Sobra akong nasaktan sa ginawa ni Tami saakin..
Pinsan nya ba talaga ako??!!
Bakit nya ako ginaganito??!
Akala ko ba, tutulungan nya ako.. Anu bang klaseng tulong yun.. Alam naman nyang hindi ako marunong lumangoy. tinulak pa nya ako sa swimming pool..
"Wala ka dapat asahan sa mundong ito.. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo.. Kaya, kung makakaalis ka man dyan, puntahan mo nalang ako sa lobby. Wag kang magpapakamatay ha.. Ang sakit kaya pag may mga tubig na pumapasok sa loob ng body mo. Ayaw mo namang ganyan ang sapitin mo diba.. At ayokong mabahidan ng murder ang resort ko., Kaya umalis ka na dyan.. "
Maarteng utos nya sakin..
Dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, Pilit paring lumalabas ang mga maiinit na luha na humahalo sa sobrang lamig na tubig.. Mga luha, na kahit ganong init, ay hinding hindi mababago ang temperatura ng tubig sa pool. Parang yung sitwasyon ko ngayon, kahit na sobrang gusto kong baguhin ang sitwasyon ko, ang nangyayare sa buhay ko, maging masaya at makapiling si Jasper, hindi ko kayang baguhin yun.. Kase, ang laki na ng nagbago.. Wala pang isang buwan ay nawala na ang lahat.. At kahit anong gawin ko.. malabo nang mabalik yun..
"Hoy! Odette!!! Ganyan ka na lang ba palagi??!! Iiyak ka nalang na parang isang bata na naagawan ng candy??! Pwede ba!! Nakakasawa ng panuodin yang mga drama mo.. Ano bang magagawa ng pag-iyak mo ha? Mapapabalik ba nyan si Jasper?? Madi-divorce ba nyan ang kasal nya.. Mamahalin ka ba ulit nya, matapos nyang ,makitang naiyak ka??!!
Well, ako na ang sasagot sa mga tanong ko.. Ang Sagot: HINDI NA .. Hindi na sya babalik sayo.. Ok?? Ako na ang nagsasabi sayo.. At isa pa, Hindi ka naging isang Manzano para lang umiyak iyak ng ganyan.. Naging kaapelyido pa naman kita tapos ganyan ka.. Haaaayy.. Nasisira lang ang beauty ko sayo.. Papasok na ako ha.. Ihahanda ko na din ang funeral mmo, kasi baka mamatay ka sa ka-iiyak mo" Maarte nyang sabi sabay walk-out.
Ang sakit.. Ang sakit nung sinabi nya.. Idagdag mo pa yung lamig ng tubig.. Yung mga tubig na naiinom ko na.. Yung tubig na parang lumalamon sa buo kong katawan.. Ang sikip sikip na ng dibdib ko..
Hindi ko na alam ang gagawin ko.... Mamamatay na ba talaga ako?? Ganito na lang ba?? Hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko, Madami akong mga kaibigan na alam ko , mahal ako.. Si Mama, si Papa, Lahat sila, minahal ako at hindi nila ako dinis-appoint..Si Tami din.. Alam kong kailangan nya akong tarayan kasi para na din saakin to..
At, Si Jasper..
Ipapakita ko pa sakanya kung ano yung mga sinayang niya.. Ipapakita ko pa na ang tanga nya para hiwalayan ako, at magpakasal sa ibang babae.. Hindi ako pwedeng mamatay.. Hindi.. Alam kong hinahanap na din ako nung taong Para talaga saakin..
The Person meant for me...
Nung naiisip ko ang mga bagay na yun, ay parang nabigyan ako ng lakas, itinulak ko ang aking sarili paitaas, at lumapit ako sa hagdanan ng pool..
Nung nasa ikalawang hakbangan na ako, ay muntikan pa akong madulas at tumama ang ulo ko sa matigas na semento, pero kinaya kong makaiwas ..
Hindi na ulit ako masasaktan para kay Jasper.
Hindi ko hahayaang maging ganito nalang ang buhay ko..
Hindi pwede,
Dumiretso na ako sa lobby ng hotel na nasa resort, at nadatnan si Tami na may dalang tuwalya.. inyakap nya yuon sa nanlalamig kong katawan at diniretso na ako sa hotel room namen para magpahingga.. gabi narin naman at pagod na kami pareho.
"Bukas, ibang Lady Odette na ang makikita mo.." Sabi ni Tami sabay patay ng mga ilaw
KINABUKASAN..
BINABASA MO ANG
Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)
JugendliteraturHow can you say that the person you are with at this moment is really the person you are meant for.? What if you will wake up one morning with that person leaving you.. Will you still believe that True Love exists? JUST CLICK START READING AND ENJO...