Capitulo 1

9 1 0
                                    

"Mau! Nakalung-ag naka?" iyan kaagad ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng banyo.

"Humana Te!" ang sagot ko tapos dumiretso agad sa kuwarto para magbihis.

Inayos ko aking mga gamit para sa skwela. Notebook, libro, pencil case, papel, at kung anu-ano pa. Nang matapos, nagtungo naman akong kusina para kumain ng agahan.

Doon, naabutan ko sina Bin at Ban na kumakain ng agahan. Namumungay pa ang mga mata at halos hindi makasubo nang maayos.

Pinaghain ko aking sarili ng kanin at ulam. It's fried egg for breakfast. Nagtimpla rin ako ng Milo at binilisan ang pagkain. Mula naman sa aking kinaroroonan, kita kong sinundo na ng service van ang tatlo ko pang pinsan na sina Raine, Whyne, at Sylvie. Medyo nahirapan pa ang driver sa pag-angat ng malalaki nitong stroller bags.

"Ingat!" ang sabi ni Tita Samara sa mga anak. Ngumiti ang mga ito at umalis na ang van. Naiwan si Tita na mag-isa sa kanilang bahay.

That must be lonely. Seaman kasi ang kanyang asawa, si Tito Esequiel at minsan lang ito umuwi sa isang taon.

Binilisan ko aking kain nang nasulyapan ang orasan. Hindi pa naman ako late but I want to be early dahil sa flag at pag welcome ng bagong enrollees for this school year. I'm just a treasurer pero utos ng student government president na dapat kumpleto kami.

Isang huling subo at higop at nagtungo ako sa banggera upang magsipilyo at hugasan aking pinagkainan. Pagkatapos non, hinanap ko si Tito Erwin just like my usual routines during school days dahil bibigyan niya ako ng baon.

"Eto Mau oh, singkwenta. Tsaka sabi ng Mama mo abang-abang ka raw ng text mula sa kanya dahil may pinadala siyang pera."

Tumango ako, "Opo Tito,"

"Papasok ka na ba? Ihahatid kita teka lang at kukunin ko muna ang susi ng XRM," aniya at mukhang iyon na nga ang gagawin kaso ay pinigilan ko.

"Naku huwag na po. Maaga pa naman at malapit lang ang eskwelahan,"

"Eh mainit?"

"May payong naman po,"

"O sya sige, ingat ka at aral ng mabuti,"

Muli akong tumango at nagsimula nang lumakad. Maaga pa talaga. Ni wala pang alas sais at seven-thirty pa ang flag ceremony sa SAI.

Kumpara sa skwelahan ko na mga tatlong minutong lakaran lang mula sa amin, malayo ang eskwelahan ng mga pinsan kong umalis kanina. Private kasi at doon pa sa Tubigon na halos isang oras ang biyahe.

Ninamnam ko ang malamig at nangangat na pang-umagang hangin. Sumisiksik ito sa aking balat pero hindi na rin naman bago. Isa ito sa mga kinakaharap ko hanggang sa ngayon pagtungtong ko ng 4th year high school.

Tahimik pa ang labas ng St. Augustine Institute pagdating ko. Hindi agad mahahalata mula sa labas na may eskwelahan pala sa loob dahil natatabunan ito ng malaking katolikong simbahan. Hindi rin kalakihan ang daan papasok kaya naman mas naging tago ang school.

Kung ikukumpara sa ibang high school, maliit lang ang SAI. Wala itong naglalakihang facilities, saktong may classrooms lang talaga para sa pag-aaral at ilan pang area para matawag na paaralan. At kung may events man, ginaganap ito sa municipal covered court o cultural center.

Hinanap ko muna ang classroom ko for this school year at nagreserba ng magandang upuan. Pagkatapos non, nagtungo ako sa vacant room na ginagamit ng ssg for meetings. Doon, naabutan ko ang iilang pamilyar na bag ngunit wala ang mga may-ari.

Tahimik akong naghintay at nagpalipas ng oras. Ilang saglit lang naman at nagpakita na ang mga ito na may dala-dalang turon at juice.

"Mau andito ka na pala!" sabi ng President sabay ngiti. "Kuha ka oh," inilapag niya sa lamesa ang supot na may limang stick ng tinuhog na turon.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon