Chapter Sixteen: Almost..

80 1 9
                                    

Odette's P.O.V.

Wala akong masabe sa ganda ng Hongkong Disneyland! Feeling ko bumalik ako sa pagkabata ko. Feeling ko ako ulit yung Ady na 7 years old na tuwang tuwa makakita ng makukulay at magagandang bagay. KAhit soooobrang yaman namen, hndi ako nagkaroon ng chance para pumunta ng Disneyland. Bakit?? Una: kasi busy si papa,at Pangalawa: Busy si Mama. Oh diba! ang ganda ng childhood days ko. LAging nasa bahay, kausap ang yaya.Training lagi ng Taekwondo. Naggagawa ng kung anu ano, at kung minsan tulog nalang lagi, Pero nabago lahat ng yun nung naghighschool ako. Nung nakilala ko si Jasper, sya ang pinakamasiglang taong nakilala ko. Tinuruan nya akong magbike, magbadminton, at kung anu ano pa. Syempre diba marunong na ako magtaekwondo nun. Yun lang talaga ang natripan kong sport. Hehehehe.. By the way Highway. Wala talaga akong masabi sa ganda ng Disneyland :D Paulit ulit?? Hahahhahah Pasensya na, banu. hhhaah..

Naglalakad lakad kami ni MIcko sa Toystory land. Yung parang park kung saan naandun yung mga toys mula sa movie na Toy Story, ang ganda talaga! Nakakamangha!! Paikot ikot ang mga mata ko sa mga nakikita ko, Bigla lang ito tumigil nang may makita ako sa Candy Shop. Isang lalaking matangkad, brown ang buhok, maputi at matipuno. Mag isa lang sya dun na bumibili ng candy.

Tumakbo ako papunta sa Candy Shop. Sinundan naman ako ni MIcko na nakapanalo ng isang teddy Bear sa games dun. Tumabi ako sa lalaking nakita ko, pagkalingon ko, nabigla ako at hindi napigilang mapanganga,,..

Sya yun.

Ang lalaking yun.

After three years, nagkita na kami.

Tumingin naman sya sakin at kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkamangha. Nabitawan nya ang candy na binili nya, at mukhang hindi sya makapaniwala..

"Ady.. " Banggit nya habang unti-unting lumalabas ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Napakasarap pakinggan na tawagin nya ulit ang pangalan ko. Napakasayang pagmasdan ang kanyang mukha . Mukha na kahit tatlong taon na ang nakalipas ay ganun parin., Ganun parin ang kanyang masisiglang mga mata. Mga rosy cheeks, ang kissable lips nya, ang brown hair nya na medyo mahaba at ang kanyang buong mukha na na talaga namang bumubuhay sa mga munting paru-paro sa aking tiyan.

Hindi ko napigilan na yakapin sya. Yakapin sya ng pagkahigpit higpit. Yakapin sya para hindi na sya ulit makaalis sa aking tabi. Yakapin sya para ipaalam sakanya na sya parin , sya parin ang nilalaman ng aking puso't isipan.

"Jasper, buti naman at bumalik ka na, hindi mo alam kung anung hirap, sakit at lungkot ang naramdaman ko dahil sa bigla mong pag alis. Ipangako mo saakin, ipangako mo na hindi mo na ako iiwan ha. Hindi na kita hahayaang iwanan mo na ako ng ganun ganun nalang... " Bigkas ko habang tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ako.. Hinigpitan ko ang kapit sakanya.

"Ady, hindi ko maipapangako na hindi na kita sasaktan, papaiyakin, at iiwan. Pero, kung naandyan ka lagi saaking tabi, gagawin ko ang lahat. Lahat ng makakaya ko, para matupad yun. Para hindi mo na danasin lahat yun." saad nya habang pinapawi ang mga luha ko na pilit pinapalabo ang paningin ko.

" I'm sorry if your Prince Charming left you my sweet cute little Princess. Don't you fear now, cause I'm here to stay forever. I love you, forever and always " Sinabi nya saakin ng nakatingin saaking mga mata.  

Hinalikan nya ako sa noo habang nakapikit ang aming mga mata.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Panay mga foreigners sila at halata namang tuwang tuwa sila sa aming pagkikita.

Nakakatuwa. Makalipas ng napakahabang panahon, nagkita ulit kami ng taong mahal na mahal ko, at sa aking pagkasopresa ay ako parin pala ang tinitibok ng kanyang puso. Through all these years, ako parin at sya ang para isa't-isa.

Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon