Chapter 14

52 2 0
                                    

"River!" Kaiah and Sofia shouted the moment I saw them walking out of the hotel that they rented for their whole stay. 

"Hey, girls. I missed you both so much." Then I hugged both of them. Then I saw Dex and Inno getting out of the front door running towards me. Hindi ko alam kung gaano ko sila katagal na hindi na kita pero hindi na mahalaga 'yon dahil masaya ako na nandito na sila. Kahit papaano ay maipupunta ko sa ibang bagay ang mga iniisip ko. 

"Dex, Inno!" Then I hugged them too. "Kumusta ang byahe?" 

"Ayos naman, bro. Medyo traffic lang palabas ng Manila at sa mga toll gate pero all goods. We are here now!" Then the three of us hugged again. 

"Siya nga pala, may practice ako bukas ng six am. I'll send you nalang the location then we can head for lunch." 

"Sure, River. Puwede na ba kami pumunta kaagad kung wala kaming gagawin?" Kaiah asked. 

"Yeah, I'll send you the location agad once I arrived at dorm. I'll tour you all around the province on Sunday!" Natutuwang kong sabi. Pagkatapos ko silang sunduin ay tumungo na kami sa restaurant na  kakainan namin. Nakasakay sila sa'king lahat para tipid na sa gas at hindi na hirap sa parking dahil Friday ngayon at madaming estudyante ang nasa galaan. 

Alas siyete nang matapos kaming kumain. Kumustahan, tawanan, at kuwentuhan lamang ang ginawa namin sa buong oras na 'yon. Kahit papaano ay nawala ang mga bagay na iniisip ko. After eating and taking a rest, we decided to just call the night off since they are tired of travelling. Gusto pa nga nila na sa hotel nila ako matulog kaya lang ay humindi ako dahil maaga pa ang practice ko bukas. 

Tomorrow came and I literally drag myself out of my bed. Gustong-gusto ko pa matulog kaya lang ay nakakahiya kay Pierre kung irereschedule ko pa. Bukod pa ro'n ay huli na kami sa pagpapasa ng documentation kaya wala na talaga akong magagawa. 

I left the dorm at five-thirty in the morning and went to the location that Pierre sent to me. I parked my car and immediately went out of it when I saw Pierre sitting on the floor just looking anywhere. I look around and saw that the place is as good as the whole subdivision. Mukhang mayayaman lang talaga ang makakatira rito. Kaya siguro kahit papaano ay medyo malayo ang court pagdating sa mga bahay para kahit anong oras ay puwede maglaro at hindi makakabulabog ng tao. 

"Good morning, River." Pierre greeted and immediately stood up. 

"My friends will come here later. Maybe at ten? Is that okay with you?" 

"Oo naman. Wala namang problema." Then he gave me a smile. "Let's start?" 

Nagwarm-up muna kami at nagpakondisiyon ng katawan. Kumuha rin kami ng video at litrato bilang documentation namin na ipapasa kay Coach. After playing for like good 2 hours, we both decided to just take a rest. 

Naupo ako sa malapit na sementong upuan at doon ko minabuti na magpahinga habang si Pierre ay nasa kabila lang at nag-aayos ng sarili. And by just looking at him far from me and doing things on his own made a pinch in my heart. Uncertainty is now going in my way again because I really don't know why I felt this. 

Sa buong oras ng pahinga namin ay halos nasa kaniya lang ang atensiyon ko, inaalis ko lang kapag lumilingo siya sa'kin tapos ibabalik ko rin kapag lumingon na siya sa iba. Dumaan ang ilang minuto ay tumayo ito at tinatahamak ang daan patungo sa'kin bitbit ang mga gamit.

Tapos na ba kami?

"Let's eat, River. Handa na ang pagkain sa bahay."

"No, thanks! Kumain na ako bago umalis." I'm a liar. 

"I see." He said that he scratches the back of his head. "Okay lang ba na umuwi muna tayong dalawa sa bahay? Kakain lang ako  sandali kasi kanina pa ako ginugutom. Hindi naman malalaman ni Coach, River at babalik din tayo kaagad para kumuha ulit ng litrato." 

"Okay." Sana lang ay alukin ako nito dahil gutom na rin talaga ako. 

"Mom, we're home!" Pierre shouted. Nilakad lang namin ang bahay nila dahil malapit lang naman ito mula sa court. Mabuti nalang at hindi siya nangulit sa buong oras na 'yon kung hindi ay baka madamay siya sa sungit ko tuwing gutom. "Let's go sa dining, River. Pahahanda ko na kay Manang ang pagkain." 

Napakalaki ng bahay nila Pierre. Maraming kotse ang nakaparada sa labas at malaki rin ang buong bakuran nila. Kasiyang kasiya lahat ng varsity, hindi lang ng basketball, ngunit sa lahat mismo ng sports. Mayroon din silang pool at maliit na kubo sa malapit. Sa loob naman ng bahay ay halatang mamahalin ang mga muwebles. Nagkikinangan na chandelier at grand piano agad ang sasalubong sa'yo.

"I told you hindi ako gutom." Isang pilit pa Pierre. Papayag naman ako nahihiya lang ako.

"Mamili ka, ako ang kakainin mo 'yung nasa lamesa?" Ikaw syempre. 

"Ayos mo sarili mo! 'Yung nasa lamesa!" Tumawa lang ito at tumungo na kami sa hapag. Nakasunod lang ako sa kaniya sa mga oras na 'yon at nang makarating kami sa malinis at mukhang mamahalin nilang kusina nila ay nandoon ang magulang niya na naghihintay sa rito. 

Shit! I am not ready for this. 

"This is my father and mother, River." 

"Eat with us...?" A fine handsome old man said. Pierre got his mouth, other features of his face, and his fair skin on his father while the eyes and the nose are from his mother. 

"River po." After I told that nagmano ako sa kanila pati na rin sa babae na mukhang kasing edad lang ng tatay niya. 

"Great. You can call me Tito Jaime." 

"Oh, finally! I'm your Tita Dorothy." Wait? Kinukuwento ako ni Pierre sa kanila? Ipinagsawalang bahala ko 'yun at inisip ang hindi tinaggap ng nanay nito ang kamay ko na magmamano sana. Agad lang itong bumeso sa'kin, hindi alinta na galing ako sa pawis. "Pierre told me lots of good stuffs about you, son." 

Ngiti lang ang iginanti ko rito dahil hindi ko alam ang sasabihin. Agad na akong hinila ni Pierre paalis sa kaniyang nanay at naupo na sa tabi nito. Itinuon ko ang atensiyon ko sa kaniyang tatlong kapatid na lalaki na bumababa ng hagdan. Maliit pa ang isa at buhat buhat iyon ni Milo habang ang isa naman na kamukhang kamukha ni Pierre ay nasa gilid nito at nakayukong naglalakad. 

"This is your Kuya's boyfriend!" His mother cheerfully and excitedly said.

What the fuck? I don't know how to react with what Tita Dorothy said. I am looking at all of them with a disbelief on my face. Pierre immediately went into me and whisper something. 

"Sorry, 'Ver. I forgot to tell them our situation."

Will all the gestures and the warm welcome of his family, I think I can never let myself get out of him.

"It's okay, Pierre." 

"Sorry, River. Pierre did not tell us that you'll come today. Sana ay mas nakapaghanda pa kami." Si Tita Dorothy nang magsimula na kaming kumain lahat. 

"Wala po 'yon Tita. Dapat pa nga po ay magpasalamat ako sa pagtanggap niyo." Tugon ko. 

"No, River. Ito ang unang beses na magdadala si Pierre ng kasintahan niya. Kadalasan ay mga kaibigan niya lang ang pinapupunta niya rito." Si Tito Jaime. 

Nahihiyang ngiti nalang ang itinugon ko sa kanila at doon na namin itinuloy ang pagkain. Nang kalaunan ay natapos na kami sa pagkain at inaya na ako ni Pierre sa kanilang sala para ro'n magpahinga. 

"I'll tell them the situation soon, River. I'm really sorry if you felt uncomfortable." 

"They are nice, Pierre. No worries." 

Matapos namin makapagpahinga ay nagpaalam na ako sa pamilya nito at nagpasalamat dahil sa mainit na pagtanggap.

I just hope that my parents are like these. They welcome me and Pierre with full of understanding, kindness, and compassion. Maybe the world will be better if we set aside the differences, accept the things for it really is, and just show love as it covers all that. 

Naglalakad na kami ngayon pabalik ng court para tapusin ang oras na natitira. Hanggang alas dose lang naman kami ng tanghali kaya may oras pa ako maggala sa maghapon bago muli mag-aral kinagabihan o kung iinom kami ay bukas na. Uuwi lang ako para mag-ayos ng sarili. 

"We're on our way, River! See you!" A text from Sofia came. 

"Take care! See you all!" 

Nagsisimula na muli kami ni Pierre maglaro at hindi pa man din kami muling pinagpapawisan ay nakita ko na ang mga kaibigan ko na bumababa ng sasakyan at lumalakad patungo sa'min.

"River!" Sabay nilang sabi na apat. 

"Hi!" I said before turning my head to Pierre to see if he's okay for us to stop for a while. 

"Go ahead. Hindi naman malalaman ni Coach kung ano ang mga ginagawa natin." At tumawa ito nang mahina bago umupo sa upuan na malapit sa court. 

I greeted all of them and we talked for a while before Kaiah turn to Pierre and ask who he is. 

"He's cute, River. Lakad mo ako!" Seryoso nitong sabi at saka tumawa nang hindi ako tumugon. 
"Biro lang."

"Just talk to him, Kaiah." I said. She might help for Pierre to fully get away from me. Hindi ko lang sigurado kung kaya ko. "Tuloy ko lang laro namin tapos alis na rin tayo."

"It's fine, River. Take your time." Ani Inno.

"Yeah. I like the view, River. Tell him to take off his jersey!" She jokingly said. "Pakilala mo naman ako!" She added. 

Fucking no, Kaiah! I almost shout at her. Buti ay napagilin ko ang sarili ko. 

Now, I am fucking jealous!

The Light of Midnight (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon