Micko's Point.
"Micko, micko, gumising kana naman oh... M--m--micko!!! Si ady to.. Gising na oh.. Jasper!! Please lang. Umalis kana muna dito.. Ms. ano pa ginagawa nyo dyan?? Tumawag na kayo ng Ambulansya!! Micko!! Micko!! "
Yun nalang yung mga salitang nakinig ko, sabay nagdilim ang lahat...
Ang sakit...
Sobrang sakit yung naramdaman ko..
Oo, masakit ang mga suntok sakin ni Jasper, pero mas masakit nung hindi ko naipaglaban si Ady.. Ang aking Ady. Masakit na hindi ko sya maipaglaban at maipagtanggol. Oo, nasaktan ko si Jasper pero malakas sya. Masakit kasi wala akong sapat na pinanghahawakan para maipaglaban sya. Tama naman si Jasper eh, pasyente ko lang si Ady, pinag eeksperemintuhan ko lang sya. kaya sa pagitan namin ni Jasper mukhang mas may karapatan sya...
Maya maya, ay nagmulat na ang mata ko, as expected, dinala nila ako sa ospital. Pinagmasdan ko ang paligid. May mga benda ako sa katawan. Hindi ko pa masyadong maigalaw ang katawan ko...
Lumingon ako sa tabi ko at ayun sya. Mahimbing na natutulog habang hawak hawak ang kamay ko. Ang kanyang maamong mukha ay may mga bakas pa ng luha. Si Ady talaga. Hindi ko inakalang mamahalin namin ang isa't isa ng ganito. Hindi ko inakalang kaya naming pagdaanan ang mga ganitong bagay. Wala pang isang taon kaming magkakilala pero ganito na ang status namin. Hindi ko inakalang tumibok ulit ng ganito ka-tindi ang puso. Ang akala ko ay kay Agatha lang ito titibok. Kay Agatha, na napunta lang kay Jasper, Si Agatha, na minahal ko naman ng totoo pero mas pinili si Jasper. Sana, sana talaga, ang pagsasama namin ni Ady ay hindi mangyari ng saamin ni Agatha. Kung mangyari man yon, ay hindi ko na alam ang magagawa ko sa sarili ko..
Takot na akong maiwanan. Dala ng takot na ito, ay ang takot kong magmahal.. Magmula ng nangyare samin ni Agatha, ay isinantabi ko na muna ang pagmamahal. Naisip ko na, bakit paba ako magmamahal eh masasaktan din naman ako?? Bakit pa ba eh alam ko namang iiwanan lang din naman nya ako?? Bakit pa ba, eh alam ko namang mawawala din ang pag ibig na yun. Bakit pa ba eh si Agatha naman talaga ang mahal ko..
Kaya ako nag Psychology eh, kasi gusto ko matutunan kung bakit ba nagmamahal ang isang tao, kung bakit ba nasasaktan ang isang tao, kung bakit ba may nang iiwan nalang..
Pero, kahit may mga concepts kaming naencounter na ganun, hindi ko parin maintindihan. Wala parin lumabas na kasagutan sa mga tanong kong iyon. Gustong gusto ko syang mapag aralan, pero walang scholarly book na available na ganun...
Kaya ayun, Nanatili akong may hinanakit. Hinanakit kay Agatha, dahil minahal ko naman sya ng totoo, pero si Jasper parin ang pinili nya. Una kaming nagkakilala,at pinakilala ko lang sya kay Jasper...
Hinanakit kay Jasper, dahil mahal sya ni Agatha, pero binalewala nya ito. Kaya lumala ang sakit ni Agatha dahil sakanya eh, lumipat kasi si Jasper ng tirahan noong araw na dapat magtatapat na si Agatha sakanya. Sakin umiyak si Agatha noon, ki-nomfort ko yun, pero si Jasper parin ang hinahanap nya.
At ang pinakahuli, Hinanakit sa sarili ko, hinanakit dahil sampung taon akong nagkaroon ng hinanakit kay Agatha. Sampung taon akong naging bitter. Madaming babaeng napunta sa buhay ko at gustong mapasaya ako, pero dahil sa naramdaman ko, wala, hindi ko sila sineryoso, at binalewala ko lang. Naging sarado ang puso't isipan ko na maramdaman ang pagmamahal ulit dahil sa Agatha na yan. Ang daming taon ang sinayang ko dahil lang sakanya. All these years nagkahinanakit lang ako sa ibang tao. Sinisi ko ang ibang tao dahil sa nangyari saakin, pero ang totoo, walang dapat sisihin kundi ako mismo.
Pero, nawala lahat ng naramdaman kong iyon nang makilala ko itong babaeng to.
Si Lady Odette Manzano. Ang babaeng nagpabago ng takbo ng buhay ko. Ang babaeng akala ko soobrang taray dahil sya ang nagrereyna sa isang famous hotel. Ang babaeng akala ko rin nababaliw na dahil sa ex-bestfriend ko. Ang babaeng napakatamis ng ngiti, pero hindi ko inakalang dumanas ng soobrang hirap dahil sa ex-bestfriend ko... Ang babaeng kahit ganun ang ugali at karanasan, kinaya nyang buksan ang puso nya para saakin.Ang babaeng napakaraming ginawa para saakin. Ang babaeng nagpapasaya saakin tuwing umaga,. Ang nagbibigay saakin ng urge araw araw para ipagpatuloy ang buhay ko. Ang dahilan ng mga ngiti ko, ang dahilan ng buhay ko. Ang dahilan ng pagkakaroon ko ng energy sa araw araw. Kahit topakin yan, ganyan ko sya pinahahalagahan ko sya.
And, ang masakit na part, sya ang dahilan ng pagkakaroon ko ng trabaho...
"Micko...."
Napatigil ako sa pag iisip nang makita kong nagising na si Ady.
"S--sorry, nagising kita.." Mahina kong sagot.
"Okay ka lang ba Micko?? Is something wrong??" Biglang napalapit si Ady at hinawakan nya ang pisngi ko..
Doon ko lang naramdaman na may mga luha na pala ako. Takte, Bading na ata ako at umiiyak na rin akoo.. Micko, gwapo ka okay, hindi ka pwedeng maging bading. Andami na kayang bading na gwapo. Wag kana dumagdag sa populasyon nila. ..
"Ah,, uhm.. eh.. " Iniwasan ko ang tingin ni Ady dahil baka maiyak na naman ako..
"Ady, sorry dahil , hindi kita nagawang ipag---"
"Ano kaba, mas gusto ko nga yung ginawa mo.."
Pinutol nya ang sinabi ko nang iharap nya ako sakanya at sinabi nya ang katagang iyon..
"B-bakit mo nasabi yan??"
"Mas pinatunayan mo, na hindi mo kailangang gumamit ng dahas para lang patunayan na karapat dapat ka. Hindi naman kasi boxer ang boyfriend ko. At pinatunayan mo na hindi mo ako mapapanalunan sa isang laban.. Pinatunayan mo sa lahat, na ikaw ang pinili ko kahit hindi ka nakalaban, pinatunayan mo na hindi ako isang tropeyo sa isang paligsahan.. Kahit hindi mo sya nabugbog, ngayon naman, bugbog na ang puso nya dahil nakasakit nga sya ng katawan, mas nasasaktan naman sya.."
Sagot nya na nakatitig saakin at nakangiti, hindi ko tuloy mapigilan na umiyak na naman.. Tears of both joy and sadness.
Joy dahil nakatagpo ako ng taong ganito katindi ang pagmamahal. Wala na akong mahihiling pa kung andyan sya.
Sadness dahil one of these days, magagalit na sya saakin dahil malalaman na nya ang totoo kong pakay...
SHit! Bakit ba pa kasi ako umagree kay Tami!!
Gusto kong bumalik sa oras na inalok ako ni Tami ng trabahong ito. Pero hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Kung tumanggi kasi ako, hiindi ko sana nakilala ang babaeng mahal ko.. Kung tinaggap ko naman, dumagdag na naman ako sa paghihirap nya,, At ito na nga yung sitwasyon ko..
Yun ang dahilan kung bakit mas lalong tumulo ang mga luha ko at dahilan din para umiyak na sya...
Para kaming tanga dun dahil nag iiyakan lang kami. Hindi ko mahaplos ang mukha nya dahil sa napala ko, hindi ko magalawa ang katawan ko..
And after naming mag iyakan. Pinawi nya ang luha nya at sabay sabing
"I have a plan.."
Author's Note: Sorry ang pangit ng update ko ngayon.. Alam ko walang buhay. Medyo wala lang ako sa mood ngayon. Sorry readers. May pinagdadaanan lang ako. Pero once na umayos na ako, babawi talaga ako ng updates. Sorry ulit..
![](https://img.wattpad.com/cover/2363561-288-k724846.jpg)
BINABASA MO ANG
Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)
Teen FictionHow can you say that the person you are with at this moment is really the person you are meant for.? What if you will wake up one morning with that person leaving you.. Will you still believe that True Love exists? JUST CLICK START READING AND ENJO...