Ikalawang araw na ng wala ka Cheese cake ko, at sobrang hirap !! Ikaw kase!! Hindi mo manlang ako tinetext, pini-pm sa facebook, or ym. Hindi manlang tayo nag vi-video chat sa Skype. Kahit i-hashtag mo manlang ako sa tweets mo wala!! Nag-aalala na tuloy ako sayo cheese cake. Chinecheck ko pa naman sa news kung may eroplanong papuntang states ang nadisgrasya or whatsoever sa araw ng flight mo, pero awa ni God wala naman. Chinecheck ko din kung may naambush man, o nagkagulo sa New York, kung saan ka tumutuloy. Wala naman.. Tinawagan ko na din ang mama mo,sabi nya baka busy ka daw.. Kahit nga sakanya hindi ka daw nagpaparamdam... Haaaayyyy.. Jasper Serrano, nasan ka ba??!! Buti siguro kung hindi ka nakakamiss ok lang kahit sampung taon ka mawala.. Pero hindi eh, !!! Parang kadugtong ka na ng buhay ko... IKAW ANG BUHAY KO.. At napakahirap pag napahiwalay ka kahit saglit..Alam ko namang ganun din ang nararamdaman mo ngayon.. kaya magreply ka din naman sa mga messages ko. Alam mo ba, magcocosplay ang Education Department para sa Foundation Day, Next month na yun diba??Kaya umuwi ka bago ang araw na yun ha :(( Balak ko pa namang mag Snow White sa araw na yun.. Diba , ikaw nung nagplay tayo nung highschool, ikaw si Prince Charming, at ako si Snow White,.. Ang daya mo nga nun kase fake kiss lang dapat ang ibibigay mo.. Pero tinotoo mo yung kiss na yun!! Hindi ko pa naman ineexpect yun, kaya bigla akong napabangon , at nagtawanan ang lahat.. First kiss ko yun, at napunta sayo.. Ang daya daya mo nun.. Naasar ako, pero at the same time, natuwa din ako, dahil sayo napunta ang First kiss ko.. :3 Kaya ikaw cheese cake ko.. Umuwi ka na dito agad, dahil miss na miss na kita.. At ang hirap hirap mabuhay ng wala ka!! Mahal na Mahal na MAhal na MAhal na MAHAL KITA!! I Love You!! at ikaw lang lage cheese cake :)) Sige, kailangan ko na tapusin ang ang pagsusulat dito kakain na ako.. Ikaw ha! Kumain ka na ha!! Wag kang papalipas ng gutom ... Pag ikaw umuwi ng payat.. Humanda ka saakin.. Bye bye cheesecake :).. <3
Isinara ko na yung diary na kanina ko pa sinusulatan Nakakasix pages na ang nasulatan ko at puro I miss you cheese cake ang nakasulat dun.. May isang notebook pa nga na puro I MISS MY CHEESECAKE ang naka sulat.. Hindi ko namalayan na napuno ko pala yung page na yun.. Heheheeh... maipakita pala ito kay Jasper pag uwi nya..
Pagkatapos kumain ay minessage ko sya sa fb nya, saying Good Night, Sweet Dreams, at sana mag message na sya..
.
.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang ilang araw.. Linggo.. pero wala padin.. Nag-aalala na ako kung anong nangyayari sakanya.. Hindi ko din macontact sina tita.. Alam naman ni Jasper na nag-aalala ako sakanya, pero bakit hindi padin siya nag paparamdam!!
OO, inaamin ko, masaydo ko syang mahal.. Hindi ko kayang wala sya at alam kong ganun din sya..
Sa sobrang pagkamiss ko sakanya, pinuno ko nalang ng mga memories namin yung diary ko.. Sobrang dami pala naming pinagsamahan, mula sa unang balutan ng cheese cake na binigay nya, hanggang sa wrapper ng regalo nya saaking compass at diary.. Malapit ko ng mapuno yung diary ko, nang matingnan ko ang last page, may nakadikit dung cd na may nakalagay na, "I'm Sorry" dali-dali ko itong binuksan at plinay sa laptop ko..
Loading...
Loading..
Loading...
Loading..
Hanggang sa lumbas ang mukha ni Japer.. Linaksan ko ang volume para makinig ang lahat ng sasabihin nya.
"Ady, at one point pinapanalngin ko na sana hindi mo mahanap ang CD na ito sa likod ng diary mo.. Ang tanga ko no, siguro dapat hindi ko nalang to inilagay.. Pero kailangan eh.. Ayaw kitang unti-unting masaktan.. "
![](https://img.wattpad.com/cover/2363561-288-k724846.jpg)
BINABASA MO ANG
Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)
JugendliteraturHow can you say that the person you are with at this moment is really the person you are meant for.? What if you will wake up one morning with that person leaving you.. Will you still believe that True Love exists? JUST CLICK START READING AND ENJO...