglalakad na ako patungo sa sakayan ng mga tricycle dahil hindi rin naman pumayag sila Daddy na dalhin ko 'yung kahit isa sa mga sasakyan ko. And speaking of them, I already talked to them earlier. Kung hindi pa magbabagyo ay hindi pa ako rereplyan ng mga ito sa lahat ng mensahe ko. Hindi ko alam kung sinasadya nila na tiisin ako, pero sana ay hindi. Mahirap isipin na gano'n ang nangyayari lalo pa't buong puso ko naman nang tinatanggap ang lahat ng mga bagay na hinaharap ko ngayon. Wala na akong magagawa kung patuloy akong magagalit dahil hindi naman no'n mababago kung ano ang sitwasyon na mayroon ako. 

"Sakay na! Kanina pa kita hinihintay." Ani River nang tuluyan na akong makalabas ng campus. Gulat ang rumehistro sa mukha ko dahil hindi naman ito nagtetext man lang na nandito na ito at sinabayan pa talaga ako papunta sa bahay nila Jacob. 

"The fuck are you doing here?" I furiously asked. 

"I told you, hinihintay nga kita. Binilin ka sa 'kin ng mga kateammate natin. Pagdating ba sa'yo ay hi-hindi ako? Syempre hindi." Saka ito nakakalokong tumawa. "Sakay na at mag-a-alas sais na. Mahuhuli tayo." 

Tama naman siya, dahil bukod sa late na kami parehas ay mas makakatipid ako. Hindi naman ganoon kalaki ang ipinapadala sa'kin na pera hindi gaya ng pera na binibigay nila noong nasa Manila ako at isa pa, hindi ko rin alam ang bahay ng kateammate ko. 

Nasa byahe na kami at walang tigil si Pierre sa kakasalita kahit puro tipid at tango lang ang itinutugon ko. Malapit lang naman ang bahay nila kung tutuusin kaya lang ay masyado nitong binabagalan ang pagmamaneho kaya halos bumusina na ang mga tao sa likod namin. 

"River, accept mo na friend request ko." 

"Ayoko." 

"Ba't ba ayaw mo?" 

"Ewan ko." 

"River naman, friend request lang." 

"Iilang araw pa lang tayo magkakilala, Pierre." 

"E bakit 'yung mga teammates natin ay friend mo na?" 

Opps. You got me there. Wala akong naisagot sa kaniya dahil hindi ko rin naman talaga alam kung bakit. Siguro ay nahihiya lang ako sa mga kateammate namin at sa kaniya ay hindi? Ewan.

Buntong hininga nalang ang narinig ko rito at hindi na muling nagsalita pa kahit na tanungin ko ito kung bakit niya ba gustong-gusto bukod sa mag gusto siya sa'kin na hindi ko naman sobrang pinaniniwalaan. 

Nakarating na kami parehas sa bahay nila Jacob at doon kami sinalubong ng lahat ng team. Ngiti lang, apir at maiigsing tugon lang ang ibinigay ko sa kanila kahit puro tanong sila sa'kin ng mga kung ano-ano gaya ng kumusta, kung umiinom ba ako at marami pang bagay. Ngayon ko gustong hanapin iyong si Thiago dahil sa lahat ng mga tao na narito, ito lang ang medyo trip ko na ugali dahil 'yung iba ay masyadong madikit kaagad, hindi ako sanay ng gano'n sa mga taong hindi ko pa gaanong kilala. Kaya lang hindi ko ito makita at sila na rin mismo ang sumagot sa tanong ko. 

"Wala si Thiago, pare. May sakit si Tita Sol." Si James na senior na nasa last playing year na. 

"Nagpaalam naman din sa'min lahat kaya hinayaan na namin. Kayong dalawa nalang ni River ang gagawa ng initiation." Si Kyle na isang taon lang ang agwat sa'min. Tahimik lang ako na naglalakad at nakikinig sa mga usapan nila patungo sa likod ng bahay. Nasa tabi ko ang dalawang kateammate ko na si George at Albert na nasa parehas na ikatlong taon. Nakikipagkwentuhan lang ang mga ito tungkol sa mga basic na bagay sa'kin. Course, edad, kung saan nakatira, at hindi ko naman ipinagkait sa kanila ang mga iyon. 

Hindi laging maganda ang pagiging mag-isa. Kailangan ko rin piliin ang mabuhay sa hinaharap at kumilala, makilala. 

Nang makarating kami sa likod ng bahay nila Jacob ay nakita ko ang malaking pool at sa harap nito ang malaking gazebo. Doon nakalatag ang mga pagkain at iba't ibang inumin na inihanda ng mga teammate para sa'ming mga bago lang. 

"Let's party!" Sigaw ni Jacob na kabatch ni Kyle. Mabait din naman ang isang 'to, actually sila talagang lahat. Masyado lang akong overwhelmed sa mga pinapakita nila kaya hindi ako gaanong makasabay lalo pa't kakilala ko lang sa kanilang lahat. But I think that now's the time to build stronger bond with these people.

I will leave this place one of these days and I want to have a reason to come back. 

I party with all of them. I loosen myself up and try to treat them just like how I treat all of my friends in Manila. I bond with them and build conversations with everyone, but not with Pierre. I want to do it privately. That's  why, during the whole night that I have been partying with my friends/teammates, I avoided him. As much as I want to get to know him because I am more of myself when I am with him, I chose not to.

We have my remaining days to talk, Pierre. I'll make time for you. 

I am now drunk as fuck and I must admit to myself that I miss this kind of feeling. Hindi naman masama kung gagawain ko ito rito lalo pa't hindi naman ako pababayaan ng mga kaibigan ko dahil kahit sa sandali na pagkilala ko sa mga ito ay hindi naman nila ako pababayaan. 

"Time for the initiation!" Sigaw ni Henry, kabatch ni James. 

Shit. I forgot about this one! Matapos ito sabihin ni Henry, naghanda na ako sa puwede nilang ipagawa sa'min at lalo pa akong kinahaban dahil si Pierre ang makakasama ko sa kung ano man ito. 

"What are we going to do?" Pierre asked to Henry, but Jacob responded. 

"You and River will skinny dip for two hours."

The Light of Midnight (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon