The morning came and I saw that he's not on my side. Nagmamadali akong tumayo at agad itong hinanap. Nakita ko ito na nasa teresa ng bahay at nakatingin sa nakasikat nang araw.
"Akala ko ay kung napano ka na, River." Hinihingal kong sabi rito. Tinignan lang ako nito at hindi tumugon sa sinabi ko bago muling ibaling ang paningin sa tanawin mula sa aming teresa. "What do you want to eat for breakfast? As long as it's okay for your health, I'll cook it."
"Anything, Pierre." Sagot nito nang hindi ako binabalingan.
"A'ight. I'll do what I can." I am on way to go back inside the house when I talk again.
"My friends will be coming here tomorrow. We'll hang out bago ako bumalik ulit sa theraphy."
"Gaano sila katagal? Dito ba sila mananatili sa bahay?"
"Three days, they'll be on the nearby hotel, but just for a night. Dito sila matutulog ng isang araw."
"Okay, I'll clean the house later and buy some groceries na rin para may maihanda tayo sa kanila. Would you like to come with me or do you want me to call Lucas or Milo, so you'll have someone to accompany you."
"I'll go with you. It's not far isn't it?"
"It is not. You can also shop some clothes if you want to."
"We'll see, Pierre."
"Alright, River. Tatawagin nalang kita mamaya."
Hindi ko na hinintay pa ang tugon nito at agad na akong tumungo ng kusina upang magluto ng kakain namin. Lagi kong sinisigurado na ang mga ipapakain ko sa kaniya ay hindi maaapektuhan ang kalusugan niya kaya kahit minsan ay hindi ko gusto ay pinipilit ko na lamang para sa gayon ay maramdaman niya na hindi siya nag-iisa.
We are now on our way to the mall. Doon na rin namin binalak na maggrocery para hindi na kami magsasayang pa ng gas kung sa iba pa kami pupunta dahil gusto rin nito na mamili kami ng mga damit. Nakarating na kami at nang nasa kalagitnaan kami ng pamimili ay agad kong natanaw si Thamarra sa hindi kalayuan. She's wearing her usual clothes when we go to dates, pink plain dress and a high heels as her footwear as her hair is on a messy bun. Sexy. Napaisip tuloy ako sa noong nakaraang tagpo namin sa bar lalo pa't hindi naman na muli kami nabigyan ng pagkakataon para makapag-usap muli.
Hindi ko namalayan na narito na pala ang buong atens'yon ko at wala na sa pamimili kaya nagulat nalang ito sa pagsulpot ko sa harapan niya.
"Hi, Tham. How are you?"
"Oh, hey, Pierre. I'm okay. Hi, River. Kumusta kayo?"
"We're good." Pagsagot ko rito. Tinignan ko si River na nasa gilid ko lang at nakatingin sa kaniyang telepono at hindi man lang pinansin si Thamarra. "About that night, Tham. If you can still remem...."
"Yeah, we can arrange some time to talk about it." Then she smiled at me.
"Okay, Tham. Let's just..." I am not yet done talking, but River already cut me of.
"Matagal pa ba? Napapagod na ako." Saad nito bago ipatong ang kaniyang ulo sa balikat ko.
"Let's just talk later, Tham. Is it okay?"
"Yes, Pierre. Ingat kayo. Bye River." At muli ay hindi siya nakakuha ng sagot mula rito.
Nang makaalis si Thamarra ay agad kong inayos ang posisyon namin at inalo si River dahil baka kung ano na ang nararamdaman nito.
"How do you feel, River? Are you okay?"
"I'm hurt, Pierre."
"What? Where? How? Let's go to the hospital." Natataranta kong sabi.
"Just joking. Tara na, ituloy na natin ang pamimili."
"What the fuck, River? Huwag mong gawin na biro 'yon, please."
"Yes, Pierre. It won't happen again as long as..." Then he stopped midway.
"As long as what?" Tanong ko rito.
"Nothing."
Dumating ang kinabukasan at narito na ang mga kaibigan ni River. Sumakto rin dahil natapos ko nang ihanda ang mga pagkain. Nakangiti na lumabas ng kwarto si River nang may tapis ng twalya sa bewang at may sabon pa ang ulo at katawan.
"River, madulas ka!" Sigaw ko rito at agad na sinundan patungo ng labas dahil hindi naman ito nakinig.
"Dex, Inno, Kaiah, Sofia!" Sigaw nito.
Doon ka nakita na isa-isang nagsilapit ang mga kaibigan nito sa kaniya at agad itong niyakap hindi alintana ang sabon sa katawan. Nabanggit ni River na ito ang pangalawang beses na magkikita sila matapos siyang makauwi galing sa ibang bansa, ang una ay hindi pa nila gaanong nasulit dahil nagkaroon ng emergency ang anak ni Dexter. Hindi na rin kasi sila gaanong mapaunlakan ni River matapos no'n dahil sa agad na itong sumalang sa treatment at sessions ng chemotherapy.
"We missed you, River!" Tumatalon na sigaw ni Inno. Tahimik at nakangiti ko lang silang pinagmamasdan habang nakahilig sa pintuan.
It has been so long that I have seen River this happy. Most of the time, his eyes just speaks sadness and exhaustion, but now I can see that he's in bliss and that made me smile. He's been through a lot and watching him like this gives me pure joy. I just hope that this will continue until he fully recovered. I can't wait to that.
"What the actual fuck?" A cursed from Kaiah took me back from thinking things. "Pierre?"
"Hi." I greeted them all.
"You got some explaining to do, River." She said and then went into me and hugged me.
"How are you, Pierre? Why are you here?"
"I'll let River explain everything. Sa ngayon ay puputulin ko muna 'yung kumustahan niyo, kumain na kayo hangga't mainit. And you," Sabay turo ko sa taong nakahubad sa harapan namin lahat. "Go back to the comfort room, tapusin mo muna ang pagligo mo dahil baka madulas ka."
Sinabungatan lang ako nito bago nagsalita. "Opo, Sir." Sabay suntok sa kaliwang braso ko.
"Kayo na?" Tanong ni Inno nang nasa hapag na kaming lahat. Agad na napaubo si River sa tanong nito kaya ako nalang ang sumagot dito.
"Nope, I am just taking care of him."
"I see. Akala ko lang dahil sayang kung gano'n." Saka ito tipid na napangiti.
"Well, you left without giving us a hint, River. We were clueless for years especially, Pierre. Halos araw-araw 'yang bumabalik sa loob ng ilang buwan magkaroon lang ng sagot." Si Kaiah. What she said made us all silent. I can't blame her for saying that, she witnessed everything until the day that I refused to acknowledge everything and continue living without facing an ounce of pain when the day that River left.
Napabuntong hininga si River at agad na ibinaling sa 'kin ang paningin. Tipid lang akong ngumiti rito at ibanaling ang iba sa topic.
"How are you guys by the way? How are you all holding up?" I asked them.
"I am engaged now." Si Kaiah. "Sayang at hindi siya makakapunta ngayon."
"Me, I am married." Dexter happily said. "Her name's Danielle, and we're celebrating our fifth year next moth."
"That's good to hear, Dexter."
"Yes. Kukuhanin ko kayong Ninong na dalawa sa pangalawa ko!"
"Sure, just send us the details, pupunta kami ni River." Nakangiti kong bati rito.
"Ang daya! Ikaw din River, kukuhanin kita sa una ko. Si Pierre sa pangalawa." Si Sofia.
"Sus, single ka nga tapos nasa ninong part ka na?" Si Inno. That made us all laugh.
"At least hindi ako umiyak noong nireject ako."
"At least 'yung mga ex ko hindi nakikipaghiwalay sa text." Balik ni Inno.
"Kulang ka sa aruga, no?"
The whole night went well. Dumating ang alas dyes ng gabi nang matigil kaming lahat. Bukod sa pagod na rin sila mula sa byahe ay kailangan na rin na matulog ni River. Masama sa kaniya ang nagpupuyat. Pinapasok ko na ito sa kuwarto at ako na ang nagligpit ng labas at nagsarado ng pintuan. Dumiretso ako sa banyo sa kwarto namin ni River at naglinis ng katawan bago ako matulog.
"You really did that, Pierre?" Tanong niya nang mahiga ako sa kama.
"Why are you still awake? I told you to sleep, River."
"Just answer the question, Pierre. I can't sleep because I kept on thinking about you going to Manila almost everyday."
"Is this what's bothering you kaya ka hindi gaanong nagsasalita kanina?"
"Yes, and please answer the question."
"Yes, River. I sought for answer for I don't know how long."
"Fuck it." And then I saw how tears went down from his eyes down to his cheeks. He is not looking at me and but I am looking at him during the whole time. "Dapat talaga ay hindi na ako umalis."
"It's all in the past, River. I know that it still haunts you, but I understand everything now. I don't blame you for all the things that had happened. I am here now. Hindi man natin naituloy kung ano 'yung nasimulan natin noon, pero nandito pa rin naman ako ngayon. Kasama mo pa rin ako. So please, stop being hard on yourself just because you can't control everything."
He did not utter any words, he just went into me ang hug me.
And I let him.
BINABASA MO ANG
The Light of Midnight (BxB)
RomanceIllumination Series #3 (On going) River Valentino Alvaro came from a well-known family of politicians. He will always have the privilege of getting all the things he wants in his life, except a good and loving family. He always wondered what it was...