The following days were ordinary ones. Masaya parin naman kami pero busy din.. Hindi kame masyadong nagkakasama ngayon ni Jasper .. Busy daw sya eh, hindi naman nya masabi kung ano yung pinagkakabusyhan nya.. Haaay.. Ano naman kaya yung bagay na yun na hindi ko kailangang malaman?.. Kinakabahan ako ha.. pero hindi yun.. Hindi nya ako kayang gawan ng masama.. Kilala ko si Jasper..
"Huy Cheese cake!!" may bumulaga sa likod ko.
"Ay kabayo!! Cheese cake naman eeh!!" Sigaw ko sakanya sabay palo ng very slight lang..
"Ang lalim kase ng iniisip ng cheese cake ko, pwede ko bang malaman kung ano yung bumabagabag sakanya?" Tanong nya sabay tabi saakin sa couples swing na pinagawa namin.. Dito kami napunta magkasama man o hindi, dito kame nag iisip, tambayan, at kung anu mang kailangang gawin namin,. Pero, ang kakaiba dito, kami lang ang pwede dito, hindi kami pwedeng magpapasok ng iba.. Hindi kami pwedeng magpalagpas ng sinuman (bukod saamin) sa bakod na binuo ni Jasper at pinunturahan ko.
"Iniisip ko lang kung bakit hindi ka busy ngayon, lately kase madami kang ginagawa, " sagot ko ng nakatitig sakanya..
" Alam mo ba kung bakit ako laging wala,?"
"may babae ka?" Seryosong tanong ko.
Bigla syang napatingin saakin ng may malaking mata.. o_O???
"WAHAHAHAHAHAHAHA !!! AKO?! MAY IBA??!! WAHAHAHAHAHAAH !!!" Tawa sya ng tawa na akala mo'y sinabi ko ang pinakanakakatawang joke sa buong buhay nya..
..
.
.
Biglang sumeryoso ang kanyang mukha, tinitigan ako at hinawakan ang aking kamay..
"Hindi ko magagawa yun.. Alam mo kung bakit?? Sinabi ko kase sa sarili ko na ipagpapalit lang kita kapag may nakita akong mas higit pa sayo.. Mas maganda pa sayo.. Ewan ko, pagnapapatingin ako sa ibang babae, napapangitan ako.. Kahit sa mga beauty queens, napapangitan ako. Kahit sa mga babaeng lumalandi saakin, kahit mga model yung ilan sakanila, napapangitan ako.You're the only girl beautiful for me inside and out. :)) " Sagot nya ng nakangiti ng sobrang sweet..
Hindi ko maiwasang mapangiti sakanya.. Kahit kailan talaga itong lalakeng to..
Sobrang saya ko na nung panahong yun, hindi ko maiwasang yakapin sya ng sobrang higpit.. Wala na akong gustong makasama sya lang,,
"Di ko maintindihan Ang nilalaman ng puso. Tuwing magkahawak ang ating kamay. Pinapanalangin lagi tayong magkasama. Hinihiling bawat oras kapiling ka" Nagsimula syang kumanta habang nakayakap sya sakin at intertwined ang fingers namin.
"Sa lahat ng aking ginagawa, Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta. Sana’y di na tayo magkahiwalay .. Kahit kailan pa man... " Pagpapatuloy nya, habang hinahaplos haplos ang mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit pinakilala agad saakin ni Lord ang lalakeng to.. Alam ko may mga tao talagang nakikilala agad ang taong para sakanila sa murang edad.. Yun ang inihandang lovestory para sakanila eh. Pero bakit ako?? Hindi naman ako kabaitan, kagandahan, katalinuhan atbp. Bakit ko nakilala agad ang taong para saakin?? Hindi naman sa ayokong makilala ko sya agad, nagpapasalamat pa nga ako eh, pero bakit agad?? Tapos na ba ang story namin?? Happy ending naba agad ?? Happily ever after na ba ang kasunod ??
Alam ko namang sya na ang lalaking papakasalan ko. Sya na ang taong manunumpa sakin sa harap ng altar. Sya na ang lalaking kasama kong tumanda. Siya na ang lalaking mag-aalaga saakin at sa mga anak namin.. Sigurado na ako dun .. Me and this guy with me are meant for each other.
Alam ko na, alam ko na kung bakit ko nakilala agad ang lalaking para saakin.. Dahil madami pa kaming challenges na pagdadaanan .. Madami pa kaming matututunan.. At madami pa kaming pagsasamahan..
At sa huli, kakayanin namin ang lahat.. Alam ko yun.. Ramdam ko yun.
"Ikaw lamang ang aking minamahal... Ikaw lamang ang tangi kong inaasam... Makapiling ka habang buhay .... Ikaw lamang sinta ... Wala na kong hihingin pa ... Wala na" Napakagaling talagang kumanta ng lalaking ito.. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.. at hinalikan nya ang noo ko.
"Nga pala, I have something for you" Banggit nya sabay punta sa tree house.. Pagkabalik nya may nilapag sya sa damuhan at piniringgan ako..
Pagkamulat ko, bumulaga saakin ang isang box. At sa loob nun, merong maliit na compass na necklace, at pink na diary.. Ang pinakamagandang diary na nakita ko.
"Pumunta ako sa India para mabili yan.. May nakapagsabi saakin na on bid yang dalawa kaya pumunta agad ako para lang mabili to, alam kong mahilig ka sa mga ganyang bagay at designs" Paliwanag nya sakin..
Nakakamangha, silk na may burda ang cover nya, at sobrang ganda ng papel.. "Bakit mo ako niregaluhan?? "
"Uhm.. ano kase Ady.. " Biglang humina ang boses nya.. Nakaramdam ako bigla ng kaba.. Ewan ko ba pero kinabahan ako..
" Ano yun Jasper?? May problema ba?" Seryosong tanong ko sakanya.
"Hindi ko kase masecelebrate ang 7th mid anniversary natin kasama ka, kaya binibigay ko na ang regalo ko" Paliwanag nya. Two weeks na nga lang pala at 7th mid anniversary namen. Hindi kami nagsecelebrate ng monthsaries or anniversaries, panay mid anniversary (equal yun sa every six months) . Para maiba. :)
"Bakit??" tanong ko ulet.
"Kailangan ko kaseng pumunta ng United States sa Saturday, at baka abutin ako ng 1 month dun. Sorry kung hindi ko yun masecelebrate with you.. Pasensya ka na Ady... Kailangan ko kasing pumunta dun.. Family matters.. " Explain nya habang nakatungo.
Inianggat ko ang ulo nya at nginitian sya. "Naiintindihan ko.. Isang mid anniversary lang naman yun, at importante naman ang pupuntahan mo,,, Ok lang yun, wag kang mag-alala .. " Sagot ko sakanya.. niyakap nya ako ng sobrang higpit at hinalikan ako sa cheeks..
"Sandali lang may kukunin ako." Akala nya sya lang may surprise ha..
"At dahil binigay mo na ang gift mo, nakakahiya naman kung hindi ko na ibigay yung aken diba? Kaya eto" Abot ko sakanya ..
"Wow!! " Yun lang ang nasabi nya pagbukas nya at inilabas nya yung fountain pen sa loob.
"Paano mo nalamang gustong gusto ko ng ganito?" Tanong nya saakin..
"Hindi ako naging girlfriend ni Mr. Jasper Serrano for nothing" Sagot ko sakanya ng pabulong,,
Niyakap nya ako ng mahigpit at sinulatan nya ang first page ng diary ko gamit ang fountain pen nya..
I promise that I will always love Ms. Lady Odette Manzano no matter what happens.
Signed by: Mr. Jasper Serrano.
Hiniram ko naman yung fountain pen nya at nagsulat sa diary ko.
I truthfully promise to love Mr. Jasper Serrano for the rest of my life no matter what happens.
Signed by: Lady Odette Manzano.
"Lagi mo itong susulatan ha, lalo na ngayon na paalis ako, sulatan mo ng mga pangyayari sa buhay mo para hindi ako mahiwalay sayo .. Gawin mo kung anumang gusto mong gawin dito" Sabi saakin ni Jasper.
"Wag mong iwawala itong fountain pen na to ha.. Ang hirap kayang hanapin nito.. Sa tuwing gagamitin mo ito, lagi mo akong matatandaan.. "
"I love you Ady"
"I love you Jasper"
And that historical night became more memorable for it was sealed with a soft, passionate kiss done under the full blue moon.. :)
Ngayon ko na masasabi na KAMI NA NGA ANG MEANT FOR EACH OTHER.
BINABASA MO ANG
Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)
TienerfictieHow can you say that the person you are with at this moment is really the person you are meant for.? What if you will wake up one morning with that person leaving you.. Will you still believe that True Love exists? JUST CLICK START READING AND ENJO...