Chapter Twenty Five: Getting Back Together?!

64 0 1
                                    

Chapter Twenty Five: Getting Back Together??!

Ady's Point:

"So, anong sadya mo sa office ko, Mr.  Seranno?" Pambungad ko sa lalaking nasa harapan ko na bigla nalang pumasok sa opisina ko. 

"Hinire mo pala ang boyfriend mo dito, hindi ba parang unfair dahil madaming nag a-apply dito at sya nakapasok agad dahil sayo. That's not you Ady, that's not the Ady I met. " Pagmamalaki nyang sinabi. 

"So I guess, hindi mo lang talaga ako nakilala. First of all, si Tami ang nagbigay ng idea na i-hire si Micko para sa bagong tayo naming bar, we need a singer, and MIcko is really great. Second, nag-apply sya sakin, nag audition at nagbigay ng resume. Third, sino ka para questionin ang mga decision ko? You're not even a part of the company, You're just a customer and act as a customer." I explained. 

Mukha syang binuhusan ng isang timbang malamig na tubig na may yelo yelo pa at parang kakadeliver lang mula sa north pole. Lamig no?! Sakit nun sa ribs. 

"Uhmm. So, pwede din akong mag-apply, balita ko nag resign na ang assistant manager nyo, at kailangan nyong makahanap ng kapalit nya agad dahil madami syang trabahong naiwan. " Pag eexplain nya sakin and inabot nya ang resume nya. 

"Look Jasper, If you're thinking na makipagbalikan sakin, ngayon palang, tumigil kana." Nakatitig ako sa mga mata nya nang sinabi ko yun.

Masaya at kontento na ako kay Micko, sigurado akong hindi nya ako hahayaang masaktan at iwanan. Sigurado na akong hindi ko na mahal ang taong ito. Well, let me paraphrase yan, MAHAL KO PA SYA, PERO MAS MAHAL KO SI MICKO. AT HIGIT SA LAHAT, MAHAL NA MAHAL DIN AKO NI MICKO. Sa storyang ito, papatunayan kong hindi laging nagkakatuluyan ang Princess, at ang Prince Charming. Minsan, pwede rin si Princess at Knight in Shining Armor ang magkatuluyan, 

"Ang totoo nyan Ady, Madami akong gustong sabihin sayo, can you give me a chance??" Tanong ni Jasper na nakatayo sa harapan ko, at nakatitig rin sa mga mata ko.  

I straightened my back at pinakita ang poker face ko. 

"Go on, You have Five minutes Mr. Seranno." Sagot ko sakanya sabay turo sa upuan sa harap ko para maupo sya. Umupo sya agad, hindi nya tinatanggal ang tingin nya sakin at nagbuntong hininga. 

"Alam mo Ady, Ang balak ko talaga, daain nalang to sa isang mahabang sulat dahil, hindi ko alam kung kaya kong makita ang mukha mo habang nalalaman mo to. Pero dahil, narito na ang pagkakataon, I have to take the chance" Panimula nya

"4 minutes and 30 seconds" Sabi ko habang nakatingin sa relos ko.

"Okay. First of all, Gusto kong humingi ng tawad sayo. Sorry dahil iniwanan nalang kita bigla noon, Napanood mo ba yung nasa disk? (hindi ako sumagot)  Mukhang napanood mo na nga. Ang totoo nyan, napakahirap para sakin na iwanan ka ng ganun. Pero mas kailangan ako ni Agatha. She's dying at that time, akala ko 1 year nalang itatagal nya, pero humaba pa pala, thank God. Sorry dahil, nabalitaan ko, naging miserable ang buhay mo noong nawala ako. Sana mapatawad mo ako. I never wanted to hurt you Ady, Alam ko, hindi ko na kayang ibalik ang dati saatin, pero sana, bigyan mo ako ng pagkakataon para gumawa ng mga bagong alaala. Mga bagong alaala na higit na maganda sa nauna. Namiss kita, sobra sobra, marami akong pangarap para saating dalawa, kaya sana tuparin natin yon ng magkasama. Mahal na mahal kita Ady, Hindi ko kaya na makita ka sa ibang lalaki, at sa bestfriend ko pa. Ady, hayaan mong suyuin kita, Patunayan sayo na nandito ako para sayo. patunayan sayo na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Ka-"

"Times up!" pagpuputol ko sa sinabi ni Jasper. 

"Tapos na ang fives minutes mo, siguro pwede ka ng umalis. " 

Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon